Chapter 15

6.9K 151 0
                                    

Dahil sa subrang excited ko eh, nagising ako ng 3am! Oh diba excited masiyado.

"Shit!" Mahina kong tili habang nakatingin sa orasan malapit ng mag 4am kaya subrang saya ko, kitang kita ko ang malalim na pagtulog ni Maximos sa tabi ko ni gumalaw ito ay wala.

Tulog ma tulog talaga siya.

Gusto ko sana siyang, gisingin kaso baka iurong niya yung kasal dahil sa excited nga ako.

Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama at nagtungo sa banyo, dahil sa wala akong magawa ay nag babad ako sa bathtub.

Pa kanta kanta nalang ako, alam niyo yung kinanta ko sa mall, yung nandoon si impaktang Janella!

Napailing ako sa naisip at nagsabon nalang ako sa katawan ko, matapos kong maligo ay, tinawagan ko si mama.

Kaso tulog pa ata siya kasi hindi ma contact number niya.

Siguro maghihintay nalang ako ng umaga yung titirik na talaga yung araw.

Nagtimpla muna ako ng kape at tumingin sa bintana tinitignan ko ang pag taas ng araw kitang kita kasi dito sa bintana ng kwarto namin ni Maximos.

Habang nagkakape ako ay napatigil ako bigla dahil sa may halik sa balikat ko tinignan ko uto si Maximos kakagising lang niya.

"Good morning, babe."parang kinilig naman ako sa tuno ng boses niya, pero naka tago na yung kilig ko.

"Good morning." Mahina kong sabi.

Umupo siya sa bakanteng upuan kong saan katabi sakin."Ang aga mong magising."pagsabi niya.

Nahiya naman ako. alangan naman sabihin ko excited ako sa kasal natin ngayon.

"Hmm, wala lang maaga kasing nagising kaya ganon, isa pa gusto kong makita yung araw kong paano ito lumabas."pagsisinungaling ko.

Tumango naman siya at tumingin sa araw na kakalabas lang."You like sunset?"

"Medyo."

"Hmm,"

Tumingin ako sakaniya, nakatingin na siya sa sun.

"Anong oras tayo aalis?" Nahiya naman ako dahil sa tanong ko.

Nakakahiya talaga! Paano nalang kong sabihin niyang masiyado akong excited kaya ipapatigil niya kasal namin paano nalang kong ma turn off siya sakin! Tapos...tapos...ano ipagpalit niya ako kay Janella.

Hindi ako papayag! Mag kamatayan muna kami ng impaktang yun!

"Babe, are you okay?" Biglang kumalma ang mukha ko dahil sa tanong niya, ganon naba ka sama ang iniisip ko dahil sa kunot na kunot na ang mukha ko.

"Yes, okay lang ako, may iniisip lang."pagsabi ko.

"Anong iniisip mo?"

"Wala to,.."pagsabi ko tumayo na ako at naglapit sa table inilagay ko doon ang ubos ng kape.

"Are you sure?" Napabaling ako sakaniya dahil sa hinalikan nanaman niya ang balikat ko.

"Oo nga, tigilan mo nga yan, maligo kana."pagsabi ko tumango naman siya at pumasok sa banyo.

Napabuntung-hininga naman ako, masyado naba akong harsh sakaniya? Sinusungitan ko siya lagi eh.

Bumaba ako ng hagdan patungo sa sala tinignan ko sila manang na abala ito sa pagluluto.

Umupo ako sa sofa at nanood nalang ng tv..

Habang nanonood ay tumabi na sa akin si Maximos bihis na bihis ito.

"Saan ka pupunta?" Takang tanong ko.

"Its a secret."nakangising sabi niya.

Pa secret secret pang nalalaman malalaman ko rin naman yan mamaya.

"Saan nga?"

"Babe, it's a secret okay, susundin kita mamaya 2pm."pagsabi niya hinalikan niya ako sa lips."Magpaganda ka lalo, mag suot ka rin ng white dress."pagsabi niya.

Kunot ang noo ko."Ano bang plano non? Hindi ba kami magpapakasal? Uunahin pa niya ang date? Tsk! Okay din naman yun, para narin makapili ako ng damit para sa kasal ko/namin."mahina kong bulong.

"Ma'am kain na po."pagsabi ni manang kaya naglakad na ako patungo sa dining table umupo ako at kumain na masagana akong kumain hanggang sa naalala ko ang sinabi ni Maximos, mag damit daw ako ng white hmm.

Agad kong tinawagan si kalbo para samahan ako papunta sa mall bibili ako ng damit gusto ko yung maganda sa una naming date hehe.

Aakitin ko siya mamaya makikita niya.

Nakangiting ako habang bumaba sa sasakyan nasa tapat na kami ng mall si kalbo naman ay naka sunod lang sakin.

Pumasok kami sa isang botika na halos mga dress lang shimpre yung white ang pinili ko nag sukat ako ng nag sukat nainip din si kalbo kakatingin sakin kaya umalis ito para kumain.

Yung isang sales lady naman ay tinulungan ako para mamili ng damit.
"Ito ma'am bagay na bagay sayo."sabi niya habang binigay sakin ang white dress hanggang sa hita ko lang ito at kita rin ang cleavage.

Sinukat ko ito at tumingin sa salamin ang ganda nga, nakita ko naman siyang kumuha ng 3inches heels.

Sinuot ko rin ito at tumpak ang ganda ko! Hindi ako makapaniwala tumingin sa sales lady dahil sa tinulungan niya ako ay binigyan ko siya ng pera.

Hindi pa niya ito tinanggap pero nag pumilit ako natanggap niya kaya tinanggap naman niya.

Masaya akong nag lakad patungo sa kong saan nakita ko si kalbo na kumakain sa pizza house.

Pumasok ako at kumain narin dahil sa nagutom nga ako. Matapos naming kumain ay umuwi na kami nag hintay ako ng ilang oras para sunduin na ni Maximos ng ilang oras na paghihintay ay dumating din ito.

"Wow, your beautiful."pagsabi niya ng makitang bihis na bihis ako shimpre tumingin ako sa oras kong ano naba sabi niya kasi 2pm kaya habang 1pm palang hinanda kuna ang sarili ko isang oras nga ata ako natapos kaka make up paulit ulit.

"Talaga?" Sabi ko.

"Yes,...hmm let's go."pagyaya niya tumango ako at sumakay na sa kotse niya.

Inalalayan pa niya muna ako excited ako ngayon sa date namin.

"Saan ba tayo mag d-date?"tanong ko kunot ang noo niya pero nawala din ito at bahagyang batawa.

"Secret."pagsabi niya inirapan ko siya at tumingin nalang sa labas.

Habang nasa byahe panay ang tingin ko sakaniya na seryosong seryoso sa pagmamaneho.

Hanggang sa tumigil ang sasakyan kaya napalingon ako sa harapan.

MAGALION BEACH RESORT

Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita pati ba naman dagat meron din sila.

"Sainyo ito?" Tanong ko ngumiti siya sa akin at tumango.

Napatingin ako sa oras dalawang oras lang pala byahe namin its 4pm na.

Nagulat pa ako dahil sa inalalayan niya ako, papunta sa kong saan ipinasok niya ako sa isang kubo at nakita ko ang iilang babae doon na hindi ko kilala sinabi ni Maximos na ayusan ako ulit.

Kaya inayusan nila ako.

Nagtataka man dahil sa may bitbit akong bulaklak habang palabas ng kubo.

Naiwan ang mga babae sa kubo kaya ako nalang ang Lumabas kitang kita ko sa unahan nito ang maraming tao sa tabing dagat halos naka white sila at kitang kita ko rin na may isang Pari ang nasa unahan nito at katabi Ang mapapangasawa ko.

"Congrats."napalingon ako sa babaeng nagsalita hindi ko siya kilala pero bigla nitong tinakpan ang mukha ko at bibig.

Maximo's Obsession (COMPLETED)Where stories live. Discover now