Chapter 4

849 65 37
                                    

Harry

"Wala na ma, ha? Ito lang mga bibilhin ko!" Sigaw ko mula sa pinto. Mag-grocery ako ngayon.

"Yes anak! Ingat ka!"

Kinuha ko ang bike ko sa bakuran at agad nang umalis.

"10 carrots." Basa ko sa listahan. Agad na itinulak ko ang cart ko papunta sa vegetable section.

Habang naglalakad ng dahan-dahan tulak-tulak ang cart ko ay may nahagip ang aking tingin.

I muttered a curse before turning back.

Sana hindi niya ako makita.

Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang nangyari yun, yung nalaman kong siya yung kaibigan ko.

Nalaman kong umuwi ito sa pamilya nito sa Germany kinabukasan matapos ang pangyayaring yun.

Bumalik na pala siya ngayon.

Habang tumitingin sa carrots na nasa harapan ko ay napa-atras ako nang paglingon ko ay nasa gilid ko lang si Ian.

Naka-white t-shirt ito at black trouser. 

Tumingin lamang ito sa akin saglit bago binalik ang tingin sa carrot na nasa harapan namin.

Naaalala niya pa kaya mukha ko?

"P-pasensya na." Nauutal kong hingi ng tawad. Nang may mapansin sa boses ko ay mabilis na iniling ko ang ulo ko at tumikhim bago nagsalita ng maayos. "Pasensya na pre." Malalim na sabi ko dito.

Hindi man lang ako nito pinansin na ikinahiya ko. Bakit nga pala ako humihingi ng pasensya? Para saan? Hindi ko naman siya nasagi.

Akmang aalis ako nang magsalita siya.

"What are you sorry for?" Malamig nitong sabi.

"Ah... Ahm n-nothing." Nang mapansin ulit ang boses ko ay tumikhim akong muli. "Nothing, una na ako." Hindi nga siguro ako nito naaalala.

"Dumbass." Sabi nito sa akin na ikinatingin ko sa kaniya.

Nakatitig ito sa akin ng matiim.

"You think I won't recognize you? One of the dumbass who hurt my brother."

"I'm s-sorry." Yumuko ako dito nang ilang segundo bago muling inangat ang tingin. "I'm really sorry." Ian

"Are you really feeling sorry?" His voice is so cold.

"I am!" I tone down my voice a bit when I realized that it raise. "I am, I really am."

Tumitig ito sa akin ng matagal na ikinailang ko. "I'm sorry..." Ulit ko habang nakaiwas ng tingin.

Pero nakatitig pa rin ito sa akin. Gusto ko nang umalis dahil sa parang bibigay ang tuhod ko. Ayaw ko sa lahat tinititigan ako dahil hindi ko iyon nakakayanan.

"You do skincare, do you?" Tanong niya na ikinatingin ko muli sa kaniya.

Napatitig ako sa kaniya nang iangat niya ang kamay niya. Napapikit ako nang dumiretso ang hinlalaki nito sa mata ko at hinimas nito ang eyelid ko.

Akala ko sasaktan niya ako.

"Your phone." Wika nito kapagkuwan at umatras.

"W-why?"

Tinitigan lamang ako nito kaya naiilang akong nilabas ang cellphone ko at binigay sa kaniya.

May pinindot ito saglit doon at mabilis na ibinalik sa akin.

"You really feel sorry, right?"

"Oo, sorry ulit."

"Text me tomorrow at 9AM once you get here, dito mismo sa harap ng store na'to."

His Fixation Where stories live. Discover now