CHAPTER 1 - UNANG PASABOG SA PAARALAN

29 1 0
                                    

Unang araw, bagong simula. Sinong magaakalang magkakaroon ka agad ng kaibigan? Oo nga pala hindi pa ako nagpapakilala. Ako si Kendra, Kendra Punyeta. Ako ay nasa kolehiyo na. Matangkad, maputi, di naman kagandahan pero tinitilian ang flying ipis na feeling butterfly. Nagaaral sa unibersidad ng mga may lakad. At may baon na akala mo pang elementary lang. Magaling ako sa Social Studies at Kalokohan. Favorite song ko ang Narito ako ni Regine Velasquez pero sa sarili kong version. Ngunit, wag mo nang tangkain pang pakinggan kung ayaw mong makita ang sarili mong lumuluha hindi sa tuwa kundi sa inis.


Sumakay ako sa isang pampublikong sasakyan. Nagbayad ng sampumpiso at sinabing "Manong bayad! Estudyante." inabot ng matandang babae ang aking bayad. Pagkabalik, laking gulat kong piso nalang ang binigay. Nasaan ang hustisya? Nasa paa nalang ba ni Cinderella? Hindi ko nalang pinansin at baka lumaki pa. Baka kasi kasing laki na ng pwet at boobs ni Nicki Minaj ang pangangailangan nya. Mahaba ang biyahe, kasing haba ng buhok ni ate na halos gawin ko nang agahan dahil sa hangin. Hindi man lang nya pinapansin at feeling nya nasa stairway to heaven ang peg nya. Tinalo pa ang formation ng lumubog na bangka. Ano nga ba ulit yun? Ah basta! Wala rin namang may pakielam.


Natapos ang biyahe sa tapat ng police station malapit sa katabing paaralan nang aming unibersidad. Madaming tae. Taeng nagkalat na akala mo ngayon lang nagkita kita. Mga taeng may limampung bunganga na tila ba pinaglihi ng pwet ng manok. Mas mabilis pa ata sa rap ni Eminem ang pagsasalita at paghiyaw pagnakikita nila ang mga hipon nilang crush. Sounds bitter right? But I'm just saying the truth. May narinig akong sumigaw 'ABComm 1-A, AB Comm 1-A' agad akong napatingin. Ito ang klase ng mga tao ang makakasama ko sa limang buwan? Paano ako magkakaroon ng peace of mind nito? May isang hitad na nagsasabing 'Im pretty' ng paulit-ulit na pwedeng pwede na syang mamatay. Nakaiinis. Dapat talaga nag-HRM nalang ako atleast may mga taong pwedeng pagpantasyahan ng patago. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Ito na ang mga taeng makakasama ko. Let's face the music.


Pinapasok kami sa loob ng covered court. May orientation pa daw. May mga kung anong kalandian ang sinabi. Pero in the end ang tanging maririnig mo nalang ay 'Welcome to College'


Unang araw. Unang dalubguro. Unang taeng nagkwento ng kabihasnan ng paglalakbay niya mula sa Cubao. Kesyo nagkanda letche letche ang lakad nya dahil sa traffic at walang wifi sa bus. Ano pa bang aasahan mo? Mga ugaling elemntarya at highschool ay dala dala pa din. Hindi ko na naintindihan anv pinagsasasabi nya dahil wala naman talaga akong pake. Nasa likod ako, walang kaibigan at still, walang pake. Sino ba naman ang makikipagkaibigan sa singganda ni Marian Rivera? Syempre dapat mala Dingdong Guantes yan! Habang nagkukukuda ang tae sa harap. May isang grupo ng mga kupal na nakikipagkwentuhan sa gurong ni isa atang lesson ay walang maituturo sa akin. Sila ang mga ubod ng papansin at ako ang taong walang pakielam sa sinasabi nila. Impokrito. Mga pinesteng punyatera na tila ba nginudngod ang sarili sa sandamukal na droga. Ewan ko ba. Sadyang inis ako sa kanila. Sila siguro ang una kong hindi makakasundo dito. Atleast may mga tao nang gagawing masaya ang semestre na ito.


Lumipas ang tatlong oras ng walang kabuluhang paguusap tungkol sa Kabihasnan ng Cubao. Medyo na-bore na ako. Maya maya may kumausap na sa akin. Siya daw si Rodel, Rodel Burdado. Habang pinakapakilala siya, hindi ako nakikinig. Wala naman kasi akong pakielam sa talambuhay niya. Pero atleast may isa na akong makakausap sa mga kalokohan ko. Habang nagsasalita. May narinig ako. "Poooooot..." isang tunog na pamilyar ako. Tumahik ang lahat. Lahat at ay nagiisip. Lahat ay nagulat. Lahat ay.... Namatay. Walang nagtatangkang magsalita. Pero may isang makapal ang mukha ang nagsalita. 'AMBAHO! SINO UMUTOT?!' tila ba late bloomer ang ganap. Lahat ay tumawa hindi dahil sa utot kundi dahil sa kanya.


Mabaho. Mabaho ang amoy. Ito ang amoy na tila pinapatay ka ng unti-unti. Ang amoy na hindi mo tatangkaing kalabanin. Ang amoy na malakas ang hagod. Ang amoy na hindi kanais-nais. Ang amoy na mapapasabi ka nalang ng 'AMOY UTOT NA BA KAYO?'


Wala na. Ang galit at inis ko ay napalitan na ng tuwa at galak. Mukhang magiging masaya ito.

Frankly my dear, IDGAF :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon