Kabanata 3

24 5 0
                                    

Kakatapos lang uminom ni Chad ng isang basong tubig mula sa water jug nang mapansin niyang tumatakbo ang apat niyang kaibigan papalapit sa kapilya. Narinig niyang parang tumatawa ang mga ito sa kalayuan. Kaya sa tingin niya ay baka may ginawa silang kalokohan o may tinatakbuhan sila at takot silang mahuli.

"Anyare sa inyo? May humahabol ba sa inyo?" nagtatakang tanong ni Chad na sinalubong ang mga kaibigan.
Nasa labas sila ng kapilya ngayon at ang apat naman ay humihingal sa kakatakbo. Halata sa kanilang mga noo na pawisan sila dahil sa init ng araw.

"Tinutukso niyo pa akong… matatakutin sa multo kayo rin pala," wika ni Melvin habang humihingal.

"May nagparamdam na multo sa inyo?" tanong ulit ni Chad na parang hangin lang siya sa kaniyang mga kaibigan.

Nang mag-normal na ang paghinga ni Ronalyn ay nagpaliwanag ito. "Kasi habang naglalakad kami malapit sa parang court eh may narinig ako na may iyak ng bata at saka parang martsa ng mga sundalo. Eh akala ko ako lang yung nakakarinig yun pala sila rin kaya kumaripas agad kami ng takbo papunta rito," mahabang salaysay ni Ronalyn.

"Sabi ko nga sa inyo makakaencounter talaga tayo ng mga ganyan kapag nandito tayo eh. Baka hindi ako makatulog mamayang gabi nang dahil sa nagparamdam na multo kanina," reklamo ni Melvin at bumaling siya sa kaliwa't kanan niya.

"Naku Leah kapag may mangyari sa atin dito katulad sa mga movie ikaw ang gagawin naming pain para maka-survive kami," biro ni Chad na pabirong sinang-ayunan naman ng tatlo maliban kay Leah.

"Kahit pagtulungan niyo pa ako para gawing pain eh nandiyan naman si bunny Samuel ko upang palitan ako at siya ang maging pain para maligtas lang ako noh," depensa ni Leah.

"Ang corny naman," sambit ni Mike.

"By the way, speaking of Samuel eh nasaan siya?" nagtatakang tanong ni Ronalyn.

"Oo nga… Bunny!" tawag ni Leah sa kasintahan niyang lalaki.

"Teka Leah yung isang paa mo walang sapatos," pagkatapos sabihin iyon ni Chad ay nagsitawanan ang tatlo maliban sa kaniya at si Leah.

"Eh kasi nung malapit na kami dito biglang lumipad yung sapatos niya palikod. Siya pa naman yung medyo nauna sa amin kaya kita namin yung paglipad ng sapatos niya," paliwanag ni Mike kahit walang nagtatanong sa kaniya sabay tawa.

"Lumuwag kasi yung sintas nito kaya natanggal. Mabuti lang hindi niyo ako pinabayaan kanina kung hindi baka hindi na tayo magpansinan forever," saad ni Leah habang pinapagpag ang kaliwang talampakan niya at isinuot ang sapatos.

Nagkuwentuhan pa sila tungkol sa ibang nakita nila kanina at sinabi ni Chad sa kanila na nasa loob ng gubat si Samuel at kumukuha ng mga litrato gamit ang DSLR.

"Samuel!" tawag ni Melvin.

Bigla naman tumingin silang lahat sa kung saan nakatingin si Melvin. Gumuhit sa mukha nilang lima ang pag-aalala nang makita nila ang namumutlang mukha ni Samuel.

"Bunny! Anong nangyari? Bakit ka namumutla?" nag-aalalang tanong ni Leah nang makalapit siya kay Samuel.

Hindi naman magiging maputla ang mukha ni Samuel sa ibang bagay maliban na lang sa mga kinatatakutan niya: Ang ibang dugo ng tao at kapag nasa mataas siyang lugar.

"May—" bago pa niya ipinagpatuloy ang sasabihin ni Samuel ay pumikit bigla ang mga mata niya. Mabuti ay nasalo siya nina Melvin at Leah nang akmang matutumba siya.

"Chad! Pakitulong naman na dalhin siya sa tent niyo," pakiusap ni Melvin kay Chad. Nakaakbay ang kaliwang braso ni Samuel sa batok niya.

Pumalit sa puwesto ni Leah si Chad upang akayin si Samuel papunta sa tent nilang dalawa.

Abandonadong BaryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon