Kung Palarin

5 1 0
                                    


Kung ako ay muling papalarin
Mga mali ay lilisanin
Tadhana ay babaguhin
Akin nang tatapusin

Kung noon ay nakagawa ng kasalanan
Maaari bang patawadin?
Alam kong dapat pagbayaran
Alam kong dapat pagdusahan

Sa mga rehas na bakal akoy nakayuko
Dumadalangin, Ama kailan ba palalayain
Ang buhay kong ito
Simula pagkabata ay pasan pasan

Nalulong sa masamang bisyo
Alak, sugal at ngayon naririto
Dahil sa aking nagawang kasalanan
Mga tao ay ayaw na akong pakisamahan

Siguro nga, siguro nga
Ako ay dapat nang katakutan at pandirihan
Akoy di na nararapat
ako ay di na nabibilang

Kalungkutan at kahirapan
Hindi patas na kalayaan
Iyan ang naging dahilan
Kung bakit lumaking salot sa lipunan

Sa mga kamay ng magulang ay naapi
Mga tao sa paligid ay walang pake
Lahat sila naging bahagi ng aking katauhan
Akoy nalulungkot, bakit dito ako nabilang.

Libro ng mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon