Dedicated sakanya kasi siya po ang ka una-unahang nag comment sa story na to XD XD Siguro, di niya na maalala itong story na to :'( Huhuhu.
{PART FIVE}
Kasalukuyan akong nagluluto ng tinola nang naramdaman ko na may yumakap saakin mula sa likod.
"Hmmm.. Bango ah." sabi niya.
Naramdaman ko na pinatong niya yung baba niya sa balikat ko.
Ngumiti naman ako. "Wait lang ah, malapit na matapos tong niluluto ko."
"Yes.. I can wait, don't worry."
Isinara ko muna yung kaserola at hinayaan na maluto yung tinola. Umikot naman ako kaya nakaharap na ako sakanya ngayon.
Nakapulupot pa rin yung mga braso niya sa bewang ko. I find it sweet.
"Nagugutom ka na ba?" tanong ko sakanya.
He kissed my cheeks. "Hindi pa naman. Pero nagugutom na ako kapag naaamoy ko yung niluluto mo."
Hinampas ko siya ng mahina sa braso. "Ikaw talaga." Ngumiti lang siya saakin. Hinawakan ko yung kamay niya at hinila siya palabas ng kitchen.
"Maya-maya pa yun maluluto. Tara nood muna tayo."
Tumungo kami sa sala at umupo na ako sa sofa. Tumabi naman siya saakin.
Bubuksan ko na sana yung T.V pero naramdaman ko na nakatitig siya saakin kaya tiningnan ko siya.
Tinaas ko yung isang kilay ko. "Makatingin ka jan?"
Nakangiti pa rin siya. "Wala, I love you." hinila naman niya ako at inakbayan.
Napangiti nalang din ako. Sinandal ko naman yung ulo ko sa balikat niya. Siya na yung bumukas nung T.V.
Tahimik lang kami nanonood habang nasa ganung posisyon. Hawak-hawak din namin yung kamay nung isa't isa.
Siguro iniisip niyo ngayon lahat ay okay na kami. Happy Ending na kami. At masayang-masaya na kami.
Pero truth is, hindi pa rin..
Isang linggo na buhat nung sinabi niya nga saakin yung desisyon niya na ako ang pinipili niya.
Isang linggo na din siya nagpaparamdam saakin.
Lagi siyang pumupunta dito sa condo ko ng dahil nga gusto niya ako makita. Hindi naman kami pwede magkita sa mall since baka may makakita saamin.
Tinigil na din niya yung pagpunta sa company namin like what he did recently. Ayaw ko kasi na may mahalata yung mga empleyado sa company.
BINABASA MO ANG
Playboy♥Nerd [Short Story Completed]
Short StoryA short twisted love story about a playboy and a nerd... Happy Ending or Not? All Rights Reserved 2012 © wannabeangel