Pabalik na ako sa classroom dahil malapit ng mag-resume ang aming next subject.
"Hingang malalim." bulong ko sabay pikit.Sinusubukan kong kalmahin ang aking sarili dahil hanggang ngayon ay bwisit na bwisit pa rin ako sa lalaking iyon.Hindi ko siya kilala at ngayong araw ko pa lang nasisilayan ang mala-demonyo niyang mukha.Hindi ko talaga maatim na nilalait-lait lang ako nung estrangherong iyon, samantalang tinitingala ako ng nakararami.
Natigil lang ako sa pag-iisip nang mapansin kong nasa harap na pala ako ng pintuan ng aming classroom.Naroon na pala ang guro namin sa TLE?I think,ah basta!
Pansin kong nasa akin ang kanilang buong atensyon maging ang aming guro.Tsk.Heto na naman tayo.
"Good Morning,Ma'am.Can I enter in your class?" diretso kong wika.Well alam niyo naman na siguro na hindi ako marunong mag-sorry sa iba kahit sa teacher pa.
Naalis ang mga matang kanina pa nakatitig sa akin at bumaling naman ito sa gurong may makapal na make-up.Tila naghihintay silang sumabog sa galit ang gurong ngayon ay nakataas na ang isang kilay.Ganoon din ang reaksyon ni Thea katulad ng iba kong kaklase maliban nalang sa isa.Kitang-kita ko ang ngiti niya na parang gustong-gusto talaga akong mapagalitan.Hindi ko nalang siya pinansin dahil natatawa ako sa reaksyon ni Thea.Epic talaga! Parang batang takot paluin ng sinturon ng kanyang ama.Hahaha
Nagpigil ako ng tawa ng maalala kong nasa hot seat pala ako.Napatingin ako sa gurong kanina pa sinusuri ang aking kabuuan.
"Ok, just come in." sabi ng guro sabay irap.Well, I don't care!
Agad akong tumungo sa aking upuan pero bago ako nakaupo ay may narinig akong bumulong.
"Attention-seeker!"
Naningkit ang mga mata ko sa narinig ko pero hinayaan ko nalang.Insecure nga naman.Kahit pa di ko nakita kung kaninong mapangahas na bunganga ang nagmamay-ari nun ay alam na alam ko na.Sino pa nga ba kundi ang dakilang plastik na si Nicole.Tsk, pakalat kalat sa paligid.
Nang makaupo naman ako ay pinaulanan ako ng mga katanungan nitong si Thea.Kesyo ba't ang tagal ko raw bumalik,nakipag-date raw ba ako,ba't daw ako natawa kanina at marami pang ibang nonsense na tanong.
Hindi ko na siya pinakinggan dahil gutom na gutom na ako.Hindi na nga ako nakapag-almusal hindi pa ako nakapag-recess dahil sa bwisit na lalaking iyon.
Parang umakyat lahat ang dugo ko sa aking ulo nang maalala ko ang pag-agaw niya sa aking paboritong cheese bread.Hay nakakainis!Sinisira niya ang araw ko.Mabuti pa huwag ko ng isipin ang lalaking iyon.
"Napakaistrikta wala sigurong asawa! Ang boring pang magturo!" bulong ni Thea tama lang para marinig ko.Sa ngayon,sang-ayon ako sa sinabi niya.Pano ba naman kasi kung anu-ano na ang sinusulat sa pisara about sa Entrepreneur daw.Halos mapuno na nga ang pisara eh.Seriously?First day of class??Eh parang final exam na nga bukas sa ginagawa niya eh.Hays!
Napatitig ako sa isang bakanteng upuan sa tabi ko,bali sa right side ko.Si Thea kasi nasa left side ko naman.Nagtaka ako kasi dito sa school walang bakanteng upuan every classroom,lahat occupied.
"Thea,kaninong upuan 'to?" tanong ko sa kanya na may halong pagtataka sabay turo sa bakanteng upuan.
"Aba malay ko,may nakikita ka ba Bessy?" sagot niya sabay hikab.
Haynaku! ano pa nga bang maaasahan ko rito!
Sino nga kaya ang nakareserve sa upuang ito? Sino kaya? Another nonsense seatmate? Hmp,well I.Don't.Care!
a/n: Well sino nga kaya??hehehe.Let's find out sa susunod na chapter! Just comment or pm me kung gusto niyong magpadedicate.
*Vote,Comment and Share readers;) lovelots :*@princessjhaiza05
BINABASA MO ANG
The Game of Chase [ Lee Min Ho & Park Shin Hye ]
Novela JuvenilThat's what you do when you love someone. You go after them. And that is called "The Game of Chase". Are you willing to do the chase for the sake of your love? If yes,then read this.