Chapter 03: Umpisa ng Pagkakaibigan

12 0 0
                                    


Haaaaaaaaay (-_-) umaga na naman. Gising na naman ang pinakamagandang dyosa sa balat ng chichirya! Pwe! Teka anong oras na? Hala! Male-late na pala ako sa physical science! 06:30am na! May 30 mins. Pa ako, kaya ko 'to! Bibilisin ko lang ligo ko! Grrrrr! Ang lamig ng tubig letche! Parang may yelo 'di ko magawang ibuhos sa katawan kong pang-ilalim ng dagat. Buti pa sa dagat yung mga sapsap hindi giniginaw. Sabon dito! Sabon doon! Banlaw mukha! Banlaw kili-kili! Hugas ano...hahah! Huwag mo nang alamin kung ano yung "ano" nay un baka malula ka lang. Sa wakas! Tapos na maligo *wet look* ano bang kailangan kong isuot ngayon? Oo nga pala! May p.e pala kami ngayon. Thursday kasi eh. Ano rin kayang magandang shade para sa kilay ko? Black or brown? Ay brown nalang para mas mukhang dyosa ako. Konting foundation. Dalawang pasada ng lipstick at.....tada! Para na akong magco-concert nito. Daig ko pa si lady gaga na nagsasabing "i live for the applause..." hahah echosera! Pero ako hindi lang dapat applause ang gagawin nila. May sigaw na halos maputol na ang ugat sa leeg nila at standing ovation pa! Oh ha? Saan ka pa? Kay kendra poon yetta ka na! Yari sila kapag hindi nila ginawa yun! Gagawin ko silang ginataang hasang! Ang sama ko ba? Syempre joke lang yun! Mabait kaya ako.

"oh bagong silang kaliwa! Kanan! Almar! Zapote! Aalis na 'to! Sigaw ng kuyang nagpapasakay ng pasahero. Siguro pwede kong gawing alarm clock 'tong si kuya para magising ako nang maaga dahil sa lakas ng bunganga nya! Pero nagbago na ang isip ko 'wag nalang pala (-_-) mukha kasing hindi nagto-tooth brush si kuya eh. Amoy kahapon pa! Pagsampa ko sa jeep, sakto may isang pang bakante. Buti nalang sexy ako para magkasya. Hala?! 06:50am na! Tiwala lang aabot pa ako. Naku! Strict pa naman pa naman yungg prof. Naming sa physical science. Wala nang tatalo pa sa pag-ipit ng labi nya sabay tingin nang patagilid at 'di na makita yung labi nya sa pag-ipit nya. Di ba sya nasasaktan? O baka way nya yun para magpa-cute? Kahit ano namang gawin nya wala padding magbabago. (-_-) okay...mabait pala ako. Muntik ko nang makalimutan. Kasisimba ko lang nung isang lingo tapos may kasalanan agad ako. Hay naku! Problemahin ko na nga lang sarili ko. Nga pala! May quiz pala kami ngayon about convertion ng unit of measurement at temperature. Bahala na! Kung walang alam, edi wala! Anong pake ko? Ganito na ba talaga ang college life? Gabi ka na nga umuwi, maaga ka pang papasok kinabukasan? Aba! Tara bigti! Pero wag nalang. Gusto ko pang irampa ang kagandahan ko no!

"oh ucc! Ucc!" Sigaw ng driver. Sa wakas! Nandito na ako sa school! Pagbaba ko, nawala na poise ko sa paglalakad. Lakad alimango, hingal kabayo! Pagkatingin ko sa oras, 6:59am na! Hala sige! Kumaripas ako ng takbo. Pagkatingin ko sa pintuan, kasabay kong pumasok yung prof. Naming at nag "good morning" ako nang parang wala ng hininga sa sobrang hingal. Pagkaupo ko diretso pa-quiz agad sya. Pagkabigay ng papel.....juice colored! Nakalimutan ko na kung paano mag-convert! "okay class, lalabas lang ako saglit. You still have 1 hour to answer that. Walang magkokopyahan!" Sabi ni prof. Ipit-labi. Sa wakas lumayas sya. Este lumabas pala. Buti na isipan nya. Pero hindi ko padin alam kung paano 'to sagutan. Leche! Buti pa 'tong katabi katabi ko parang relax lang. Tahimik sobra! Pero medyo ang weird nya ah. Simple nyang babae. 'di mo makikitaan ng kalandian. Pero bakit nakatulala lang sya? Nag-iisip ba 'to ng sagot o wala ring alam katulad ko? May alam naman ako. Sa ibang larangan nga lang. Kung sexy ako, mas sexy 'tong katabi ko, saksakan ng payat eh! Pero bagay sa kanya yung pagkapayat nya. "hi! Alam mob a yung gagawin dito?" Tanong ko sa babaeng weird. "ah, hindi ko rin alam kung paano eh. Konti lang natatandaan ko" sagot niya. Siya si shelley, shelley belly. Since mas sexy sya kaysa sa akin, patatabain ko sya sa pangalan nya. "gusto mo tulungan tayo?" Pumayag naman ako. Nagtulungan kaming dalawa para masagutan 'tong lecheng quiz slash seatwork naming. Kahit sinabi niyang walang kopyahan eh halos lahat nagiging giraffe na sa kakakopya. Buti pa kami ni shelley belly kahit nagkokopyahan este nagtutulungan pala, nagso-solve kaming pareho at hinati naming yung items para hindi kami mahirapan. Teka! May internet pala ako sa phone ko. 'di ko naisip pwede palang mag-search ng formula! Bakit ngayon ko lang naisip! Urgh

natapos na rin ang mala-impyernong pagsasagot. Minumura na ako ng tiyan ko. Sabay narin kami ni shelley belly lumabas para kumain. "saan tayo kakain kendra?" Tanong nya. "kahit saan beh! Basta nagugutom na ako" sagot ko sa kanya. Bigla syang tumawa. Ewan ko ba. Wala namang nakakatawa. Ang weird talaga ng babaeng 'to! 'Di mo alam kung anong iniisip parang timang lang? 'di bale lalo lang akong mababaliw kung iisipin ko pa. Pumasok na kami sa isang carinderia. Laking gulat namin nang makita naming halos lahat ng kaklase namin kumakain dito. Pati yung grupo na papansin at kinaiinisan ko nandito rin! Ewan ko ba! Bakit ayaw ng beauty ko sa kanila? Maya-maya may tumawag kay shelley belley. "uy shelley! Kanina ka pa naming hinahanap!" Sigaw ni mau hali. Naisip ko bigla na isa pala si shelley belly sa mga alagad ni mau hali. Kasama nya as usual yung tatlo pa nyang alagad. Yung isa, babaeng nakasalamin at maikli ang buhok. Yung isa naman parang tinapyas na pinya ang buhok at yung isa naman selfie ng selfie at halos pakasalan nan ya ang iphone 2g nya (-_-) ngayon ko naalala na sila pala yung nakasabay kong kumain ng lugaw nun. Ito naming si shelley belly naging energetic nang makita sila mau hali. Samantalang kanina parang ewan lang. Umupo kami sa table #03 kung saan sila mau hali nakaupo. Sumabay na rin ako total sila palang kilala ko ditto. "anong order nyo?" Tanong ni ateng taga-carinderia. "ako po hotdog with rice" sagot ng babaeng nakasalamin. Parang bata yung boses na nakakairita! Pero maganda sya. "ikaw talaga baby ang hilig mo sa hotdog" biglang singit ng lalaki na ewan mob a kung lalaki talaga o kalahi ko rin na mukhang tinapyas na pinya ang buhok. "syempre baby, mighty meaty eh" sagot ng babaeng nakasalamin. Ano ba 'tong dalawang 'to? Magsyota? Bakit baby tawagan nila? Nevermind. Sya si joana, joana banana nalang kasi mahilig sa hotdog. Ang panget naman kung "joana hotdog" di ba? Kaya banana nalang para hindi bitin hahah! At ito naming mukhang tinapyas na pinya ang buhok eh huge fan kono ni bruno mars. Paano ko nalaman? Wala, na-detect lang ng "gaydar" ko haha syempre joke lang sira ang gaydar ko ngayon. Nakita ko kasi yung background ng phone nya. Sya si jeii, jeii mars. Siguro puro bruno mars ang kanta nito sa playlist nya? Sabi na nga eh! Obvious naman. Patugtugin ba naman ang "treasure" habang kumakain? Bastos na bata. Alam naman nyang kumakain kami di ba? Echos. Ako din naman siguro kung makakarinig ako ng kanta ni mariah carey sasabayan ko yung tugtog. "guys picture!" Hirit nung isa pang alagad ni mau hali. Siya si wilfred. Oh diba pangalan palang lalaking-lalaki na? Actually mahaba ang.....ang tunay nyang pangalan nya syempre! Since very masculine ang pangalan nya parang si gingerbread boy. Tatawagin ko nalang sya sa pangalang "wilfred gingerbread". Hmmm bakit nga kaya puro squares na plato ang gamit ng carinderiang ito? Ang bobo ko kaya pala "square plates" ang pangalan ng carinderiang 'to. Galling na ako sa labas hindi ko man lang napansin yung karatula ng carinderiang pinasukan naming. Si shelley kaya napansin nya yun? Aba't bigla nanamang nanahimik ang babaeng ito. Seryoso sa kinakain nya. Medyo sungki ang ngipin nya haha! Ngayon ko lang napansin. Pero in fairness hindi sya maingay kumain. Idol nya si kim chiu. Paano ko ulit nalaman? Syempre manghuhula ata ang lola nyo hahah echos lang ulit yun! Wala lang. Ka-shape kasi nya yung mukha ni kim chiu. Natapos na din kaming kumain. Wait lang, magre-retouch ulit ako. Haggardo versosa na ang peys ng dyosa. Maya-maya napansin kong nakatitig yung mga kasama ko sa akin. "ay sorry. Okay na ako" sabi ko sa kanila. "saan tayo mga beh?" Tanong ko naman sa kanila habang nag-aayos ng bag. "sa covered court daw" sagot ni jeii mars. "tara na guys. Nandoon na ata yung prof. Natin" sabi naman ni wilfred gingerbread. Since sa covered court lang kami tuwing p.e subject, patag lagi ang uupuan naming obviously sahig lang yun. Maagang natapos ang klase namin kaya may time pa akong lumandi. Sabay-sabay na rin kaming lumabas ng school. Kasama ko parin sila joana, jeii, shelley, wilfred, at mau.

"guys kain ulit tayo dali!" Pangungulit ni joana. "ayun oh! May ensaymada!" Sabi naman ni mau. "anong ensaymada? Empanada! Bakla ka!" Kontra ni jeii. Natawa ako sa kanila mukhang nagugustuhan ko nang sumama sa kanila. "basta may em- at da- sa dulo yun nay un!" Pinaglalaban ulit ni mau sabay ngiti at kumikislap pa ang retainer sa sikat ng araw. Samantalang may pinaguusapan naman sila shelley at wilfred sa likuran ko. Nagtaka ako bakit biglang nalungkot si shelley at parang iiyak na. Anyways, ngayon ko palang naman nakasama 'tong mga baklang 'to. Marami pang araw para makilala ko sila at sa tingin ko umpisa na ito ng pagkakaroon ng matres este kaibigan. Mukhang magiging masaya 'to pero still wala padin akong pake.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Frankly my dear, IDGAF :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon