CHAPTER 4
RYLEIGH'S POV
Five Years Later...
NAPANGITI ako nang makita ko si Azriel at Azry na naglalaro sa living room. Basta kapag dadating si Azriel galing sa trabaho, si Azry kaagad ang nilalaro nito. Azry is now four years old. Hindi ko alam pero parang si Azry ang pampawala ng pagod ni Azriel. Huminga ako ng malalim saka lumapit sa dalawa.
"Azry, tama na 'yan. Hayaan mong makapagpahinga ang Tito Azriel mo," sabi ko.
"Mommy, hindi ko siya 'Tito'. 'Daddy' ko siya. Daddy!" sabi ni Azry at yumakap pa kay Azriel na parang humihingi ng suporta.
Azriel looked at me. "Oo nga. I'm his 'Daddy', let him call me Daddy," he said to me.
Napabuntonghininga na lang ako saka napailing. Yes, 'Daddy' ang tawag ni Azry kay Azriel. Nagulat pa nga ako ng unang beses na tawagin ni Azry si Azriel ng 'Daddy'. I tried to correct my son but he never obeys me and Azriel is spoiling him.
Limang taon na ang lumipas, marami na ang nangyari sa akin, sa buhay namin ni Azry. Isang taon pagkatapos kong maipanganak si Azry, Azriel trained me in martial arts. Malaki naman ang naitulong nito sa akin dahil mas lalong tumaas ang confidence ko sa sarili ko. After my training in martial arts, sunod na tinuruan ako ni Azriel sa pagpapatakbo ng negosyo. He trained me and I also tried my best to learn and now, isa na akong sa CEO sa isang branch ng kumpanya ni Azriel dito sa California.
Azriel and Anniza helped me in taking care of Azry. Mas lalo na noong kapapanganak ko pa lang. Talagang silang dalawa ang naging sandalan ko noon. Anniza is Azriel's only sister by the way.
Pero kahit limang taon na ang lumipas, hindi ko pa din makalimutan ang ginawa sa akin ni Matthew. There are times na napapanaginipan ko 'yon at bigla na lang akong mapapabalikwas sa kalagitnaan ng gabi. Napabuntonghininga ako at tumingin kay Azry at Azriel. Nakahiga si Azriel sa sofa habang nakaupo naman si Azry sa dibdib nito at naglalaro ang dalawa ng bato-bato-pick. Napailing na lang ako dahil nagiging isip-bata si Azriel basta si Azry ang kasama nito.
I feel so blessed na hindi naging kamukha ni Azry si Matthew. Si Azriel nga ang naging kamukha nito. Sabi ni Anniza, baka si Azriel daw ang pinaglihian ko kaya nagiging kamukha ni Azry si Azriel habang lumalaki ito, which is Azriel agreed.
Umupo ako sa sofa at ipinagpatuloy ko ang folder na binabasa ko kanina bago pa dumating si Azriel. Pero muli na naman akong napatingin kay Azriel at Azry, kinuha ko ang cellphone ko at kinunan ang dalawa ng larawan. Napangiti ako dahil para silang mag-amang dalawa. Natigilan ako at napailing. Mag-ama? Ano bang iniisip ko? Napabuga ako ng hangin.
"Leigh."
Napatingin ako kay Azriel nang marinig ko ang boses niya.
"Are you okay?" Azriel asked me.
Tumango ako.
"You looked like you are in deep thoughts," sabi ni Azriel na mukhang nag-aalala.
Ngumiti ako. "May iniisip lang ako. Huwag mo na akong pansinin."
Kumunot ang nuo ni Azriel at tumayo. Lumipat ito ng upo sa tabi ko at sinalat ang nuo ko. "Wala ka namang sakit."
"Wala naman talaga akong sakit," sabi ko at tinanggal ko ang kamay niya na nakadampi sa nuo ko. Tumingin ako sa kaniya at natigilan ako nang makita kong magkalapit ang mukha naming dalawa.
Azriel smiled and looked at my lips. Umangat ang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko. "Leigh..." He called my name sweetly.
Napakurap ako. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Napalunok ako. This is not good. Alam ko na ang ibig sabihin ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ako tanga dahil naramdaman ko na ito noon.
BINABASA MO ANG
Dangerous Sweet Smile [INCOMPLETED]
Ficção GeralFive years ago, Ryleigh was betrayed by her husband and her parents, and even her friends. They killed her - her heart and her soul. And her husband tried to kill her but while she was dying, she was saved by Azriel, the man whom she never met, a co...