Chapter 5

209 15 1
                                    


Bee~

"Hi Tita Van. Good evening po. Si B po?" Hyper na pagkakasabi ni Z at naririnig ko pa talaga ang matinis nitong boses sa baba.

Grabe talaga ang babaeng ito, halatang excited sa party na pupuntahan namin ngayon. Well, hindi naman nakakapagtaka, because she's a partyholic. Lahat na ata ng ka subdivision nila ay napupuntahan na niya every may party sa kanila. Mahilig kasi talaga si Z sa mga party's, lalo na at may mga masasarap daw na pagkain at drinks. Aba, makapagsabi ng ganun parang hindi siya mayaman e noh.

"She's upstairs, sweetheart. You go there na lang." Narinig ko namang sagot ni Mama Van sa kanya kaya agad na akong bumaba ng hagdanan para puntahan sila sa living room.

"Oh, she's here na pala e." Nakita kong malawak ang ngiti na sabi pa ni Mama Van at sabay pa silang napalingon sa gawi ko.

Nakita ko namang napa-nga-nga sila sa suot ko. Nagkibit lang ako ng balikat habang naglalakad papalapit ako sa kanila.

"Mama, aalis na po kami ni Z." Paalam ko kay Mama Van ng makalapit na ako sa kanila and hug her then kiss on her cheeks. "Where's mommy po pala?" I asked ng hindi ko pa nakikita si Mommy El simula pag-uwi ko kanina.

"Nasa bahay ng Lolo Anthony mo, honey. She's with your kuya. For sure in a minute ay nandito na rin sila." Sagot naman ni Mama Van. Daya, pumunta pala sila mommy at kuya kina lolo ng hindi man lang nila ako isinama. I miss my lolo na rin kasi.

"Okay po, Mama." Tumango-tango na lang ako.

"Sige na po, we're going na." Paalam ko pa.

"Okay, honey. Just take care, okay. And Z, darling?" Baling nito sa kaibigan ko.

"Po, Tita?"

"Wag mo hayaan na uminom ng madami 'tong, kakae ko ha. Mag drive pa siya pa-uwi." Bilin niya kay Z na tinanguan naman ito ng kaibigan ko at binalingan pa ako ng may mapang-asar na ngiti sa kanyang mga labi. Tss.

Sandali nga, kakae? Ano na naman iyon? Saan na naman nakuha ni Mama Van ang ganyang endearment? Naku, ang daming alam sa buhay.

"Yes, Tita. I will po. Hindi ko po hahayaan na uminom ng madami at malasing 'tong, kakae niyo po. And, mag da-drive pa po siya pauwi." Nakangising saad ni Z sa kanya at halatang ina-asar ako saka kumindat pa talaga sa akin ang bruha. Aba't nang a-asar nga. Kala naman niya ma-asar ako. Duh!

"Good."

Matapos namin mag pa-alam ulit kay Mama Van ay umalis na rin agad kami ni Z. At mga ilang minuto lang na byahe ng marating namin ang bahay ng pinsan niya.

We gave our invitations sa nagbabantay sa entrance at saka tumuloy na rin kami sa loob.

Pagpasok namin sa loob ay bumungad sa amin ang mga mangilan-ngilan na bisita. At sa unahan, I saw a beautiful lady there standing, habang nakatingin sa direction namin ni Z na nakangiti ito ng malawak sa kasama ko. Saka naglakad na kami papalapit dun sa babae.

"Ate Raine?" Z plastered her smile and immediately hugged her ng makalapit na kami rito.

I think she's the cousin na sinasabi ni Z? She's pretty pala. Mas maganda pa siya sa pinsan niya.

"Zozo, long time no see." Magiliw na sabi nito matapos magyakapan 'yong dalawa. Zozo. Waaah! I can't with the nickname of Z. Manila zoo lang ang peg.

"But now, see now." Sabay pa na sambit ng dalawa at sabay ring natawa pareho. Ngek! Mga weird po silang magpipinsan.

"Btw, Ate Raine. This is B, my bestfriend." Pakilala nito sa akin sa pinsan niya.

Nginitian naman ako ng pinsan niya ng mapabaling ito sa akin.

"It's nice to finally meet you, B. As what you've heard, you already know me naman na siguro?" Nakangiti pa na bumeso siya sa akin at tinugunan ko naman.

Matapos ng maikli naming pag-uusap ni Ate Raine ay nagpa-alam na rin ito sa amin na aasikasuhin muna nito ang iba pa niyang mga bisita at babalik na lang siya sa table namin.

Nasa kalagitnaan na kami ng pag eenjoy namin at medyo tipsy na rin ako dahil kanina pa kami umiinom ni Z at ng iba pa nitong mga pinsan. Ipinapakilala na rin kasi ako ni Z sa iba pa niyang mga pinsan at nakakatuwa lang 'cause magka-close pala sila lahat na magpipinsan.

Nag paalam muna ako sa kanila na mag ccr ng bigla akong tinawag ng kalikasan. Ate Airesh, insisted na samahan niya ako sa banyo pero tumanggi na ako, dahil kaya ko pa naman at nakakahiya rin kasi. Nagpaturo na lang ako sa kanya kung saan ang cr kaya tumayo na ako at agad na nagtungo ro'n.

After ko naman mag banyo ay naghugas muna ako ng aking kamay bago lumabas at naglakad na ulit pabalik sa table namin. Sakto naman papa-upo na ako ng napatingin ako sa may pintoan ng bahay nila at may dyosa ritong nakatayo. She's, wearing a backless black dress na may slit sa gilid and it fits her so well. Her long hair na hanggang bewang ay naka lugay lamang at bagay na bagay lang din ito sa kanyang suot. At kagaya nung nangyari sa school ay ito na naman 'yong- biglang nagiging blur ang paningin ko and I only see her while she's slowly walking papunta sa kinaroroonan namin.

Wait. What!? Shit, papunta nga siya sa kinaroroonan namin! What to do? Dahil sa pagkataranta ko ay bigla kong inagaw sa kamay ni Ate Airesh ang hawak nitong baso na may alak and I drink it straight. Gosh!

"Aria! I thought, hindi ka na makakapunta?" Ate Raine said ng makalapit na ito sa amin at tila gulat pa ito ng makita si Ms. La Fuevre.

"Well, I change my mind. Baka kasi iiyak ka pag 'di ako pupunta. Kawawa ka naman." Pang-aasar nito kay Ate Raine na parang close na close silang dalawa bago umupo ito sa tabi niya.

Nang maka-upo ito ay inilibot naman nito ang paningin sa aming lahat. Tila nagulat pa ito ng makita ako at agad napakunot ang kanyang noo pagtapos umarko ng pataas ang isa nitong kilay. Patay! Dahil sa kanina pa talaga ako hindi mapakali rito sa kina-uupuan ko simula ng dumating ang mataray na professor na ito ay ako na ang nag iwas ng tingin rito.

Hindi ko alam pero naiinis ako sa aking nakikita. Ang isang kamay ni Ate Raine ay nakapatong sa likod ng upuan ni Ms. La Fuevre and it makes my blood boil. Hindi ko tuloy maiwasan mapa-inom ng madami.

"B, tama na 'yang kakainom mo. Lasing ka na, oh. Mapapagalitan ako sa'yo ni Tita nito e." Kamot sa ulong saway sa akin ni Z at pilit nitong inaagaw sa akin ang baso kong hawak na may lamang alcohol.

"Ano ba Z, hindi ako lashing owkey. Akinn na basho ko." Pilit kong pina ayos ang boses kong sabi at inagaw muli ang baso sa kamay niya.

"Z, ano ba! Tama na 'yan sabi." Saway pa nito sa akin at tila nauubusan na ito ng pasensya.

"El, that's enough. Makinig ka kay Z, lasing ka na." Ate Airesh whisper in my ear at kinuha nito ang baso sa kamay ko pagkatapos inilayo niya ito sa akin kaya nakabusangot na lang akong nilingon siya.

Inangat ko ang isa kong kamay at magsasalita pa sana ng makaramdam ako ng antok at pagkahilo. Gagi, umiikot ang paningin ko.

"Gud might y'ol."

"Gosh, . You're too heavy. Can you please, help me naman. Wag kang pabigat." Rinig kong turan nito pero nananatili pa rin akong nakapikit. I'm too sleepy at ang bigat-bigat na ng mga mata ko, I can't even open it kahit anong pilit ko.

"Bwesit kang Iverson ka ang bigat bigat mo."

Narinig ko pang sabi nito at nakaramdam ako ng pagbalibag sa malambot na bagay na sa tingin ko ay kama pero napadaing din ako ng may tumamang mabigat sa ulo kung kaya't bigla naman akong napabangon. Letsugas, ano iyon?

"Ouch." Napa-sapo sa ulong daing ko at saka binuksan ko ng dahang-dahan ang dalawa kong mata at bumungad sa akin ang pigura ng maganda kong professora na nakapamewang habang nakatayo ito sa harapan ko.

"M-ma'am, is da u?" Tanong ko ng hindi ko ito maaninag ng maayos. Iginayak ko naman ang aking paningin sa buong paligid baka sakaling hindi na magiging blurred bago ako muling bumaling kay Ma'am. Kulay puti lahat ng nakikita ko including to my dyosang professor. Putcha, nasa langit na ba ako?

"Ma'am, nasha langit ba us?"

Nakakunot ang noong tanong ko pa at nakita kong bumuka ang bibig ni Ms. La Fuevre pero hindi ko na ito hinintay pang magsalita at humiga na lang ulit ako sa malambot na bagay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Into Her (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon