Chapter 2

276 20 2
                                    


Bee~

"Goodbye, class. Don't miss me. We will meet pa naman this afternoon eh. Kaya, wag na kayo umiyak." Paalam ni Ms. Allison sa amin kung kaya hindi namin maiwasan' ang hindi matawa sa kanya because of her kakalogan.

"Btw, please be good to your new professor, okay." Sabi pa nito at naglakad na patungong pinto bago ipinihit yung siradora pabukas at palabas ng room at saka ito tuloyan nang umalis.

Nang makaalis si Ms. Allison ay bumukas ulit yung pintoan. At mula rito, pumasok ang medyo may katangkarang babae. Naglakad ito patungo sa harapan sa puting pisara na para bang isang modelo. I don't know pero, pakiramdam ko ay biglang nag slowmo ang paligid ko at ang bawat paghakbang nito. Naging blur din ang paningin ko at siya lang iyong bukod tangi kong nakikita. This is weird!

"Good morning, class." Narinig kong bati nito sa amin sa malamig na boses. Dun lang din ako parang natauhan. Nakita 'kong paano nito nilibot ang tingin sa kabuuan ng classroom at bago pa ito sa amin.

"I thought, this is the right room I entered? Mali pala yung bigay ni, Dean Lazaro?" Kunot ang noo at salubong ang mga kilay niya ring sabi.

"Because. As far as I know......my students are not, muted? Okay, I guess I need to go?"

Bago pa man siya makahakbang ay nagsalita na ang mga kaklase ko at maliban lang sa akin. Na speechless ako.

"Good morning, Ma'am?" Sabay-sabay na sambit nila

"Okay! Hindi naman pala. Mali na naman ako?" Kanyang biro at natawa pa ito sa sarili.

Bumalik siya sa pagiging seryoso at naglakad papunta sa harapan ng table at pagkatapos ay humalukipkip bago ito sumandal rito.

Muli nitong nilibot ang tingin niya sa amin at ng mapadako naman sa akin ay agad nagsalubong ang mga tingin namin dahilan para mapagmasdan ko siya ng mabuti.

Shiti. Ang ganda niya. Mama Mary! Para siyang angel na bumaba rito sa lupa.

Ang makinis at maganda niyang mukha. You can't see any scar or pimples man lang rito. Super ang kiniss. Her natural long and pointed nose, her pouty pinkish lips na masarap siguro 'tong i-kiss? Ang mga mata nitong sobra ang gaganda na parang hini-hypnotize ka ng mga ito at saka mapapatingin at mapapatingin ka talaga rito.

In my 19th existence. Ngayon lang ako sobrang nagagandahan sa isang babae and...sa professor ko pa talaga. Dapat na ba ako kabahan?

This can't be.

"B!"

"Huh?"

"Tawag ka ni Ma'am." Siko ni Z sakin.

Napalaki naman ang mata ko ng nasa harapan ko na ang maganda naming professor. Nakataas ang isa nitong kilay habang naka-crossed-arms pa at nakatingin naman sa akin.

Huh? May nagawa ba ako?

"You are?" Tanong nito na salubong na ngayon ang mga kilay.

Nakatulala lang ako sa kanya at wala akong maapuhap na salitang sasabihin. Omg! What's happening to me? What's wrong with you, B? The last time I checked hindi pa naman ako pipi at marunong pa naman ako magsalita.

What now, B?

Nakakita ka lang ng maganda eh. Tsk.

"Are you deaf?" Tanong pa nito at halata sa boses nito na napipikon na.

"M-ma...'am?"

Shiti ka talaga, B. Ano ba nangyari sa'yo? May dyosa lang sa harapan mo e, nagkakaganyan ka na? Nakakahiya ka! You're pretty din naman ah.

I'm Into Her (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon