Chapter 11

35 1 0
                                    

Nung gabing balak na mag higante ni John kay Enoch para sa Girlfriend nitong nasira ay nagpasya na tutulungan niyang baguhin si Enoch para narin mabago ang buhay nito. Pero hindi niya aakalaing na makontak sya ng magulang ni Enoch na napag alaman niyang may sari-sariling pamilya na at sinusoportahan na lang ang pangangailangan nito dahil ayaw daw nitong tumira kahit kanino man sakanila. Ginusto daw nito na tumirang mag isa at pumayag naman ang mga magulang nito yun nga lang hindi pansin ng magulang ni Enoch na medyo nagiging masama ang ugali at nagrerebelde. Nagkasundo sila na magkita para ayusin ang buhay ni Enoch tungo sa pagbabago nito.

Maaga siyang pumunta sa lugar na napag kasunduan nila at matiyagang naghintay. Dumating na ang nanay ni Enoch at inumpisahan na nila iyon.

"Ahm, magandang araw po sainyo Ma'am . Pwede na po nating umpisahan to." Panimula niya.

"Maraming salamat Iha. Kaya kita gustong maka usap ay dahil sa anak ko, nabalitaan ko kasi na ikaw lang ang taong malapit daw sakanya kaya napag isip isip ko na makipag tulungan saiyo."

"Hindi naman po sa ganun. Actually nga po ay nadedehado ako sa mga pang aasar niya kaya ginusto ko naring mabago siya para naring walang ibang taong maapektuhan." Litanya niya at pansin niya na medyo bata pa ang kausap at hindi nalalayo ang mukha ni Enoch sa Nanay nito. Maganda ang nanay niya kaya paniguradong nakuha niya iyon para maging magandang lalake siya.

"Huwag na nating patagalin pa iha. Maano kaya kung maging boyfriend mo siya para naman maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Alam ko kasi kaya yan naging ganyan ay dulo't narin ng paghihiwalay namin ng Dad niya na lubos na nakaapekto sakanya. Napakatigas na ng puso niya ni ayaw na nga kaming makita pareho kaya nga pag may gulo yang kinasasangkutan ay palihim ko na lang na inaayos." Maluhaluhang litanya ng Nanay ni Enoch.

Parang lalo pang lumambot ng puso niya para kay Enoch. Napagtanto niya na kaya pala ganun na lamang ang inaasta talaga nito.

"Look, Efa right?" Tanong nito na sinabayan nya ng pag tango.

"Alam ko na ang lahat sayo. Pasensya ka na dun, lihim ko kasing pina iimbestigahan ang mga taong nagiging kaasaran niya o kaya'y malapit sakanya. At alam kong palaban ka may mabuting puso kaya ikaw ang magiging alas ko para maayos ang buhay ng batang iyon para narin matahimik ako at hindi na mag alala ng lubusan sakanya."

"Bakit hindi niyo po siya kausapin?"

"Ilang beses ko ng sinubukan iyon. Sa katunayan ay may kinausap na rin ako para magpatulong, uhm don't mind it na lang." Pagiiwas nito sa huling sinabi.

"Si Creena po ba?" Medyo nagulat ang huli at maya maya'y nakabawi din.

"Oo. Ganto kasi yun, pinakiusapan ko rin siya na baguhin si Enoch pero ang alam ko ay may boyfriend siya at ang sabi naman niya ay okay lang daw iyon, kinakailangan nila ng pera para sa pang araw araw na pangangailangan ng mga kapatid nya dahil nung mga panahong iyon ay natanggal sa trabaho ang tatay nito. Binigyan ko ng trabaho ang tatay niya sa kompanyang pag aari ko. Bilang utang na loob ay pumayag ito." Sabay inom ng tubig dahil parang bibigay ito emotionally. Ako naman ay nakatanga at nagugulat na lamang sa mga natuklasang iyon.

"Nung mga panahong sinusubukan niyang ayusin si Enoch ay nagkalabuan sila ng Boyfriend niya at hiniwalayan siya. Kinausap ko siya na itigil na ang ginagawa niya at ayusin na lamang ang relasyon nila ng kasintahan pero sabi nya naman ay okay lang. Hanggang sa pumutok ang eskandalong kinasangkutan nila ni Enoch at hindi niya yun kinaya. Na-depress ang batang iyon dulot ng mga nangyari sa boyfriend, issue about sa eskandalong kinabilangan niya and the last thing I knew ay itinakwil ng pamilya. Hinanap ko ang batang iyon upang matulungan sa panahong iyon pero huli na ng malamang kung nagpakamatay na ito." Ang madamdaming pagkwento ng nanay niya. Ramdam niya ang sinsiredad sa mga sinabi ng magulang ni Enoch at nakakaramdam siya ng kaunting takot dahil sa posibilidad na kaya din nitong gawin sakanya.

Half Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon