Chapter 10

3 0 0
                                    

Shaneya's P.O.V

     "Oo Jasper maniwala ka sa akin. May binanggit siyang Tiffany. Rinig na rinig ng dalwa kong tenga.”

     “Hala. Paano na ako?” Ang mukha niya’y nakasimangot na parang natalo siya sa lotto. Akala naman niya girlfriend siya ni Kelvin. Landi talaga.

     “Ang alda mo!” Hindi na lang siya umimik bagkus ay naglakad na lang. Sa kwento ko sa kaniya,  naging malumanay bigla ang baklang 'to. Ni hindi siya interesado makipag-chismisan dahil curious pa rin siya kung sino si Tiffany sa buhay ng bebe Kelvin niya. Haysst.

     Dumaan muna kami sa Wang’s Coconut Farm bago pumuntang school. Hindi na pumasok si Jasper sa Wang’s Coconut Farm bagkus ay nanatili na lang siya sa gate. Kaya naman, ako na lang ang pumasok dahil may mga pinabibigay na handa si Tatay kay Manong Rey. May bitbit akong pancit at sumang kamote.

     “Manong Rey?” Walang sumasagot kahit nakailang tawag na ako. Sa lawak ba naman ng farm, ang hirap talaga hanapin ni Manong Rey.

     Wala pa din ang mga trabahador kaya nakakapagtaka. Bakit bukas ang gate eh wala pa namang tao? Para makasiguro, isa-isa kong nilapitan ang unang kubo pero walang tao. Sa pangalawang kubo, wala ring tao. Hindi na sana ako pupunta pa sa ikatlong kubo kaso may nakita akong tsinelas mula doon.

     Nakaramdam ako ng kaba. Kung ano-ano ang naiisip ko kaya nilapitan ko na ito para makasigurado.

     Hayst, lagi na lang siya ang bumubungad sa akin, si Kelvin na parati na lang lasing. Hindi na ako magtataka. Ginawa na niya atang tubig ang alak.

     Nadatnan ko si Kelvin na wala siyang suot na damit o jacket, tanging naka pantalon lang ito. Ngayon ko lang napansin na malaki ang katawan niya. Tapos may nakita akong tattoo sa dibdib niya. Magulo ang buhok nito at may malalaking eyebags.

     Nakahiga ito sa kubo, natutulog.

     “Ano ginagawa mo d’yan?” Iyon ang tanong ko nung bigla niyang minulat ang kaniyang mga mata. Nabigla siya sa presensya ko kaya agad itong napalunok at dali-daling tumayo. Na-guilty tuloy ako kasi parang naistorbo ko siya sa pagtulog niya. May hang-over pa naman.

     “Ako dapat ang nagtatanong niyan kasi amin ‘tong Farm. Bakit ka ba nandito? Istorbo eh!”

     Hindi ako makatingin ng ayos sa kaniya dahil sa hubad niyang katawan. Feel ko naiilang ako.

     “M-may ibibigay kasi akong mga pagkain kay Manong Rey. Baka hindi ka pa nag-uumagahan, kainin mo na lang ‘to,” alok ko sa kaniya dahil napansin kong parang gutom siya.

     Amoy ko na naman ang alak. Hindi na siya nagsawa sa alak. Ginawa ata niyang tubig ang dapat na alak lang. Nung pinagmasdan ko naman ang sahig ng kubo, nagkalat naman ang mga gamit ng sigarilyo.

     “At sinong may sabing kakainin ko ‘yan? Kulang naman sa lahok, wala pang lasa.”

     "Ang sama talaga ng-“

     "Ugali ko? Alam ko. Oh ano, may sasabihin ka pa?”

     Pinaalalahanan ko na agad ang sarili ko na kailangan ko ng mahabang-mahabang pasensya kapag itong lalaki ang kausap ko. Nakakapikon man, wala eh, kailangan ko siyang pakisamahan. Kaya ito, kailangan kong maging mahinahon kahit gusto ko sumabog.

    “Hindi ka ba papasok ng school?” Sa pagkakataon na iyon ay nagtagpo ang mga mata namin kaya muntikan ko ng mabitawan ang mga hawak kong plastic na naglalaman ng mga pagkain. Ewan ko, siguro kaya ganun ang reaksyon ko eh kasi nakakatakot ang mga tingin niya. Para siyang kakain ng tao.

     “Nanay ba kita para tanungin ako niyan?” Ang suplado talaga niya. Galit ba siya sa lahat ng tao sa mundo? Ni isang salita wala siyang nasabing matino. Haysst.

     “Siguro naman may karapatan akong sabihin ‘yon kasi President  ako sa room,” sagot ko agad sa kaniya. Itong lalaki namang ito, bigla na lang akong tinawanan.

    "Pero wala tayo sa school. Umalis ka na, gusto ko mapag-isa.”

     Grrr. Ngumiti na lang ako at nilapag sa lamesa ang pagkain bago umalis sa harap niya.

     Ano bang pinaggagagawa niya sa buhay niya? Halos araw-araw na lang siyang alak.

     "Hindi ko pa nga uli nakakausap si Manong Rey eh. Siguro sa isang araw na lang,” sagot ko kay Jasper habang naglalakad na kami ngayon sa pathway papuntang classroom.

     Walang imik si Jasper, iniisip pa rin kasi niya 'yong tungkol sa Tiffany. Haysst.

    “Hi Shaneya,” bati sa akin ng isang lalaki, si Kennedy.

     Si Kennedy ang kilalang magaling pagdating sa Basketball kaya marami din ang humahanga sa kaniya. Hindi naman siya ganun kagwapuhan pero mabait siyang tao. Palagi naman itong bumabati sa akin kaya nga one time may nagalit sa aking babae dahil papansin daw ako sa bebe Kennedy niya. Eh hindi nga ako interesado sa mga lalaki eh. Never pa ata akong nahulog sa isang lalaki.

     “Hello,” bati ko sabay kaway. Nginitian naman niya ako. Napatigil naman ako nung tinabig ako ni Jasper sa gilid.

     “Kahit naman pala dugyot ka, nagiging atrractive ka din sa paningin ng mga kalalakihan." Ewan ko nga sa iba. Ni hindi naman ako katulad ng iba na maraming skin care products, pala-ayos at laging maganda. Ni ang putla nga ng labi ko tapos hindi pa nagpupulbo.

     Pero totoo naman eh, mas maganda ang natural.

     “Ikaw lang naman hindi eh,” asar ko kay Jasper. Agad naman ako nitong naitulak na tila diring-diri sa akin.

    “Yack!!” Kung maka-yack naman siya, para talagang diring-diri siya sa akin. Ang bargas talaga ng baklang ito.

    Hindi pa naman time ng klase kaya nung nakaramdam ako ng pag-ihi, pinauna ko na sa room si Jasper.

    "Mauna ka na sa room, Jasper. Mag C. R lang ako.” Tumango lang ito kaya agad na akong naglakad pakaliwa para pumunta sa C.R.

    Hindi pa nga ako nakakapasok ay amoy ko na agad ang kakaibang amoy. Buti na lang talaga at mabango ang shampoo sa bahay. Pinangtaklob ko nalang itong buhok ko sa ilong. Bakit ba kasi ang burara ng ibang babae gumamit ng C. R.

     “Huy Madrid!” Agad akong napatalon sa gulat sabay sigaw. Shet! Para siyang multo na basta na lang magpapakita. Kahit kelan talaga, simula nung nakilala ko ang lalaking ito, halos mamatay na ako lagi sa gulat. Kung may sakit lang talaga ako sa puso, siya ang dahilan kung bakit ako mamamatay ng maaga.

     “Bwisit ka! Bakit ba sulpot ka ng sulpot? At saka bakit andito ka sa banyo ng mga babae? Ang manyak mo talaga!”

     Ngumisi ito na parang nasisiraan siya ng ulo. Sa ngisi niya ay napayakap ako sa sarili. Nakakatakot talaga siya.

     Teka bakit andito siya sa school? Hindi ba may hang-over nag mokong na 'to? Ang astig din niya ha, pumapasok kahit may hang-over.

     “Ang dami mong tanong masyado. Ano? Sure ka ba talaga na gusto mo akong maging kaibigan?” Amoy ko ang hininga niyang amoy alak kaya umatras ako.

     Natauhan ako bigla nung nag sink in naman sa utak ko ang sinabi niya. Tila hindi ako makapaniwala.

     “Oo, bakit?”

     “Fine. Okay. Dahil kaibigan na kita, simulang mo na akong gawan ng essay with 1000 words dahil parating na si Maam.”

     "What?”

     “May reklamo ka?”

     "Wala. Madali lang naman ‘yon eh.”

     Ang utak talaga ng Kelvin na ‘to. Kung hindi lang talaga kita alaga, siguro kanina ko pa ‘to nasapak. Pero wait? Tama ba ang narinig ko? Gusto na din niya ako maging kaibigan? Edi goods, at least magiging malapit na kami sa isa’t isa, mapapatino ko na din siya.

     Ang tanong, mapatino ko nga kaya siya?

Love Is Greater Than Hate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon