Chapter 29

155 16 18
                                    

Chapter 29: Правда за историей

Alicelle's POV

"Hayss,kapagod!" Ang daming nangyari ngayon araw, dagdag pa yung nangyari sa pagitan ng Sectus B at ng sectus namin kanina.

Nung tinanong ni Dreyden kung ano bang nangyayari kanina pagkapasok namin sa Cafeteria.Sakto ding pag teleport ni HM sa Cafeteria para daw sana hanapin ako.Hindi niya nga daw akalain na another gulo nanaman ang naabutan niya. Pagkatapos nun ay biglang sumigaw si Andrea,Jean at Violet,yun pala nahimatay na si Issabelle,dahil din siguro sa pagod nung araw na 'yun, dagdag pa ng pambu-bully sa kaniya.Wala kami lagi sa tabi niya kaya hindi namin alam kung ngayon araw ay ilan bang bullies ang pinagdaanan niya.

Pinadala na ni HM sa S.A Hospital si Issabelle at ako naman ay pina-iwan para kausapin niya sa office, kaya hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari sa kanila. Kasama naman nila ang Royals kaya panatag ang loob ko.

Pumayag na nga pala sa HM sa offer ko.Ang ibig sabihin next week ay mapupunta na kami sa Sectus D! Sa wakas, magkakaroon na kami ng mas maayos na Room at Mas magiging malawak ang privilege namin.Hindi gaya pag nasa Sectus E kami,hayst.

Sinabi ko din pala na hindi kaylangang magbago ang first subject namin na Power enhancing na serbia namin kay Prof. Er. Kasi kung magbago 'yon sayang naman yung Training Room namin na may Oculus time,hindi ba? Kaya sabi ko sa second subject na lang kasi sasabay sa Sectus D.

May isang kondisyon din pala sa HM, yun ay hindi ako sasali sa anong Clubs dahil ako mismo ang magiging leader sa Cooking Club. Ang sabi niya gagawa lang daw ako ng libro at itatala ko ang mga kaylangan na sangkap sa lulutuin at kung paano ang proseso. Ang paaralan na daw ang gagawa para magkaroon ng madaming copy. Yun lang daw ang gagawin ko sa loob ng dalawang buwan o kung kaylan ko daw matatapos, at pag napamigay na ang mga kopya ng libro doon na ako magtuturo ang actual.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil hindi ko na kaylangan sumali pa sa clubs o magiging disadvantage 'to sa'kin dahil makakasalamuha ko lahat ng estudyante dito kapag nagturo na ako sa Cooking Club.

Tumayo ako sa kama para maglinis na ng katawan. Ang lagkit-lagkit ko na kasi. Susulitin ko na ang pagkakataong 'to dahil kapag naka-uwi na ako sa totoong mundo ko,alam kong hindi ko na magagawa ang mga ganitong bagay dahil alam niyo na kila senyorita at Princess.Kamusta na kaya yung mga yun? Sana matalsikan sila ng mantika sa t'wing magluluto sila para alam nila ang hirap ko. Ah,oo nga pala, nasa kanila pala ang kayamanan ni Papa.Paniguradong tinatamasa na nila ngayon 'yon. Naalala ko limang buwan nalang pala at magiging dise-otso anyos na ako.

Hinubad ko na lahat ng kasuotan ko.Tumingin ako sa salamin at pinunasan ang moist nito at saka nanalamin para talian ang buhok ko dahil half bath lang ang gagawin ko.

Nagulat naman ako sa nakita ko. Bakit hindi ko napansin 'to kanina? Dumarami na ang ibat-ibang kulay sa buhok ko pero ang mas nangingibabaw ang kulay violet. Biglang nanlaki naman ang mga mata ko sa naalala. Shit! Yung libro nga pala nasa bag ko pa! Susubukan ko ulit yun basahin. Ewan ko pero pakiramdam ko, may hiwagang tinatago yung libro at isa pa,shemay! Yung kwintas nga din pala! Nakalimutan kong kiskisin pa maigi para makita kung may D at E ba sa likod nito.

Dali-dali na ako pumunta sa may balde at kinuha ang tabo.Naka-tatlong buhos pa lang ako ay nagsabon na agad ako. Pagkatapos ay nagbuhos ulit ako para banlawan na ang katawan ko.Wala pa yatang tatlong minuto ay tapos na ako. Sa sobrang excited ko hindi na ako nakahilod.

Nag-suot na ako ng pajama at sando at binuklat ang bag ko para hanapin yung kwintas at libro na itinago ko.

Hinawakan ko muna ang kwintas at kinuha ko ang shinelas ko na gawa sa goma. Ganito kasi ang ginagawa ko noon pag nakakapulot ako sa daan ng lumang barya at maitim na. Dito ko mismo kinukuskos sa tsinelas kong goma dahil epektib talaga. Mabuti na lang at tsinelas din ang gamit ko noong napunta ako sa lugar na 'to dahil wala naman akong sapatos noon pag papasok sa skwela.

Stone Academy:Finding the lost Princess  ( Tag-Lish ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon