Chapter 17

224 50 23
                                    

Chapter 17: Pakners

Alicelle's POV

Time Check: 9:30am.

"Wait! Nine thirty na! Kaylangan na nating magmadali para sa second subject natin." Jean said habang nakatingin sa relo niya.

"Ano bang sunod na serbia?" Tanong ni Violet.Ang tinutukoy nito ay ang susunod na subject.Kung ang tawag sa section ay sectus,ang subject naman ay serbia at tawag sa mga mag-aaral dito ay stone charmer at ang tawag sa kapangyarihan ay Stone Magia.

"Hmm-- nine hanggang eleven-thirty yung Physical Training" Sagot ni jean kaya mabilis na kaming naglakad papunta sa field.

9:00am - 11:30am - Physical training ( Two sections )

"Kakagaling lang natin sa rambulan ganyan pa ang susunod na serbia" Madamdaming tinuran ni Garry habang hawak ang salamin na inagaw niya kanina kay violet.Sinisipat pa nito ang dalawang black eye niya sa magkabiglang mata.Kanina pa din ito nagrereklamo na nasira ang mukha niya at hindi na lalapitan ng mga babae.

"Sana naman madali lang ang ipapagawa sa atin.Pagod na pagod na ako.Paniguradong mamaya pa ay papahirapan ako ni Noble icelle dahil ako ang alipin niya." Naiiyak ng wika ni andrea.

"Wag kang mag-alala drea.Nasa likod mo lang kami!" Sabi ni vein habang nakataas ang dalawang kamao."Subukan nilang kawawain ka!Nakooo!!!"Dagdag pa nito.

"Vein bunganga mo nga! Tignan mo oh, ang daming tumitingin sa 'tin.Nakakahiya!" Pabulong ni saway ni amber kay vein.

"Tss. Ano naman ngayon? Maganda kasi ako kaya sila nagsisitinginan.Inggit ka lang." Nakangising katuwiran ni vein habang binebelatan si amber.Kaya natawa nalang kaming lahat.

Nadatnan namin ang Red Squad na sinesermuhan ng isang matangkad,maputi at gwapong lalaki.

"Oh,ito na pala ang Brown sectus.Kayo na nga ang pinaka-mababa sa ranking! Kayo pa ang may lakas ng loob na ma-late!." Sigaw nito.Halata namang ito ang magiging Prof. namin sa physical training dahil sa magandang hubog ng pangangatawan nito.

"Red Sectus.On the field,now! 30 laps!" Sigaw nito sa Red Squad na nakapagpatawa sa amin.

"Yes,sir!" Sigaw ng Red Squad at kaagad na tumalima na.Pero bago yun ay sinamaan pa kami ng tingin ng mga 'to.

"BROWN SECTUS! 40 LAPS!" Mas malakas na sigaw nito na nakapag-patigil sa amin sa pagtawa.

"Pero sir----" Reklamo ni Vein.

"50 LAPS!!!" Sigaw ni Professor.Kaya wala kaming nagawa kung hindi sumunod na lang din.Baka madagdagan pa lalo.



"Hayy,natapos din.Anong oras na ba andrea?" Tanong ko kay andrea dahil nakakaramdam na ako ng gutom.

"Omooo! Alas-dose trenta na! Hanggang ala-una lang ang break.Trenta minutos nalang ang natitira sa atin.Bilis! Kun'di,hindi tayo makakain!" Natatarantang paliwanag ni andrea kaya kahit pagod kami at masakit na ang katawan pinilit naming tumayo para makapunta sa cafeteria.



"ANO BANG KLASENG LUTO 'TO! SAWANG-SAWA NA AKO SA WALANG KWENTANG PAGKAIN NA 'TO!" Nadatnan namin na nagwawala ang isang estudyanteng mula sa Red Squad.Halata naman na inirereklamo nito ang lasa ng luto dito sa cafeteria.

"Oo nga! Tama siya! Hindi ko na masikmura ang pagkain dito!" Sang-ayon nung kasama ng studyanteng may pulang uniporme.

"Mga estudyante lang din po kami" Anang sabi ni Ate na nagluluto at nag serve sa amin kanina.

"Bakit ba kasi kaylangang tayo-tayo lang ang magluluto?!" Sigaw ng isang estudyanteng may kulay asul na uniporme.

"MAGSITIGIL KAYO! ANO BANG PROBLEMA DITO?!" Sigaw ng kararating lang na si HM.

Stone Academy:Finding the lost Princess  ( Tag-Lish ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon