Chapter 12

15 0 0
                                    

__________________________________________________________

Sa araw na iyon ay masyadong nabagot si Enoch meron siyang ibang pakiramdam na may mga nangyayari na hindi niya alam. Subok nya na iyon dahil ang instinct niya ay hindi siya binigo kailan pa man. Kinuha niya ang mobile phone nya at dinial ang number ni Sam. Makalipas ang ilang pag ring ay sinagot nito ang tawag niya.

"Uy pare, napatawag ka. Ikaw ha hindi mo man lang naikukwento ang kaganapan sainyo ni Efa." Sam started teasingly.

"I'm not in my mood to tell a story Sam, just do me a favor kapalit ay ikukwento ko sayo ang lahat." He stated.

"Sige Pare, ano yun?"

"Pwede mo ba akong hanapan ng Private Investigator?"

"Bakit? Wala ka na bang tiwala sa GF mo at paiimbestigahan mo."

"Ano ka ba Dude! Its for personal matter. Ano mahahanapan mo ba ako?"

"Okay...okay...Meron akong kakilala kasi dati na kaming nagpa-imbestiga...alam mo na. Bigay ko na lang saiyo yung contact number niya."

"Thanks Bro. Tsaka ko na ikukuwento saiyo yung about dun samin ni Efa." Pagtatapos niya sa usapan ng nag-iisang kaibigan.

Matapos makuha ang numero ng Private Invistagator na binigay sakanya ay pina-umpisahan nya na ang pag papaimbestiga sa kanyang Mommy na alam niyang may dati nang ginagawa sakanya para mapatino siya. Alam niya ang ginawa noon ng Mommy niya, sinamantala nito ang kahinaan ni Creena para subukan sana siyang baguhin pero sa halip nga na mabago siya ay mas lalo niya pang pinasama ang ugali at ginawa ang mga nangyari nang nakaraan. Makalipas ang ilang oras ay may sinend itong larawan na kuha nito at laking gulat niya ng makitang si Efa yun at ang kanyang Ina, magkausap sila sa isang restaurant. Naisip niya na baka pinagkaka-isahan na naman siya ng mga ito. Parang nakaramdam na naman siya ng galit dahil ang alam niyang taong tangi niyang makakakampi ay ang tao pa palang gagamitin lang siya. Naisip niya na pumunta sa bahay ni Efa para ma-estima niya ito at baka sakaling makuha niya ang sagot sa mga tanong niya dito.

Pagdating nya sa bahay ni Efa ay wala daw ito at ang Nanay at Tatay nito ang kanyang naabutan. Pinahintay sakanya si Efa at matiyaga naman siyang nag antay na sa totoo lang ay naiinis na siya sa babaing iyon dahil sa nagawa siyang pag antayin. Makalipas ang mga tatlong oras ay dumating na ito at medyo gulat ang rumehistro sa mukha nito pagkakita sakanya at pinukol sya ng matapang ng tingin nito. Nagawa nya namang pakisamahan ang mga magulang ni Efa dahil ito'y mga makwento at kahit papano ay nakaramdam siya ng sense of belongingness sa mga ito. Dasal niya na sana nga lang ay hindi siya ginagamit ng mga ito para pagkakitaan tulad ng dating pamilya ni Creena na na-take advantage siya. Hindi niya inaalis ang posibilidad na pwede na naman maulit ang nakaraan dahil parang naaamoy niya na naman ang niluluto ng kanyang Ina sakanya. Napagpasiyahan na nyang umuwi dahil parang napapagod na rin na naman siya at parang hindi niya pa makukuha ang sagot na gusto niyang makuha.

Hinatid siya ni Efa sa sakayan sa lugar nila at naisip niya na kastiguhin niya ito nang baka sakaling hindi na siya mahirapan at sabihin na nito ang totoo. Sinubukan niyang ibahin ang mood niya na para bang into beastly mode na naman siya.

Pasensya ka na Enoch, hindi kami handa sa pagbisita mo. Hindi ka naman kasi nagsasabi." Ang sambit nito habang naglalakad sila.

"Saan ka ba galing? Bakit di ka sakin nagpaalam? Sabihin mo lang kung may iba ka." Madalim at matapang na asik niya at tinanong niya ito sa hindi derektang paraan.

"Sorry na." Ang tanging sambit nito.

"Be more careful next time. Pagnalaman ko na may iba kang ginagawa against me ay makakatikim ka saakin." Asik ka sakanya para masindak siya at baka sakaling hindi ituloy ang plano nila ng mommy ko para saakin.

Half Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon