Chapter 3

656 34 14
                                    

Harry

Agad na naglakad ako palapit sa kanila Clark nang makita ko silang nakatambay sa batong upuan.

Kumunot ang noo ko nang makita ang madilim na mukha ni Clark. Sila Green, Matthew at Rich naman ay seryoso ang mukha.

"Zap." Bati ko sa mga ito.

Hindi pa ako nakakaupo nang ibigay sa akin ni Rich ang cellphone niya.

Agad ko naman itong tiningnan. Napabalik ang tingin ko kay Clark na nakapikit na, na parang pinipigilan nitong magwala.

Naramdaman ko rin ang biglang pagsakop ng galit sa katawan ko. How can he do this?

It's Clark's boyfriend, Andrei, hugging someone while this someone was kissing him on the neck.

Nakatagilid ang lalaki sa camera kaya hindi ko mamukhaan.

"Seryoso 'to?" Tanong ko kay Rich na nakatingin sa gate.

"Yeah, he's really cheating." Galit nitong sabi. Hinila ako nito paupo at ni-swipe ang phone niya.

Nanlaki ang mata ko sa sunod na nakita, parehong hubad ang dalawang lalaki at magkaharap pa ang mga ito. Nakaharap si Andrei sa camera na natutulog habang yung lalaki ay nakatalikod.

Unti-unting namuo ang galit ko. Paano niya nagawa 'yon? Akala ko pa naman iba siya.

Agad na lumapit ako kay Clark at tinapik-tapik tapik ito ng mahina sa balikat.

Nang dumating si Andrei ay doon na nangyari ang inaasahan ng lahat.

Naaawa ako sa kaniya pero siguro karma na ang gumalaw para sa kaniya.

Gusto kong patigilin si Clark at sabihing hayaan si Andrei na magpaliwanag pero nakikita ko na rin ang mangyayari. Mas lalo lamang itong magagalit.

Mas lalong tumaas ang dugo ko nang makitang nag-asta pang walang pake si Andrei habang naglalakad paalis.

Maybe, he didn't love Clark as much as Clark did.

May munting ngiti na nakaguhit sa labi ko nang matapos masira ang kotse ni Andrei. Nakangisi si Clark habang ang iba ko pamg kaibigan ay nagtatawanan nang makitang dumaan si Andrei.

Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko si Mama na hinihilot ang ulo ni Papa.

"Galit na galit ka sa secretary mo nang hindi naririnig ang paliwanag niya. Pa naman." Mahinang sabi ni Mama kay Papa na ikinahinto ko sa pagpasok sa pinto.

"May evidence na ma, nakitang sa CCTV na siya ang pumasok sa loob ng opisina ko nang gabing yun." Sagot naman ni Papa.

"Nasa CCTV rin ba kung paano niya kinuha yung mga mahahalagang papeles?"

Natahimik naman si Papa sa sinabi ni Mama. "Make up your mind Pa." Hinalikan ni Mama si Papa sa labi bago napatingin sa akin.

Napahilot ako sa noo ko nang makaramdam ng sakit sa ulo.

Sana nasa tama kami... Hindi makakaya ng konsensya ko kung hindi.

"Ayos ka lang 'nak?" Tanong ni Mama. "May nakahanda na don, ikaw muna mag asikaso sa sarili mo 'nak, masakit kasi ulo ng Papa mo. Saglit lang 'to."

Agad na ngumiti ako. '"Opo Ma."

Nang matapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko.

Binuksan ko ang cellphone ko at binuksan ang Instagram.

"Welcome me." Basa ko sa chat ni Ian at tiningnan ang sinend nitong picture. Naka black suit ito at seryosong nakatingin sa camera. Sa likod niya ay airport ng pilipinas. NAIA.

His Fixation Where stories live. Discover now