Chapter 20

4 0 0
                                    

Jasper's P. O. V

Kanina pang bad trip itong kaibigan ko. May ichichismis lang naman ako about doon sa estudyante mula sa kabilang building pero itong si Shaneya, galit na agad. Sasabihin ko lang naman na nabuntis ang isang Grade 10 student pero 'wag na lang at baka masampal ako nito ng wala sa oras.

Nandito kami ngayon sa YES-O Garden para sa isang meeting about sa Clean-Up Drive. Sobrang busy talaga namin ngayon. Puro meetings para sa mga upcoming activities at project. Mas lalo tuloy nagiging haggard ang kaibigan kong 'to dahil ang dami niyang Organization.

"So magkakaroon ng Clean up Drive next week. We need to be in the location at exact time because we don't have any free time to do it. Understood? Bawal ang late. Thank you." Halos lahat kami ay tahimik na nakikinig kay Shaneya habang ang secretary naman ay mabilis na nagsusulat para sa reports.

"Yes Shaneya!" Bumalik muli kami sa mga ginagawa namin. Ako ang naglilista ng mga tools na gagamitin, ang ibang officers naman ang gumagawa ng announcement at ang mga kapwa HUMSS naman namin ay kaniya-kaniya ng paglilinis sa katabing Garden.

Kapansin-pansin talaga ang seryosong mukha ni Shaneya hanggang sa maya-maya nga lang ay bigla nitong nilapitan si Kelvin na nakaupo lang, tila may sarili itong mundo.

"Ka-group kita 'di ba?" Seryoso at talagang parang mangangagat si Shaneya kaya naman nasa kaniya na naman ang tingin naming lahat.

Agad na lumingon si Kelvin dito at kumindat pa.

"Leader ka tapos hindi mo saulo kung sino ang mga members mo?" Tila magkakaroon ng away ang dalwa dahil sa pang-aasar pa ni Kelvin. Panira talaga SI Kelvin sa araw ni Shaneya. Para lagi silang pusa't aso.

"Oh alam mo naman pala 'di ba? Bakit hindi ka kumilos? Kumilos ka naman, hindi 'yung para ka d'yang prinsipe na nakaupo lang."

"Init ng ulo ah," bulong ko pa. Lumingon naman agad si Shaneya sa akin habang nanliliksik ang mga mata.

"Tigilan mo ko Jasper ha. Wala ako sa mood." Ay ang taray!

Akmang tatakbo na si Kelvin para tumakas pero agad itong hinarangan ni Shaneya gamit ang pamispis na hanggang ngayon ay bitbit ni Shaneya kahit nasa Garden kami.

"'Wag mo 'kong iniimbyerna ngayon ha. Tumulong ka!" Walang nagawa si Kelvin kun'di tumigil.

"Nagiging tigre ka din naman pala eh. Impernes bagay sa'yo," ngisi pa ni Kelvin kaya mas lalong naging tigre si Shaneya. Bad mood siya for today's video.

Ramdam kong hindi magawang ngumiti ni Shaneya. Inis na inis siya sa pagmumukha ni Kelvin. Tila galit siya sa lahat, sa mundo. Iba din talaga ang babaeng to kapag may sapak eh, parang mananapak anytime.

Nasa dalwa ang tingin ng lahat. Para kaming nanonood ng isang teleserye.

"For sure may menstruation ka nga ngayon no? Naks ha, dinadatnan ka pala? Buti hindi mauubos 'yang dugo mo." Nagpigil ako ng tawa habang ang mga kasamahan namin ay umiwas ng tingin. Ang exciting nila panoodin.

"Aalis ka sa harap ko o ihahampas ko sa'yo 'to?" Mas lalong ngumisi si Kelvin habang pinagmamasdan pa ang galit na galit na mukha ni Shaneya.

"Paano pag sinabi kong ayaw ko umalis? Subukan mong hampasin ako, didikit 'tong labi ko sa labi mo. Gusto mo?" Akala namin biro lang ang sinasabi ni Kelvin pero bigla nga itong mas lumapit kay Shaneya na parang puputok na sa sobrang high blood.

Ayiee.

Natigil ang paglilinis dahil ang focus ay nakina Shaneya at Kelvin na talaga.

"Subukan mo lang," hamon pa ni Shaneya. Naks lumalaban talaga ang kaibigan ko. Go Shaneya! Proud bestfriend here!

Love Is Greater Than Hate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon