Ang maging maligaya ka sa iba

7 1 0
                                    

Maraming taon ang ating iginugol sa isat isa
Maraming sandali ang tumatak
At ngayon ay dahilan ng pagtulo ng luha sa mga mata
Hindi ba at sinabi mong tayo sa huli?
Pero bakit ngayon na kung kailan ay malapit na tayo ay staka ka bumitaw
Maraming panahong iningatan upang ating matupad na tayo ay sa kasalan ang hantungan
Ngunit ito na pala ang hantungan sa puso kong nawalan na ng tahanan
Ito na marahil ang pinaka mabigat at pinaka masakit
Panghihinayang, Sakripisyo at mga pagod
Ngunit ang pinaka masakit ay ang matagal na pagmamahalan na bigla na lang matatapos
Pano na ang bukas kung hindi na kita kapiling?
Sino na kaya ang magtatanggol tulad ng iyong ginawa sa akin?
Pano na ako babangon sa umaga kung wala ng dahilan upang mga gawain na siguradong magpapaalaala sakin sayo ay aking magagawa pa
Ayaw ko nang maisip pa dahil unti unti na nito akong uubusin
Magiging bago para sa akin na harapin ang mundo dahil mag isa na lamang akong haharap dito

Hindi na alam kung saan pupunta
Hindi na alam kung saan ang simula
Binilanggo ng kahapon
Luha ay natapon

Tulad ng mga pangarap natin
Itoy di na maisasalba
Hirap ako ngayon sa aking pakikibaka
Tumatak sa isipan ang mga ''SANA''

Ang nasa ay di na masusunod
Ang aking mga haka ay di na matutumbasan
Sapagkat ang iyong yakap, ang tangi kong tatandaan
Akoy tila nasa ilalim ...na ng kawalan

At bakit kailangan kong pagdusahan to
At ako ba ay karapatdapat sa kalagayang lubos kang minahal ngunit ngayon sayoy napopoot
At ating mga pangako, naging malabo
Saan ako tutungo, saan ako hihinto

Tila gahol sa oras
Akoy tila nauubusan na ng oras
Ang aking mga bisig nais kayang yakapin
Ang aking puso nais kang mahalin

Magulumihanan man ako
Masindak man ako
Wala na akong maibabato
Tila payaso, sa likod ng masayang mga muka akoy magkukubli

Sa bawat ngiti at mga luha
Aking maipagmamalaki
Panalo ako..panalo Oo talunan ako
Mahirap dayain ang sarili at papaniwalain

Oras na siguro ang magbibigay daan
Oras na siguro ang gagamot ng sakit
Oras na..tama na..tapos na
Ito na ang aking huling pamamaalam.

Libro ng mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon