Chapter 41

121 15 1
                                    

Chapter 41: Celestine Vs. Eros

Alicelle's POV

"Nandito na tayo," Bumalik lang ang ulirat ko no'ng magsalita si Ash.

Papasikat pa lang ang araw pero mukhang hindi normal ang ambiance dito.

Nasa gubat kami at napakadilim sa parteng 'to. Hindi ko alam pero pakiramdam ko merong mangyayaring hindi maganda.

Sinimulan na mag cast ng spell ni Ash para bumukas ang portal papuntang Wyndysclenian nung biglang humangin ng malakas.

"May paparating," Bulong ko. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kilabot.

Nagkatinginan naman silang lahat pagkatapos ay Sabay-sabay silang tumingin sa 'kin na bakas ang pagtataka sa mukha.

Hindi ba nila nararamdaman?

'Celestine'

Biglang nagsitayuan ang balahibo ko nang may bumulong sa tenga ko kasabay lalo ng paglakas ng hangin.

'Celestine'

Muli pang bulong nito sa kaliwang tenga ko.

'Celestine'

Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko, maging sa likuran ko pero malamig at nakakakilabot na hangin lang ang nakapalibot sa 'kin.

Tumingin ulit ako sa harapan ko pero hindi ko na makita ang mga kasama ko.

"SINO KA?! ANONG KAYLANGAN MO?!" Sigaw ko at ikinuyom ko ang mga kamao ko.

'Celestine,halika'

Muling bulong nito kaya napatakip ako ng tenga.

'Celestine,nandito ako'

Hindi ko alam pero kusang gumagalaw ang mga kamay ko at itinaas ko ito na animo'y may sinasakal ako.

HINDI! TAMA NA! POSIBLENG ILUSYON LANG ITO AT MAY TAO AKONG SINASAKTAN SA LABAS NITO!

Anong gagawin ko?

Sinubukan kong ibuka ang labi ko pero kusang lumalabas ang mga salita na binibigkas ko.

"Eros,bakit mo siya pinatay?!" May bahid na galit at hinanakit na sigaw ko.

"Pinatay mo silang lahat! Hindi kita mapapatawad! PAPATAYIN KITA!" Umiiyak na sigaw ko.

Hindi.

Ano bang nangyayari?

Sino ang mga pinatay ni Eros?

"Papatayin kita! Papatayin kita!" Paulit-ulit na sigaw ko.

Hindi. Hindi ko gusto ko!

Mukhang alam ko na kung sino ang sinasaktan ko sa labas ng ilusyong 'to.

Dreyden.

F*ck! Lumaban ka Dreyden! Saktan mo ako kung kinakaylangan.

"Minahal kita, Eros. B-bakit--- BAKIT?!" Malakas na sigaw ko.

Mukhang hindi ko kontrolado ang katawan ko dahil nakakaramdam din ako ng sakit at galit.

Biglang nanlaki ang mata ko dahil sa kadilimang kinalalagyan ko ay may nangingibabaw na kulay pula na nagpanginig sa 'kin.

Dumadaloy ang dugo sa kamay ko kaya mas lalo akong nanginig sa takot dahil tama ang mga iniisip ko.

Saktan niyo ko, please.

Wag niyo hahayaang saktan ko si Dreyden.

Pagmamaka-awa ko pero imbes na ganyang salita ang lumabas sa bibig ko, ay laging 'Papatayin kita' ang binibigkas ko.

Stone Academy:Finding the lost Princess  ( Tag-Lish ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon