Hey baby even though I hate ya!I wanna love ya. I want you! And even though I can't forgive you I really want ta I want you!
"Hmmm."
Tell me, tell me baby, why can't you leave me? Cause even though I shoudn't wa---
"Ugh. Ang ingay naman." naiinis kong dinampot ang maingay na bagay na iyon at napagtanto kong iyong cellphone ko pala. Nang mahawakan ko yung phone ko ay tinignan ko na rin kung anong oras na.
"5:30 palang. Matutulog muna ako." ipinikit kong muli ang aking mga mata sabay taklob ng kumot. Maya maya may naramdaman akong yumuyugyog. What's going on? May lindol ba? Ang sarap sarap pa naman ng tulog ko.
"Ven anak gising na hindi ba may klase ka na ngayon?" malambing nitong wika. Inalis ko ang kumot sa mukha ko. Agad naman bumungad ang napakagandang mukha ni mommy. Pero ano??! KLASE??Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang maalala kong pasukan na pala ngayon.
"OMG! What time is it Mom?!" tanong ko sabay bangon mula sa kama. Tiningnan naman ni Mommy iyonv relo niya.
"It's already 6 am Ven." Medyo gulat pero malumanay pa rin nitong wika. Dali dali akong nagtungo sa CR para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Kinuha ko na ang uniform kong naka-hanger sa tabi ng door ng room ko. Doon kasi nilalagay ni Mommy para di na daw ako mabaliw sa kahahanap gaya ng dati. Hay naku, medyo natawa ako nang maalala ko ang term na iyon ni Mommy. Sinuot ko na ang uniform ko. Ang cute ng uniform namin katulad ng mga napanonood sa Koreanovela. Longsleeve na above the knee checkered skirt with matching long socks pa. May lahi kasing Korean ang may-ari ng school. Enough for the descriptive thoughts of mine malelate na ako.
"Mom, I gotta go doon nalang ako sa Cafeteria magbreakfast." I said sabay halik sa pisngi ni Mommy.
"Ok, iyong wallet mo pala nilagay ko na sa bag mo.Nariyan na rin ang allowance mo for this week. Huwag kang magpapagutom ha? Take care my princess." sabi ni Mommy pagkatapos ay niyakap at hinalikan niya ko sa pisngi. Hay si Mommy talaga dinaig pa ang Girl Scout, laging handa kasi. Sobra ang pasasalamat ko kay God dahil kahit iniwan ako ng ama ko, eh binigay naman niya sa akin si Mommy. At dahil don kuntento na ako. Naku nagdrama na naman ako baka tuluyan na akong malate nyan.
"Sige po, thanks mom bye."
Lumabas na ako ng bahay at nagmadali na akong naglakad. Mga 15 min. lang ang lalakarin ko at makakarating na ako sa Daebak University. Mas gusto ko kasing maglakad para mapagmasdan ko ang kapaligiran.Narerefresh kasi ang utak ko at gusto ko rin madaanan ang Munting Hardin na kinagigiliwang puntahan ng mga tao especially ng mga couples. Nang madaanan ko iyon ay huminto ako saglit para masilayan ito. Dito ako madalas pumunta kapag may problema ako. Feeling ko kasi dinadamayan ako ng mga bulaklak.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa school. Dito pala ako nag-aral since 1st year high school hanggang ngayong 4th year na ako. Pagkapasok ko sa main gate ay tiningnan ko muna sa phone ko kung anong oras na. Thank God 6:45 palang may 15 min. pa since 7 am ang start ng klase. Pagdaan ko sa hallway marami na namang nagbubulungan na halos naririnig naman. Tsk,effort naman.
"Ang ganda talaga niya!"
"Grabe mukha siyang Diyosa!"
"Oo nga para rin siyang artista."
Yan ang narinig ko mula sa kanila, hindi ko na maintindihan pa iyong iba. Hay naku hindi pa sila nagbabago, nasabi ko nalang yan sa sarili ko. Nakalimutan kong banggitin, sikat pala ako dito sa school namin.At tama kayo ako ang tinutukoy nila. Hindi naman sa pagmamayabang, pero kasi ganyan na ang reaksyon nila simula ng unang beses na nakatapak ako sa eskwelahan na ito. Ewan ko, oo alam kong maganda ako pero ayoko ng ganitong atensyon. Binilisan ko nalang maglakad pa---bogsh!
"Aray!" daing ko nang mapaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakabunggo ko sa taong nasa harap ko na hindi ko pa nasusulyapan. Ugh. My butt it hurts like hell! Nakatungo lang ako, parang hindi na ko makatayo.
"Miss?" Tinig ng isang lalaki. Tiningnan ko lang kung sino ang nagsalita at nakakita ako ng isang lalaking mala-Lee Min Ho ang dating. Nagising lang ako sa pagkatitig sa mukha niya nang iabot niya ang kanyang kamay na nag-aalok ng tulong.
"No, I can manage." sinabi ko at pilit na tumayo. Buti nalang at nakaya ko dahil mas gugustuhin ko pang maupo dito forever kaysa humingi ng tulong sa iba.
"Sorry ha? Nagmamadali kasi ako kaya di kita napansin." buti naman at marunong siyang magsorry dahil kong ako? Never. Well except kay Mommy at kay Thea.
"...pero next time tingnan mo rin ang dinadaan mo at huwag kang tatanga-tanga!" dadag pa niya. Agad na uminit ang ulo ko at parang sa oras na ito ay makakapatay ako ng tao. Tatanga-tanga?Ako? Lakas naman ng loob niyang pagsabihan ako ng ganyan.
"ANONG SABI MO?!!" napasigaw na ako dahil naiinis na talaga ako. Buti nalang at kami nalang ang nandito.
"Sabi ko tatanga-tanga ka kasi ka---" Hindi ko na siya pinatapos. Nakakabwisit eh. Nanggigigil na ako sa galit. Pero kailangan kong magtimpi at umiwas muna sa away dahil late na ako.
Huminga ako ng malalim para makalma ko ang sarili ko.
"Pasalamat ka at nagmamadali ako ngayon dahil kung hindi...ugh!" Tumalikod nalang ako at akmang aalis baka kasi kung ano pa magawa ko. Pero may pumigil sa akin at hinawakan ako sa kanang braso.
"Wait...Miss Bruha!" Naniningkit ang mga mata kong tumitig sa kanya.
"Cellphone mo oh, nahulog kanina." Nakangising sambit ng loko. Hinablot ko na ang cp ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Calm down Ven. Pero hindi pa rin nakaligtas ang tenga ko sa pesteng iyon.
"Bye, Miss Bruha!"
Kahit nakatalikod ako ay ramdam kong nakangisi siya. Nakakabanas talaga! Badtrip!
Hope you like it!
-Princess Aiza 🌻
BINABASA MO ANG
The Game of Chase [ Lee Min Ho & Park Shin Hye ]
Teen FictionThat's what you do when you love someone. You go after them. And that is called "The Game of Chase". Are you willing to do the chase for the sake of your love? If yes,then read this.