Chapter 9

86 2 0
                                    

Enoch's Side story.

Binabagtas na ni Enoch ang daan pa-uwi matapos ihatid ang kanyang mga kasamahan. Saglit na itinabi nya ang sasakyan sa may daan at lumabas sya.

"Alam kong may natitira ka pang kabutihan dyan sa puso mo. Wag mong hayaang lamunin ng kapritsuhan mo sa buhay ang katiting na pag-asa na pwede ka pang magbago." Paulit-ulit na sumasagi iyon sakanyang isipan ang mga sinabing iyo ni Efa sakanya. Parang musika iyon na paulit-ulit na naririnig nya sa kanyang tenga.

Tahimik nyang pinag masdan ang kalangitan at tahimik na nag-iisip. "Buti pa ang mga bituin sa langit tahimik lang at palaging andyan." Hanggang sa bumalik sa ala ala nya noong bata pa sya.

Flashback...

"Nakikita mo ba ang mga bituin na iyon anak?"

"Opo."

"Pagnalulungkot ka ay tingin ka lang dyan sa taas, kahit mawala man ako ay dadamayan parin kita sa problemang kinakaharap mo. Susubukan kitang pasayahin sa pamamagitan ng pagkislap ng mga bituin."

Kasunod ng alaalang iyon ay ang pagpatak ng butil ng mga luha sa kanyang mukha. Sobrang hirap ng pinagdada-anan nya. Wala syang totoong kaibigan para pagsibahan ng lahat, ala syang pamilya na masasandigan, wala sya ng lahat ang tanging meron lang sya ay ang sarili nya na sandigan sa lahat ng problema.

"Bakit ba ganto na lang ang pakiramdam ko sa lahat ng pinag sasabi ng babae na yun saakin kanina. Ang sakit na maramdamang mag-isa ka, wala akong malugaran sa mga sitwasyong kainakaharap ko." Ang madramang tagpo sa buhay ni Enoch.

Panahon na ba para maisaayos ang lahat? Ano kaya ang desisyon na kaharapin ni Enoch sa kabila ng lahat ng mga realisasyon nya sa buhay? Magbago na kaya sya?

~T_T~~T_T~~T_T~~T_T~~T_T~~T_T~~T_T~~T_T~~T_T~

Nagulat si Efa habang papunta sya sa School nila ay bigla bigla na lamang syang hinatak ng mga kaibigan nya at pinipilit sya na mag-kwento.

"Hoy, Efa ano bang nangyari sayo?"

"Anong nangyari? Wala naman ah." Dipensa nya sa mga kaibigan nya.

"If I know pumunta ka kila John kahapon, anong ginawa mo dun?" Miles asked.

"Ah yun ba. Wala, may inasikaso lang akong mahalagang requirements sakanya para sa isang subject namin." I replied defensively.

"Alam mo may chika ako sayo. Yung about sa past ni Enoch." Jane stated.

"Teka girl...final ka ba sa information na nakalap mo?" Miles asked?

"Ano ba kayo guys. Just forget all of those dahil hindi naman yun makakatulong sa buhay nyo at tsaka hindi ako interesado sa buhay ni Enoch. O' sya guys malelate na ako sa first subject ko." I hurriedly ran before I've said it to them.

Half Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon