Chapter 8

38 2 0
                                    


Nagising si Efa na medyo nanlalabo pa ang kanyang paningin at mahapdi sa gawing braso at kamay sunod ay ang kanyang mga paa at napagtanto nya na nakagapos ang mga ito at sya ay naka-upo.

"Ahhhhh! Tulong" ang sigaw nya. Hanggang sa lumapit sakanya si John na may nakakalokong ngiti.

"Walang makakarinig sayo dito."

"Ano ba ang kailangan mo? Ano bang kasalanan ko sayo?"

"Ikaw wala, pero ang taong wiling wili sayo na pag-laruan ka ay meron?"

"Si Enoch?" Sabay tawa para pagtakpan ang grabeng takot at nerbiyos na nararamdaman nya.

"Oo sya nga! Dahil may atraso sya saakin. Ang gusto ko lang naman ay turuan sya ng leksyo at makahigante sa mokong na yun eh. Ang hirap lang kasing matsempuhan, then came you naisip ko na pwede kitang gamitin kasi ang alam ko ayaw nya na may nakikialam sa mga laro na gusto nyang gawin at eto ka." Mahabang litanya nya.

"Look John, hindi ko alam kung anung mga nangyari pero siguro hindi mo ako magagamit para makahigante sa taong yun. Isa pa hindi nya ako laruan para bilugin nya at paglaruan. I have my own life. Kaya pakawalan mo ako at pag-usapan natin yan dahil alam kung mabait kang tao. Isa ka lang tao na nagmahal, nabigo at nasaktan." I pleasingly said towards him.

"Alam mo ba ang pakiramdam ng namatayan na girlfriend dahil sayo na hiniwalayan mo?"

"Hindi, pero...."

"Pero ano? Hindi naman kita sasaktan Efa eh. Gusto ko lang na tulungan mo ako para makahigante."

"Para saan pa't tinali mo ako dito?"

"Para kusa syang lumapit saakin at ako na ang bahalang gumawa ng ibang hakbang. I just want your cooperation Efa. Please, stay still." Ang pakiusap ni John.

"I still don't understand why you are doing this?" Ang nalilitong tanong ni Efa.

"Okay, ganto yun........" Ikinwento ni John ang bawat detalye ng mga nangyari at sobra itong nadala ng emosyon nya at naintindihan ni Efa kung bakit ganun na lamang ang pagnanais na makaganti ni John dahil sa kasintahan nitong si Creena na nagpakamatay dahil sa sobrang depression na naramdaman dulot ng nangyari sa pamilya at pakikipahiwalay ni John dahil sa akalang niloloko lang sya ni Creena.

Matapos ang mahabang pagkwento ni John ay may narinig silang kotse na pumarada sa garahe ng bahay nila John.

"Okay, kuha ko na ang lahat. Pakawalan mo na ako at tutulungan kitang turuan ng leksyon ang mokong na yun." Pagkukumbinsi ni Efa.

Nakahinga ng maluwag si Efa ng makumbinsi nya ito na kalagan ang lahat ng lubid na nakatali sakanya. Inisip nya na tumakbo na lamang para matakasan ang lalaking ito pero nakaramdam sya ng awa at pighati sa mga naranasan ni John dahil sa kahayupan at katarantaduhang ginawa ni Enoch. Sa huli ay nagpasya sya na tulungan ito para narin pagbayarin ang mga kagagawan nito sa kanya.

Saglit na nag-usap si John at Efa para sa hakbang na gagawin nila.

"Okay Efa, alam kung si Enoch na yun dahil tinext ko sya na hawak kita at sasaktan pag hindi sya dumating."

"John, hindi tayo mananakit ng kapwa ha dahil wala narin tayong pinag kaiba sakanya pag ginawa natin yun."

"Hindi ko yun maipapa-ngako dahil baka hindi ako makapag pigil dahil sa mga ginawa nya.

"Kailangan mong kontrolin ang sarili mo."

Pagkatapos ng kanilang pag uusap ay napag pasyahan nilang ibalik sa dati ang kaganapan kung saan animo'y kunyaring nakatali parin si Efa. Lumabas si John at hinarap si Enoch.

Half Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon