CHAPTER 4: NEVERMIND

685 38 15
                                    

"Daddy! San ka pupunta?!" tanong ko kay Daddy kahit nangingilid na ang aking mga luha.Pero hindi man lang siya umimik.Kahit bata pa ako alam kong hindi maganda ang nangyayari.Nag-away kasi sila ni Mommy.

"Daddy,please! 'wag mo kaming iwan ni Mommy!" pagmamakaawa ko sa kanya,sabay hawak sa kamay niyang may bitbit na maleta.

"Daddy,please..." pagmamakaawa ko sa kanya pero tinabig lang niya ang aking kamay at tuluyan ng umalis.Agad naman tumulo ng walang humpay ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.Ang sakit.Sobrang sakit.

"DADDY!" sigaw ko sabay bangon sa kama.

A nightmare.

Pinunasan ko ang taksil na luha na tumulo sa aking pisngi.Pinipilit kong magpakatatag at kalimutan nalang lahat ng sakit para kay Mommy.Pero wala pa rin.Masakit pa rin.

Napatingin ako sa wallclock sa loob ng kwarto ko, 5:50 am pa lang.Maaga pa pero wala na akong balak matulog ulit.At alam kong hindi rin ako dadalawin ng antok dahil sa bangungot na 'yon.Lumabas na ako sa kwarto para uminom ng tubig at mahimasmasan.Bago ko pa mabuksan ang ref ay napansin ko na ang note na nakapaskil dito.

Good Morning my Princess! Nakahanda na lahat ng kakailanganin mo for today.Nagprepare na rin ako ng breakfast for you, may cheese rin don.Ubusin mo ha? Maaga akong umalis ngayon kasi may aasikasuhin ako para sa upcoming event dito sa school.'Yong uniform mo anak,alam mo na kung saan hahanapin ha? Take care my Princess! I love You!
~Mommy

Napangiti ako sa note ni Mommy.She's the best mother and teacher in the whole world! Lahat ng sakit at pangungulila na naramdaman ko dahil sa ama ko ay napapawi dahil kay Mommy.She makes me stronger all the time.

Pagkatapos kong kumain, maligo, magbihis at lahat lahat na ay nagtungo na ako sa school.

Nandito na ako ngayon sa school at papunta na ako sa classroom.Buti nalang maaga pa at konti pa lang ang mga estudyante.

"Bessy!" halos malaglag ang puso ko dahil sa pagkagulat.

"Ano ka ba Thea, papatayin mo ba ako?!" sigaw ko sa kanya sabay hawak sa aking dibdib.

"Pano mo nalaman bessy? Hehe joke! Good mood lang ako." sabi nya ng naka peace sign habang kumukurap kurap pa.Bestfriend ko ba talaga 'to? Pasalamat siya at good mood din ako dahil kung hindi...naku nabatukan ko na 'to.

"Well, bessy! Ang bilis ng araw noh? Thursday na ngayon at bukas Friday na tapos weekends na naman! Wohooo! Sana vacation nalang ulit para mas masaya!" dirediretso niyang wika.Hyper talaga neto.

"Oo nga, ambilis." matamlay kong wika.Bigla kong naalala 'yong lalaking nanlalait sa 'kin.Ang alam ko dito rin siya nag-aaral dahil naka uniporme siya ng katulad sa 'min.Pero bakit di ko siya nakikita?

"Hoy! bessy anong iniisip mo dyan?" halos mapatalon ako sa gulat dahil sa babaeng 'to.

"Ano ka ba Thea! Ang hilig hilig mong manggulat!" sabi ko sabay upo na sa aking upuan.Sakto naman ang pagdating ng aming teacher.Salamat naman at maiiwasan ko na ang pagtatanong nitong baliw kong bestfriend.Tsk.

"Good Morning, Ma'am Concepcion!" masigla naming bati sabay tayo bilang pagbibigay ng galang.Kahit papano marunong din naman kaming gumalang.

"Good Morning students, you may now take your seat." sabi nito at nagsi-upo na rin kaming lahat.Inilabas ko na ang aking sketch pad at syempre para mag drawing.

"Nagtataka siguro kayo kung bakit may bakanteng upuan sa tabi ni Ms. Gomez." sabi ni Ma'am at tumango tango naman ang ilan sa aking mga kaklase.Tumingin sila sa aking direksyon.Ako? Dedma lang at nagpatuloy nalang sa pag dudrawing.

"I just want all of you to know that it will be occupied by Mr. Fernandez, your new classmate." pagkarinig ko sa sinabi ni Ma'am Concepcion ay natigilan ako.Hindi kaya siya 'yon? Oh no! What am I thinking?!

"Mr. Fernandez, come in." inabangan ko kung sino iyon hanggang sa iluwal ng pintuan ang isang gwapong nilalang.

"OMG! Handsome! Kyaaaaah!"

"So hot!"

"There's a hunk, gosh!"

Iyan ang mga sinasabi ng malalanding girls dito sa classroom.Lantaran pa talaga ha? Para namang ngayon lang sila nakakita ng gwapo sa tanang buhay nila.Tsk.

Matapos kong masilayan kung sino 'yong Mr. Fernandez na magiging seatmate ko ay nagpatuloy na ako sa business ko.Kalahati ng sistema ko ay natutuwa dahil hindi ang mapanlait na lalaki ang magiging seatmate ko.Kalahati naman nito ay...nadismaya?Ewan.

Syempre nagpakilala muna siya pero hindi ko siya tiningnan.Why would I? Naririnig ko lang ang mga pinagsasabi niya.At alam kong confident na confident siya habang nagpapakilala.Dahil don mas lalo pang nagtilian ang mga girls except me and...Nicole? Gaya gaya talaga.Natigil lang sila sa katitili nang sinaway sila ni Ma'am.Nakakatawa ang mga reaksyon nila.Halatang nagpipigil ng kilig ng ngumiti itong si Fernandez.Maging itong si Thea ay kinikilig.Napailing nalang ako.

Ewan ko kung guni guni ko lang 'yon, pakiramdam ko kasi kanina pa nakatitig 'tong katabi ko.Hindi si Thea,kundi si Fernandez.Iyan pa naman ang pinaka hate ko sa lahat,ang titigan ako.Tsk.

"Ok, class dismiss." pagkasabi nun ng teacher namin ay agad ko ng inayos ang gamit ko.Gusto ko ng umuwi para makapagpahinga naman.Thank god,I didn't melt.

Tatayo na sana ako sa aking kinauupuan, pero nagulat ako ng may tumayo sa aking harapan.Napaupo ako ulit dahil sa ginawa niya.Tiningala ko ang balakid sa aking daanan.Matangkad na may maamong mukha ngunit medyo bad boy tingnan dahil sa kanyang messy hair.

"Venice..." mahinahon niyang wika dahilan para matigil ako sa pag inspeksyon sa kanyang mukha.

Paano niya kaya nalaman ang pangalan ko?Nakakapagtaka.

"...do you still remember me?" seryoso niyang tanong dahilan upang mas lalo akong magtaka.Pero syempre hindi ko iyon ipinahalata.I composed myself at casual na sumagot para hindi siya makahalata.

"Oh, Fernandez?" sabi ko sabay taas ng kaliwang kilay ko.Well, hindi ako mabait sa ibang tao...lalong lalo na...sa mga lalaki.

"Not that...I m-mean...uh, nevermind!" sabi niya sabay talikod at nagmadaling umalis.

Ano kayang ibig niyang sabihin? And that, he just left me clueless? What the heck!

a/n: Ano kayang ibig sabihin ni Fernandez?Well, malalaman...soon! Just continue reading.
Vote.Share.Comment for dedication for the next chapter :))
Lovelots!
@princessjhaiza05

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Game of Chase [ Lee Min Ho & Park Shin Hye ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon