Ang Sariling Hawla

6 1 0
                                    

Sarili ay balisa
Mga pangarap na nawala
Mga taong lumisan
Hindi na narinig pa mga tanging paalam

Ang mag isa
Ang pagkabigo
Ang kapighatian
Itoy lubos na sumisira sa tanging tahanan

Naisin mong maibalik upang mga kabiguan ay maayos pa
Ngunit sa panaginip patuloy na hinahanap ang sariling nawala
Patuloy na naghanap hanggang sa patuloy pa
At tuluyan nang nakalas ang turnilyo ng kaniyang balisang isipan

Tanging pag-aari ay ang araw at buwan
Hanggang sa maniwala sa sariling haka
Gumawa ng kaniyang tahanang yari sa mga bigong bahagi ng buhay
Pinagtitibay ng haligi ng mga bigong karanasan

Silang mga kinapootan ng tadhana
Pinaluhod ng mga problemang walang kayang bumuhat
Iniwanan sa ulanan at walang tumulong
Nilisan ang katotohanan at mas piniling makulong

Libro ng mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon