CHAPTER 2 - LUGAW WARRIORS, OTG.

23 1 0
                                    

Sa wakas uwian na. Makakalabas na rin ako sa impyernong pinasok ko. Pero hindi pa rin maalis sa isip at ilong ko ang mala-utot bilanggong pinakawalan ng isa sa mga taeng nakasama ko. Eksakto! Linggo pala ngayon Didiretso muna ako sa simbahan para mabawasan naman ang mga kasalanan ko. Oo 'mga kasalanan' aminado kasi ako na marami talaga. Heto na! Nandito na ako sa simbahan. Hindi ko inaasahan ang dami ng tao. Parang dumalaw ang Itim na Nazareno at naglabasan ang mga deboto. "Magsitayo po ang lahat" Wow Father! Kanina pa standing ovationang drama namin dito nakuha mo pa kming patayuin. Subukan niyo kayang magdagdag ng upuan para mapatayo't upo mo kmi.


Ewan ko ba kung bakit iritable ako ngayon. Pati ung nakamake-up na pari pinapansin ko. At ung, at ung pilingera kong kaklase nandito rin pala. Nagsama pa ng apat na alagad. Siya si Mau Hali. Siya ung baklang paulit-ulit na nagsasabi ng 'I am so pretty.' Aba't nakuha pang kumaway sa'kin. Dahil nasa simbahan kmi nginitian ko sya na parang ngiti ni Chuckie sa 'Child's Play' sabay balik ang tingin ko sa pari.


"Ohhhhhh! " Bigla akong napasigaw sa isip ko. Kung malawak imagination mo alam mo un. May dumaang Yummy Mighty Meaty Hotdog. Este. Lalaking gwapo, macho, maputi, at higit sa lahat mabango. Buti nalng napalitan na ng amoy ni kuya ang utot na pinasabog ng kaklase ko. Anyways, ung tipong un ang dream guy ko. Letse si kuya hindi tuloy ako makapagfocus sa misa.


"Humayo kayo... " Sa wakas natapos din ang misa. Ayun naman ang hinihintay ng mga mapagkunwaring nakikinig sa misa. Kuntodo kanta at dasal pa wala namang natutunan. Sa malapit sa simbahan may nakita akong lugawan. Kakaupo ko pa lang umorder na ako ng lugaw na may tuwalya. Ung literal na tuwalya kung meron man sila pinagpapawisan kasi ako sa kaHOTan ni kuya na nakita ko kanina. Habang chinecheck ko ang cellphone kong Nokia 3310 biglang may mala halimaw na boses na tumawag ng pangalan ko. "Kendra! " Punyeta, kakain din yata sila ng lugaw. "Oh, kakain din kayo? Confirm! Makakasabay kong kumain ang ambisyosa at ang mga alagad nya.


Sa init ng lugaw na tinakal ni ate gamit ang tabo na kinakain namin, hindi pa rin matigil ang bunganga ni Mau sa kakakuda. Ansarap busalan ng lumpiang kinakain ko. Hindi ko pa masyadong kilala ang apat nyang alagad. Pero kumpara sa kanya mas matino pa silang tignan. Pero may pagkakapareho rin pala silang 5. Mahilig sila sa lugaw. Mga lugaw warriors pla itong mga to. Ginagawang tubig ang lugaw. Higop lng ng higop na parang aagawan.


Natapos na akong kumain sila may round 3 pa. Mga sabik sa lugaw. Sa isip-isip ko ''eto na mahihiwalay na ako sa lugaw warriors. '' Tuluyan na akong nagpaalam at sumakay sa jeep na maladisko ang tugtugan. Pumwesto ako sa tabi ng driver na di naman yummy. Tumabi ako para makita talagang nagbayad ako at di pagkamalang nag123. " Kuya bayad po. Estudyante pipiliting mag-aral ng mabuti. Diyan lng sa Silang ph5." Tinignan ako ni kuyang driver mula ulo hanggang paa sabay sabi., "Ayy biyaheng Kiko ako." Punyeta, anak ng tokwa mali pala nasakyan ko...

Frankly my dear, IDGAF :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon