CHAPTER 2: CRAZY GIRL

746 50 10
                                    

Nasa harap na ako ng classroom namin nang biglang may humarang sa akin.

"Your late!" pambungad nito sa akin.Tiningnan ko lang siya ng masama.Mukhang nahalata niya naman na badtrip ako.

"Joke lang Bessy!Wala pa naman 'yong adviser natin eh hehe." pambawing sagot niya at ngumisi ng pagkalakilaki.Napabuntong-hininga ako at dumiretso nalang sa bakanteng upuan na alam kong nireserve niya para sa akin.Pero bago ako makaupo,napansin kong pinagtitinginan nila ako.Seriously?Wala na bang bago??

"Hey Venice!You look gorgeous as ever!" wika ng isang babaeng papansin.Si Nicole pala,siya ang top 2 sa klase namin.If I know insecure lang siya sa akin dahil ako ang consistent top 1.Kaplastikan nga naman!

"I know." walang gana kong sagot bago ako umupo dahil badtrip pa rin ako.Sumunod naman sa akin si Thea.By the way,she's my crazy bestfriend Althea Cruz ang buo niyang pangalan.Isa siyang fil-am pero pinoy na pinoy dahil dito siya sa Pilipinas lumaki.Nagkakilala kami noong 5 years old palang kami dahil classmate ko siya sa kindergarten.Napangiti ako nang maalala ko kung bakit kami naging magkaibigan.

Flashback.Pinagdrawing kami ni Teacher Rose ng isang kagubatan.Tapos na akong magdrawing at magkulay nun.Napatingin ako sa katabi ko na bura ng bura.Nabutas na rin ang papel niya dahil sa kabubura.Medyo natawa ako at nagulat ako nang tinignan niya ako ng masama.

"Dahil tinawanan mo ko,akin na itong drawing mo." Kinuha niya ang papel ko sabay bura ng pangalan ko at pinalitan niya ito ng pangalan niya.Nagulat ako sa ginawa niya.

"Ok...Sige...gagawa nalang ako ng iba." Hindi ko alam dahil imbis na magalit ako sa kanya ay natuwa pa ako.Sabi niya ang galing galing ko daw magdrawing.Napangiti ulit ako,kasi dahil don nagsimula ang pagkakaibigan namin.End of Flashback.

"Oy Bessy!Nandyan na si Ma'am oh."

"Ayos ah!Kanina nakabusangot ka ngayong naman ngingiti-ngiti ka!Siguro inlove kana noh?" dagdag pa niya sabay tusok sa tagiliran ko.Muli na namang lumihistro sa utak ko ang nakangising mukha ng pesteng iyon.Sayang gwapo pa naman siya.Napailing nalang ako sa naisip ko.Siguro dala lang ito ng gutom dahil hindi ako nakapagbreakfast.

"Magandang umaga sa inyo,mga bago kong estudyante

!" nakangiting wika nito.

"Magandang umaga rin po Ginang!" sabay sabay naming tugon sa kanya.Mukha naman siyang mabait.Mga nasa 40's na ang edad niya pero maganda pa rin.

"Ako nga pala si Mrs. Teresa Concepcion ang inyong adviser at the same time guro ninyo sa asignaturang Filipino." Nakinig lang kami sa mga kwento at word of wisdom ni ma'am.Well kahit may pagkapilya, behave rin naman MINSAN si Thea.Dahil daw top 5 siya at kailangan daw niyang pangalagaan iyon.Tss.

Maya-maya naramdaman kong may kumakalabit sa akin.Hay minsan lang talaga siya magbehave!Lumingon ako at nakita ko siya.Sino pa nga ba!

"Ano?" naiinip kong tanong sa kanya.

"May boyfriend kana ba Bessy??" out of world niyang tanong.

"What kind of question is that Thea!" medyo inis kong tanong.Alam niya na kasi ang sagot,nagtatanong pa.Tsk.

"Eeeeh...kasi parang may nagbago sayo.Naiinis ka kanina tapos maya-maya ngingiti ka ng walang dahilan.Ayon kasi sa source ko sintomas iyan ng inlove!" sabi niya na parang kinikilig.Inlove?Eh kanino naman ako maiinlove?

"Wala." walang kabuhay-buhay kong sagot.

"Eeeeh...sabihin mo na ang totoo Bessy.Kasi alam mo naman na tinularan kita kaya..."

"So?what do you mean??" tanong ko sa kanya kahit alam ko naman kung anong gusto niyang tukuyin.Hay. umalis na pala si Ma'am Concepcion.2nd subject na pala.Sinali pa kasi ako ni Thea sa kadaldalan niya.Nonsense naman ang mga pinagsasabi.

"Kasi alam mo 'yon...ahm...kung may bf kana...edi...pwede na rin akong magbf!" sabi niya ng tuwang-tuwa na parang kinikilig.Sabi ko na nga ba!Si Thea talaga.

"At tsaka Bessy!Naiinip na ang mga manliligaw ko." dagdag pa niya sabay pout.

"Sila ba ang naiinip o ikaw?" tanong ko ng may paghihinala.Marami rin kasing manliligaw si Thea at ineentertain niya naman ang mga ito,unlike me.

"Well sa totoo lang may nagugustuhan na ako sa kanila.Hihi." medyo humina ang boses niya pagkasabi niya iyon.

"So Bessy...May boyfriend kana ba?" tanong niya ulit na parang bata.Buti nalang at pinacopy lang nung teacher ang mga topics namin this grading period sa Ekonomiks.

"Ano na Bessy?" niyugyog pa niya ako.Ang kulit talaga!Sinabi ko na nga lang na wala eh.

"Gusto mong malaman ang totoo?" sabi ko at tumango lang siya.

"Capital W.A.L.A. as in Wala!" Pagkatapos kong sagutin ang nonsense niyang question ay nagbell na rin.It means Break-time na.

Napansin kong nadisappoint siya sa sagot ko.Hayaan ko nalang muna siya.Kilala ko siya at alam kong ok na yan mamaya.Sa ngayon dapat muna akong kumain dahil gutom na gutom na ako.Nauna na akong lumabas para magpunta sa cafeteria.Gusto ko lang kumain ng sandwich with cheese.Sabihin niyo ng ang babaw ko pero that's my favorite.Anything basta may cheese favorite ko na.

Papasok palang ako sa cafeteria ngayon.Ang dami namang tao.Yong iba napapatingin na naman sa akin pero I don't care!Gutom ako.Syempre agad akong pumunta kung saan inididisplay ang favorite ko.Kaya lang mukhang ubos na.Pero naliwanagan ang mukha ko ng makita kong may isa pa.Yehey!! Yeah tama kayo may pagkachildish ako pero hindi ko ipinahahalata sa iba.

Dadamputin ko na sana ang favorite ko dahil takam na takam na ako.Kaya lang may nauna sa akin.Yong kamay ng lapastangan ang nahawakan ko imbis ang sandwich.Waaah...my favorite!Gusto kong maglupasay na parang bata dahil ayaw na ayaw kong maagawan lalo kapag paborito ko.Ugh.Nakakainis!Kainis talaga.Hindi ko pa natanggal ang kamay kong nakahawak sa kamay ng lapastangan dahil sa inis.Pero hindi ko akalain na mas maiinis pa pala ako sa maririnig ko.

"Pano ba yan...nauna ako...Miss Bruha." Mas lalong kumulo ang dugo ko dahil nakita ko na naman ang gw- I mean ang pesteng pagmumukha niya.

"And by the way,Miss Bruha medyo nag-eenjoy kana ata sa paghawak sa kamay ko ah!" Feeling ko ang pula pula na ng mukha ko dahil sa galit at kahihiyan.Agad kong tinanggal ang kamay ko.

Binayaran na niya 'yong sandwich.Para akong napako sa kinatatayuan ko.My favorite!! Nagising lang ang utak ko sa pagtatantrums dahil sa ginawa niya.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin.Parang 2 inches lang ang pagitan ng mga mukha namin kaya medyo napaatras ako.Don't tell me hahalikan niya ako?I just glare at him dahil sa thoughts kong iyon.

"Bye Miss Bruha!" sabi niya sabay kindat pagkatapos ay tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.Nakakainis.Kinuha niya na nga lang ang favorite ko hindi ko pa nadepensahan ang sarili ko sa panlalait niya.Bwisit na pesteng 'yon!

Seriously?Tinawag niya akong bruha?Hindi ba niya alam ang salitang hairstyle??At nilait pa niya ako ng harap harapan!Sa ganda kong 'to??That man is unbelievable and so annoying!Ugh!

a/n: Readers?Kung may readers man haha.Pls do vote and leave your comments kung itutuloy ko pa itong story na'to.Para nman po ma-inspire si Miss Author XD.Saranghae!

@PrincessJhaiza05

The Game of Chase [ Lee Min Ho & Park Shin Hye ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon