Chapter 2

636 36 5
                                    

Harry

"Harry!" Napalingon ako nang tawagin ako ni Rich.

"Oh?"

"Sabay tayong lunch, wala si Green e." Inakbayan ako nito.

"Si Matthew?" Tanong ko dito.

"Nandon, nasa mga babae niya." Sagot niya at ngumuso.

Tumawa ako ng mahina. "Oh bakit ka nakanguso?"

"He f*cking promised to buy me an earrings, ngayon dapat kami pupunta pero sa huli nandon nakikipaglandian ang gago, sana wala pang makakuha non. Ang ganda kasi black siya tas diamond style. Gets moko? Basta maganda." Natatawa niyang paliwanag.

"You already know na never siyang tumupad ng promises niya pero..." Umiling na lamang ako dito.

Napakamot ito sa batok. "Yun nga, hindi ko na napansin dahil sa isipan na mabibili ko yung hikaw na yon."

"Oh yan na pala si Matthew e." Tukoy ko nang makasalubong namin si Matthew kasama si Clark.

"Yow! What's up buddies." Inakbayan ni Matthew si Rich pero sinuntok lamang ni Rich si Matthew sa balikat na ikinatawa ko ng mahina.

Napatingin ako kay Clark nang lumapit siya sakin at akbayan ako.

"You're here, it only means wala ang bebe mo?" Panggagaya ko sa tawag ni Green sa nagugustuhan ni Clark.

Badtrip siyang tumingin sakin at tumango.

Naiiling ko siyang hinampas ng mahina sa tiyan. "Nandyan lang yan, hanapin mo. Hindi naman yata pala absent yon."

Ngumuso ito. "Bye." Paalam nito sakin na tinanguan ko lang.

Napatingin ako kay Matthew at Rich na naghahabulan na.

"F*ck you! Sabi ko nga tara na diba, bibilhin na natin!" Naiinis na sabi ni Matthew habang tumatakbo dahil hinahabol siya ni Rich.

"Pero nang-asar ka muna, gago kang hayop ka!" Inis rin na sigaw ni Rich na ikinatawa ni Matthew.

"Totoo naman kasi wala ng pake sayo si Jilian tapos nakita ko pa siya may kasamang lalaki, iiyak na yan." Nang-aasar na sigaw ni Matthew habang tumatakbo parin palayo kay Rich na sumabog na sa galit at bumilis ang pagtakbo.

"Si Prof Lan dadaan." Sabi ko sa mga ito. Agad naman silang tumigil at nilibot ang tingin.

Tumalikod ako at natawa ng mahina, naglakad ako palayo sa dalawa habang nasa likod ko ang mga kamay ko. Parang gurong nagmamasid kapag may exam.

Habang naglalakad ay may naisip akong word na narinig ko sa mga pinapanood ko. Word na hindi ko alam ang meaning kaya inilabas ko ang phone at sinearch ito doon.

Nang matapos ay nag log in ako sa twitter at tiningnan ang trends doon, mabilis akong naboring at pumunta sa Instagram at doon nag-scroll at binabasa ang kung ano-ano

Ian sent a message.

Binuksan ko ang message nito sakin at kumunot ang noo nang may sinend siya saking video.

Hindi muna ako nagreply sa kaniya at pinanood ang sinend niya.

Isa itong babae na sumasayaw, nakapajama, ilang seconds lang ang lumipas at lumapit yung babae sa camera. Nakatitig lang ako sa camera para kaming magkatitigan ng babae dahil naglalakad siya palapit at nakatingin sa camera kaya magkatitigan kami. Hinintay ko kung anong manyayari kasi parang tanga yung babae pero nabitawan ko yung cellphone ko at nahulog pa ito sa lapag.

Pero hindi parin ako makagalaw, habang papalapit kasi yung babae na nakatingin sa camera ay biglang pumalit ang nakakatakot na mukha, talagang nakakatakot na nabitawan ko pa phone ko.

His Fixation Where stories live. Discover now