Chapter 1

394 24 5
                                    


Bee~

Nagising ako ng makarinig ako ng mumunting hagikhik sa gilid ng kama ko. Punyemas, ang kati rin ng tenga ko.

Kahit inaantok pa ay pupungas-pungas akong bumangon at umupo sa kama bago nag-kusot ako ng mga mata at tuloyan ng idinilat.

Naningkit ang mata ko ng makita ko si kuya sa gilid ng kama na may matamis na ngiti sa mga labi niya. Halatang mapang-asar. Kainis naman.

"What?" Inosente niyang tanong na nagpa-asar lang sa 'kin lalo. Mapapatay ko ang kapatid ko na ito. Maaga pa para bwisitin na naman niya ako. Ugh! I hate him.

"Pwede ba kuya, umalis ka rito sa kwarto ko. Kay aga aga, nangbi-bwisit ka na naman." Inis kong pagtataboy sa kanya pero tinawanan lang ako ng magaling kong kapatid. Aba walang nakakatawa.

"Haha. Ang cute mo kasi asarin, Princess." Natatawa pa niyang sabi at pinengot ang ilong ko. Edi wow. Ano ako, dog. Napasimangot nalang ako at tiningnan siya ng masama.

"Ugh! Kuya nakakainis ka talaga." Inis ko pa ring sabi sa kanya at pinaghahampas ko siya ng unan. Ang pinaka-ayoko kasi sa lahat ay pinipingot ang ilong ko. Ang bilis pa naman mamula.

"I hate you, I hate you." Pinaghahampas ko pa rin siya pero tawa lang ng tawa si kuya habang ginawa niyang pananggala ang mga braso niya para hindi siya matamaan sa mukha. Wais din 'to eh.

Nang mapagod ako na rin ang huminto sa pinaggagawa ko dahil kahit kailan naman ay lugi talaga ako sa kanya at lagi nalang akong asar-talo.

"I love you too, my princess." Malambing na sabi niya pagkatapos guluhin ang buhok ko at hinalikan  ako sa noo.

Ganyan 'yan si kuya. Kung may side siya na mapang-asar. He's the sweetest naman.

"Kuya, para ka talagang bakla. Hindi bagay sa'yo maging sweet." It's a payback time. Ako naman ngayon ang um-asar sa kanya. Kahit alam ko na sa huli ako pa rin talaga ang talo at dehado sa amin dalawa.

"It's okay, princess. At least babae pa din naman ang gusto ko. Unlike sa iba jan---"

Kinindatan niya ako at ngumiti na naman siya ng mapang-asar saka niya itinuloy ang sinasabi.

"Babae. Pero, babae rin ang gusto."

Bagkus ro'n ay napasimangot ulit ako. Kainis, hindi naman kasi ako tomboy o kung ano man diyan. Babae ako, straight ako at never pa ako nagkagusto sa kapwa ko babae. Humahanga, nagagandahan at hanggang do'n lang naman iyon.

"Kuya naman ihh." Natawa na naman siya sa reaction ko.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko pagkatapos ay inakbayan niya ako. "Don't worry, princess. Tanggap naman kita eh."

Bwisit! Nang-asar pa talaga siya.

Pinaghahampas ko naman ulit siya ng unan kaya tatawa-tawa siyang lumayo sa 'kin.

"Hahaha. Come on, princess. Mag-aasikaso ka na aking kapatid at baka malate tayo sa school."

Natigilan ako at napalaki ang mata ng ma-alala ko na may klase nga pala kami. Naku, kung hindi pa niya sinabi. What time na ba?

Matapos maligo at gawin ang usual morning routine ko ay lumabas na ako ng banyo. Nagbihis muna ako saglit bago lumabas na rin ng kwarto at bumaba ng hagdanan saka dumiretso sa kitchen. Naabotan ko sila sa kitchen at naghahanda na ng pagkain sa lamesa. Napatingin naman ako kay kuya na nakaupo  sa tabi ni mama kaya umupo na rin ako sa tabi ni mommy na kakaupo lang din.

Habang kumakain ay tahimik lang kaming apat dahil ayaw ni mommy ng maingay kapag nasa hapag kainan kami. Takot lang din namin sa kanya.

Sa kanilang dalawa ni mama. Yes, I have two Mommies. Tanggap namin sila at mahal na mahal namin silang dalawa ni kuya.

I'm Into Her (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon