Epilogue: Forever And Always

9.3K 252 44
                                    

Author's Note: Hay grabeeee!!! Ngayon lang ako nakapag UD T____T Lampas isang buwan na naman huhuhu :'( 

Ewan ko ba, matinding writer's block itong nararanasan ko. 

Weeks ago ko pa to nasisimulan seriously, pero ngayon lang natapos. 

Wag masyadong mag-expect please? Baka ma-disappoint kayo. Huhu. Somehow, I did my best writing this epilogue. 

Maraming salamat po talaga sa mga nagbasa at nagustuhan ang maikling storya na to. Kahit mabagal update at napaghintay ng sobra, salamat po talaga :) 

I LOVE YOU GUYS! MWAHMWAHCHUPCHUP :** 

^Dedicated Sakanya for saying na pwede na gawing movie to. waaa, na touch naman ako dun! Hahaha =)) Salamat po! <3

{PLAYBOY♥NERD FINALE}


"Love is pain.."

[Sarah's POV]

"Please wear your seatbelts and prepare for our departure."

Pagkatapos sabihin ng speaker dito sa airplane yun, sinuot ko na nga yung seatbelt ko. Sumandal ako sa aking kinauupuan at pinikit ang mga mata ko.

Naramdaman ko na umaandar na yung eroplano at nag re-ready na sa paglipad. Pagkatapos akong kausapin ni Myel kahapon, nagdecide ako na umalis na at pumunta kaagad ng Dubai ngayong araw na to.

Ayoko na kasi siya makita...Ayoko na silang makita.. Lahat sila na nagbibigay ng sakit sa puso ko. Gusto ko nalang tumakas sa sitwasyon na ito.

Naalala ko naman yung mga memories namin dati ni Keith...We were surely very happy. We had our almost perfect relationship..kung hindi lang siya naaksidente..masaya pa rin sana kami.

Hindi sana kami nagkahiwalay..

Hindi sana siya magmamahal ng iba..

Hindi sana siya magpapakasal sa iba..

Hindi sana magiging kumplikado ang lahat para saamin..

at lalong-lalo na..

Hindi sana siya magkakaanak sa ibang babae.

Naramdaman kong parang sinasaksak na naman ng paulit-ulit yung puso ko.

Ganun na ba talaga niya minahal dati si Myel to the point na nagawa na nila yung bagay na yun?

Naalala ko yung sinabi niya saakin dati...

"I love you and I'm choosing YOU. Can You please give our love a chance?"

Madali lang naman bigyan ulit ng pangalawang pagkakataon ang pag-iibigan namin eh.. Pero, ang sitwasyon ang nagpapahirap saaming dalawa. Parang tadhana na mismo ang nagsasabi na wag na kaming umasa at itigil nalang namin ito.

Playboy♥Nerd [Short Story Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon