Chapter 39

5.2K 138 2
                                    

"San punta mo?" Takang sabi ko habang nakatingin kay Van na inaayos na nito ang mga gamit.

"Aalis muna ako gusto ko kasing makita ang kapatid ko."sabi niya sakin habang nakangiti ng pilit.

"Diba nasa us ang kapatid mo."

"Oo, nakauwi na kasi siya sa probinsya gusto ko siyang bisitahin."sabi niya sakin.

Oo nga naman matagal na silang him nagkikita ng kapatid niya."ayaw mo bang hintayin muna si Carlos para mag paalam ka?"

"Ah, hindi na mukhang mamaya pa naman yun uuwi eh."napabuntunghininga nalang ako dahil sa sinabi niya.

"Sigurado kaba? Bibigyan kita ng pera para naman may mabili kang pasalubong sa kapatid mo."

"No need na, may naipon naman ako."

Napabuntong hininga nalang ako at tumango."sige mag iingat ka."ngumiti siya ng pilit sakin at umalis na sinundan ko siya ng tingin pagkatapos non ay bumalik sa pagpasok sa bahay.

"Nakita ko kasi siyang umiyak kagabi, aba iwan ko kong anong nagyari sa batang iyon, napaka tagal na niyang nanilbihan dito sa mansion ni sir ngayon pa siya aalis."napalingon ako kay manang ng sabihin niya yun.

"Umiyak si van?" Takang tanong ko.

"Oo ma'am, narinig ko kasing umiyak siya kagabi habang inaayos ang mga gamit niya."ano kayang problima ni Van?

Napabuntong-hininga nalang ako.

Sigurado dahil sa masaya yun, kasi bumalik na ang kapatid niya.

Hindi man lang niya pinag pa Linggo yung alis niya bukas na kaya ang birthday ni dio.

"Manang, aalis muna ako bibili lang ako ng mga gamit para bukas sa birthday ni dio."

"Ay, oo nga ano... birthday na pala ng batang iyon ang kulit talaga.. oh siya sige samahan kana ni ema."pagturo niya sa isang kasambahay.

"Sige..ema tara samahan muko."mabilis naman na lumapit sakin si ema palabas na sana ako ng bahay ng makita ko si Maximos na nasa harap na ng gate."anong ginagawa mo dito?" Dahil sa alam ko naman na ang lahat ay bumalik nanaman ang galit ko sakaniya.

Naging maamo ang mukha nitong nakatingin sakin."saan kayo pupunta?"

"Anong pakialam mo? Puntahan muna ang girlfriend mo baka sakaling bigla yung magpakalunod sa dagat dahil sa selos."tukoy ko kay Janella.

"Alam kong hindi mo magagawa yun sakaniya."pagak akong natawa.

"Talaga lang huh? Eh bakit parang ako ata pinagkakaisahan niyo?" Sabi ko.

"No, hindi sa ganon yun....i know that you don't do that, siya lang ang may kayang gawin yun."

"Umalis ka sa harap ko!"galit kong sabi dito.

"I'll Drive you."

"No!"

"Please, Joana."

"No! Kaya kong mag maneho."

"Eh bakit napunta ka sa police station noon..."

"Pakialam mo ba umalis ka sa harap ko!"

"Joana please."pagmamakaawa nito.

"Ma'am, pagbigyan niyo na po si sir."napalingon ako kay ema sinamaan ko ito ng tingin dahil sa sinabi niya pero dahil sa kinakabahan naman na akong mag drive at wala si Carlos ngayon dahil nasa manila ay wala akong nagawa.

"Fine! Pero wag mong aasahang kakausapin kita habang nasa byahe!" Ngumiti lang si Maximos at mabilis na inalalayan ako papasok sa passenger seat pero iniwaksi ko lang ang kamay niya.

"Wag mukong hawakan."napabuntunghininga muna ito at napailing ako naman ay inayos ang damit bago umupo sa passenger seat inayos ko ang seatbelt at tumingin sa labas.

Sumakay na si Maximos sa driving seat habang si ema naman ay nasa likuran hindi na ako nag salita pa.

Bahagya akong napatingin sa gilid ng bahay ng may masagip ang mata ko si Janella masama ang tingin nito sakin.

Kaya bahagya akong napangiti.

Ano ka ngayong babae ka hinahabol nanaman ako ng asawa ko.

Ng nakaalis kami ay tahimik ang byahe ni walang nag sasalita samin ramdam ko rin ang pagtingin tingin sakin ni Maximos.

Pero ni hindi ko ito pinansin. Galit parin ako sakaniya dahil sa ginawa niya noon galit parin ako sakaniya dahil sa pinagtabuyan niya kami ng anak niya! Galit na galit ako sakaniya dahil sa mismong nakita ko sila noon ni Janella.

Bumalik nanaman ang nangyari noon.

Nang makarating kami sa mall ay agad akong pumunta sa grocery store nasa likuran ko si ema habang si Maximos ay tulak tulak ang pushcart.

Pumili lang ako ng mga dapat na lutuin para bukas matapos kong namili ng gulat kong ako man para sa pagkain bukas ay pumunta muna ako sa bilihan ng balloons.

"Anong meron?" Napalingon ako kay Maximos ng magtanong siya sakin.

"My son's birthday.... tomorrow."pagsabi ko sabay talikod sakaniya at pumili ng mga balloons pagkatapos kong bumali ay lumabas na ako sa store pero tanging si ema nalang ang sumalubong sakin.

"Nasan si Maximos?" Pagsabi ko.

"Ma'am?"

"Yung lalaking kasama natin."pagtukoy ko kay Maximos.

"Ah, iwan ma'am bigla nalang nawala eh.."napabuntunghininga nalang ako.

Sigurado akong nabadtrip yun kaya umalis ano! Iiwan niya kami dito biglang nainis nanaman ako.

Malapit na sana akong maging marupok----

"Ayan na pala ma'am."napabaling ako kay ema nakatingin ito sa papalapit na lalaking may bibit este hila hila na.....malaking box! Na may balot na talaga itong pangregalo..

"Ano yan?" Takang tanong ko kay Maximos.

"A gift."sabi niya.

"Alam ko, ang laki naman niyan? Ano bayan?"

"Secret."nakangising sabi niya inirapan ko siya mabilis na itinulak ko ang pushcart at nauna na si ema naman ay sumunod sakin habang bitbit ang binili kong mga balloons at iba pang gamit pang decoration sa birthday bukas ni dio.

Si Maximos naman ay tulak tulak ang malaking box.

Napapailing nalang ako habang palabas na kami ng mall ng makalabas kami ay inayos pa ni Maximos ang box at itinung-tung ito sa bubong ng kotse niya. Dahil sa hindi naman ito kakasya sa loob ng kotse kumuha siya ng lubid at inayos ito.

Nang matapos niyang ilagay yun ay inilagay naman niya ang mga grocery sa likuran katabi ni ema ako naman ay pumasok na sa passenger seat habang nakatingin sa kawalan.

Siguro kong hindi niya lang kami pinagtabuyan....masaya kami noon.

Napabuntong hininga nalang ako bago inayos ang pagkakaupo ng maramdamang pumasok na siya sa sasakyan.

Maximo's Obsession (COMPLETED)Where stories live. Discover now