Kabanata 2

32 3 0
                                    

"Kawawa naman ng mga aso, nakatali pa yung mga bunganga nila at ang papayat nila." Narinig ni Melvin ang komento ni Leah habang isa-isa niyang inilalabas ang mga gagamitin niya sa pagluto mamaya para sa tanghalian. Nasa likod siya ng van nakapuwesto. Lahat ng kagamitang panluto ay pagmamay-ari ng pamilya ni Samuel.

Ang tinutukoy ni Leah na balita ay ang mga aso na walang awa na ikinulong sa malaking warehouse sa magubat na lugar medyo may kalayuan sa Baryo Sampaguita sa Tarlac. Kahapon pa iyon naibalita pero ngayon lang nabuksan ni Leah ang social media accounts niya dahil busy siya sa pag-aasikaso sa mga dadalhin niya para sa outing.

"Nahuli na ba yung mga suspek?" tanong ni Ronalyn at umupo sa tabi ni Leah sabay tingin sa cellphone ng kaibigan. Nakapuwesto silang dalawa sa labasan ng tent nila.

"Tatlong patay na katawan ng tao ang natagpuan ng mga pulis. At ang malala pa eh parang kinain yung mga lamanloob nila," nandidiring saad ni Leah.

"Ano ba naman iyan kinikilabutan ako bigla," wika ni Ronalyn sabay himas sa magkabilang braso niya.

Nakikinig lang si Chad sa usapan ng dalawang babae habang nakaupo sa piraso ng natanggal na semento malapit sa tent niya dahil kakatapos niya lang itayo ang tent na tutulugan nila mamaya ni Mike.

Nasa isang malawak na kapilya sila nakapuwesto. May butas ang ibang parte ng bubong kaya lumulusot ang sinag ng araw doon. Open area ang chapel dahil walang mga harang na pader at tanging mga pillar lang ang nagsisilbing suporta sa bubong. Sa unahan ng kapilya ay may sirang mesa na dati siguro ay pinapatungan ng mga kagamitan ng pastor o pari.

"May signal pala dito," wika ni Mike na kinakalikot ang cellphone nito.

"Hep! Hep! Di ba sabi ko bawal muna gumamit ng cellphone unless kung may emergency?" sabi ni Samuel sa kanila na kakatapos lang ayusin ang tent na tutulugan nila mamayang gabi ni Chad.

"Sorry bunny!" malambing na paumanhin ni Leah sa nobyo.

Narinig ni Samuel ang mahinang tawa ni Mike at pinanlisikan niya ng kaniyang mga mata ang kaibigan na siya namang umakto na parang walang ginawang masama.

"Okay guys, bago muna tayo magsimula sa gagawin natin dito eh magdasal muna tayo para sa kaligtasan natin at respeto na rin sa mga kaluluwang nandito." paalala ni Ronalyn sa kanila.

Sumang-ayon naman sila at nagsikilos na upang magtipon sila dahil ganito ang ginagawa nila sa tuwing may lugar silang pupuntahan upang magbonding bilang mga magbabarkada.

----------

Habang nagluluto sina Samuel at Melvin ay nagkukuwentuhan lang muna ang apat nilang kaibigan kasi gusto nilang puno ang kanilang sikmura ng pagkain bago gumala.

"Hoy Melvin!" paanas na tawag ni Samuel sa kaibigan upang hindi marinig ng apat nilang kasama na ilang metro lang ang layo sa kanilang dalawa.

May dalawang folding table na nakatungtong sa lupa na hanggang hita lang nina Samuel at Melvin dahil sila ang pinakamatangkad sa kanilang magbabarkada. Ipinatong nila dito ang butane stove at iba pa na gagamitin sa pagluto.

Bumaling saglit si Melvin kay Samuel at bumalik sa paggagayat ng patatas. "Ano?" maikling tugon niya.

"Kailan mo ba sasabihin kay Ronalyn iyang nararamdaman mo sa kaniya?" tanong ni Samuel sa mahinang boses.

Tumigil muna si Melvin sa ginagawa niya at pinagmasdan si Ronalyn sa apat na nagtitipon malapit sa tent nina Mike. Noong isang linggo pagkatapos ng hiwalayan ng boyfriend nito ay wala namang bakas sa mukha ni Ronalyn na malungkot. Sa araw-araw na kasama ni Ronalyn ang mga kaibigan ay parang wala lang may nangyaring hiwalayan dahil siya pa rin yung kilalang Ronalyn na may magandang ngiti at mabait.

Abandonadong BaryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon