Chapter 5

888 53 40
                                    

Harry

Bumaba ako nang pagbuksan ako nito ng pinto.

Napatingin ako sa malaking bahay na nasa harapan namin.

Black and white ang kulay nito. Tumingin ako sa paligid at nakitang puro mga damo ito, nag-iisang bahay lamang niya ang nakatayo dito. Yung iba ay nasa malayo na.

Agad na napatingin ako kay Ian at lumayo nang haplusin nito ang pisngi ko at ipinasok ang hinlalaki niyang daliri sa bibig ko.

Tumawa lamang ito sa naging reaksyon ko at nakatitig sakin na kinuha niya ang panyo niya mula sa bulsa niya at dahan-dahan na pinunasan ang daliri niyang ipinasok sa bibig ko.

"Mauna ka." Usal nito na agad ko namang sinunod pero napaluhod ako nang patidin nito ang paa ko.

Napadaing ako nang maramdaman ang kamay nitong sumabunot sa buhok ko at dahan-dahan na inangat ang tingin sa kaniya. "Aahh." Daing ko nang humigpit ang kapit niya sa buhok ko.

"Stand up." Utos nito. Naglalaro ang ngisi sa labi nito na pumunta sa harapan ko. Hindi ko alam kung sinasadya ba nitong idikit ang hinaharap nito sa mukha ko.

Dahan-dahang tumayo ako habang nakayuko. Pinakawalan nito ang buhok ko. Napatingin ako sa kaniya nang pisilin nito ang pisngi ko ng mahina bago nauna ng maglakad. "Follow me."

Kahit masakit ang tuhod ay tiniis kong maglakad.

Agad na umupo ako sa sofa na nakita ko nang makapasok ako sa bahay ni Ian. Fit na slack ang suot ko kaya hindi ko maiangat ang dulo nito kaya naman ay dahan-dahan muli akong tumayo at hinubad ito dahil sa sobrang hapdi na nararamdaman. May suot naman akong boxer kaya ayos lang. Umupo muli ako at inangat ang kanan kong tuhod. Dumudugo ito dahil noong napaluhod ako kanina ay mga maliliit na bato ang tumusok sa tuhod ko. Hinipan ko ito nang hinipan.

I look up when I felt the presence his presence. He's standing straight in front of me while looking down at my knees.

Umalis ito sa harapan ko at naglakad palayo na hindi ko na pinansin.

Napatingin muli ako sa kaniya nang bumalik ito nang may dalang medicine kit at kumuha ng upuan at nilagay ito sa harapan ko bago umupo dito.

"A-ako na." Usal ko na hindi niya pinansin bagkus ay dahan-dahan na hinila nito ang binti ko. I flinched when I felt him squeeze my leg.

Pokus ito sa paglilinis sa sugat ko. Habang ginagawa niya iyon ay tinitigan ko ang mukha niya.

Mas gwapo ito sa personal. Makakapal na kilay, an upturned eyes, pointed nose. Umiwas ako ng tingin nang bumaba ang tingin ko sa labi nito. Heart shape ang lips nito.

Wala sa sariling kinagat ko ang labi ko habang nakatingin sa malayo. Napasimangot ako sa isiping nakakahiya na tumabi sa kaniya. Yung pinapangarap kong labi ay nasa kaniya. Hindi na nga heart shape labi ko, maputla pa.

"Ahw!" Hiyaw ko at napaatras nang pitikin nito ang labi ko.

"Isa pang kagat mo ng labi."

"P-pasensya na."

"I really like that attitude of yours. Mapagkumbaba."

"I-I'm not"

Hindi na ako nito pinansin at dahan-dahan na ibinaba ang binti ko. Bago ito tumayo ay dumapo ang kamay nito sa hita ko at hinimas yun bago pinisil na ikinausod ko. Tuluyan na itong tumayo at naglakad palayo.

"Cook for me." Sabi nito habang naglalakad.

"H-Hindi ako marunong." Nahihiya kong sagot na ikinatigil niya.

His Fixation Where stories live. Discover now