Chapter 8

6 0 0
                                    

Kelvin’s P.O.V

     “Kelvin mas matanda ka sa kapatid mong si Kelly! Magbago ka na! Kasi kapag nagbago ka, tutularan ka ng kapatid mo!”

     “Ayaw ninyo pa nun? May dalwa kayong anak na sobrang gago!”

     Agad akong nakatanggap ng suntok kaya mabilis kong hinawakan ang pisnge ko bago uli humarap dito.

     “Bakit ngayon lang kayo nakapagsalita niyan? Eh ‘di ba noon pa man wala naman kayong pakealam sa amin? Siguro ganyan lang kayo ngayon kasi natatakot kayo na masira ang reputasyon ng pamilya natin lalo na at Mayor ka!”

     Sila din naman ang may kasalanan kung bakit kami naging ganito eh, kasi wala naman talaga siyang pakealam sa amin. Gusto niya lang lagi ay iyang lintek na pulitikang iyan. Buti pa si Mama, kahit pagod sa mga negosyo, nabibigyan pa naman kami ng kaunting atensyon. Pero overall, parehas pa rin naman silang pabaya eh. Mas inuna nila ‘yong pera kaysa sa atensyon na mas kelangan naming noon pa lang.

     “Subukan mo ako Kelvin. Kapag hindi mo binago ‘yang ugali mo, mawawala lahat sa’yo. Mawawalan ka ng mga karapatan sa mga properties na dapat mong manahin. Hinding-hindi mo na din mabubuksan lahat ng bank accounts mo. Hindi ka na muli makakabalik sa Australia. Lahat ng kotse mo, tuluyan ko ng hindi ipapangalan sa’yo,” mga banta niya sa akin na mismong anak niya.

     Isang ngiti ang binigay ko kay Papa. Wala akong pakealam sa mga lintek na properties na 'yan. Never ko naman madadala sa langit lahat ng 'yon. Sabagay hindi rin naman ako mapupunta sa langit. Sama-sama tayong mapunta sa impyerno.

     “Okay. Do whatever you want, Pa. Doon naman kayo magaling eh. Ano pang sunod? Palalayasin ninyo ako? Hindi na ninyo kailangan sabihin ‘yon kasi ngayon pa lang, aalis na ako. Mas mabuti pang umalis sa impyernong bahay na ito kaysa manatili dito. It’s not a home anymore. It’s not a feel like home since day 1.”

     Agad akong tumalikod dahil may luhang gustong tumulo.

     “Kelvin!”

     Unti-unti kong hinakbang ang aking mga paa para lumabas na sa front door nang biglang may isang sigaw na may kasamang pag-iyak akong narinig mula sa likudan ko, si Mama.

     Kahit demonyo akong anak, nasasaktan pa rin ako kapag umiiyak si Mama.

     “Anak!”

     Napalingon muli ako dahil hindi ko matiis si Mama.

     “Mama don’t worry, hindi pa naman po ako mawawala sa mundo. Huwag kayong mag-alala, ayos lang ako. Ilaan na lang ninyo ‘yang mga luha ninyo kapag nasa kabaong na ang anak ninyo,” nauutal kong boses habang pinipigilan muling tumulo ang mga luha ko.

     Balak ko na talaga umalis eh kaso nagmamakaawa si Mama sa harapan ko. Kahit naman ang sama kong anak, mahal ko pa rin sila.

     Tinayo ko si Mama at hinalikan ang noo nito. “Hayaan na muna ninyo ako,” bulong ko bago tumingin kay Papa.

     Tuluyan na akong lumabas ng bahay pero biglang dumating ang taong mahal na mahal pa rin ako. Ito ang taong kahit kailan ay hindi ako sinukuan kahit gaano pa kasama ang ugaling meron ako, si Lolo Rey.

     “Lo!” Walang pagdadalwang isip ay tumakbo ako kay Lolo sabay yakap ng mahigpit dito. Ang mga luha ko ay tuluyan na ngang bumagsak. Tila naghahanap talaga ng mapagbubuhusan ng lahat ng luhang meron ako, at iyon ay ang mga balikat ni Lolo.

     Ang higpit ng yakap ko, ang higpit ng yakap ni Lolo.

     “Andito lang si Lolo para sa’yo, hindi kita susukuan.”

     Ramdam ko ang pagmamahal niya. Sa lahat talaga, siya lang ata ang taong nakakuha ng buong tiwala ko. Wala talagang katulad si Lolo, the best siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko pati siya ay mawala pa.

     “Lolo, gusto ko muna po mag-isip ng ayos. Hayaan na muna po ninyo ako ha. Huwag kayo mag-alala Lolo, babalik ako sa bahay na ito para sa’yo.”

     Isang ngiti lang at isang tapik sa balikat ang binigay sa akin ni Lolo. Alam kong may tiwala siya sa akin na kahit ata magulang ko ay hindi kayang ibigay iyon sa akin.

     Umalis ako sa mansion at sumakay sa isang tricycle. Hanggang ngayon kasi ay wala pa sa akin ng susi ng mga kotseng meron ako. Nagpahatid ako sa 7/11 para doon humanap ng pwedeng makain. Oo madami naman pagkain sa mansion pero nakakawalang gana.

     Sino ba naman ang gaganahan kung ikaw lang ‘yong kumakain sa isang mahabang lamesa? Ano pa nga ba ang bago eh never naman ata kami nagsabay-sabay kumain as a family. 

     “Let’s drink guys,” usap ko sa isang grupo ng lalaki na katulad ko ay nakaupo lang sa 7/11 habang kumakain. They are strangers but I don’t care. Mas mabuti pa nga iyon eh, para walang judgements.

     “Sure bro! Basta libre mo!”

     Maybe friendly ako pero trust me, kahit gaano pa katagal ng pagiging malapit ko sa isang tao, hindi ako nagbibigay ng buong tiwala. At kung maghahanap man ako ng kaibigan, doon din ako sa tulad kong mayaman.

     We go to the Bar. Inom doon, inom dito. Sayaw sa stage with the girls. And yes, I’m now wasted. Matagal na naman, matagal na akong wasted.

     Maingay ang crowd. Maraming tao na may kaniya-kaniyang trip. May mga lasing na. May mga nagkakantahan. May mga nagsasayawan sa gitna. Halos malanghap mo na din ang mga usok ng sigarilyo. Kung andito ka lang, parang wala ka sa reyalidad ng buhay.

     Ito ang gusto ko eh, ‘yong malayo sa katotohanan.

     “Nga pala I’m Brian,” pakilala ng isang lalaking kalbo na chubby.

     “Ako naman si Lixter,” pakilala naman ng isang matangkad na morenong lalaki.

     “I’m Lloyd Anderson,” huling pakilala naman ng isang lalaking mukhang taga ibang bansa.

     Nakipagkamay sila pero hindi ko na tinanggap. “ I’m Kelvin,” tugon ko sa kanila.

     “Bro ang hot ng girl na ‘yon! Look!” Tumingin rin ako sa babaeng tinuturo ni Lixter. Muntikan naman na akong masamid nung makita kung sino ang sumasayaw sa dance floor.

     Ito ay walang iba kun'di si Kelly, ang kapatid ko.

     Feel ko nasa katinuan pa naman ito kaya hinayaan ko na lang. Hindi din naman siya nakikinig. Magkapatid nga talaga kami.

     “Ano? Lapitan natin? Kelvin, let’s go. Baka ikaw ang matipuhan,” anyaya sa akin ni Lloyd Anderson.

     “Kayo na lang, hindi kami talo ng babaeng iyon. Hanap na lang ako ng iba,” sagot ko bago ako humingi sa waiter ng isa pang bote ng beer para sa table naming apat.

     “Ano bang klaseng babae ang hinahanap mo?”

     Ngumisi ako sa tanong ni Brian.

     “A wild one tapos ‘yong palaayos sa sarili. Guys you know what I mean,” sagot ko kaya nagtawanan kami.

     “Ibang klase ka pala ha,” apir sa akin ni Lixter.

     Naiwan nga akong mag-isa, hinihintay ang paglapit ng isang babae mula sa kalayuan. Ngingiti na sana ako nang biglang pumasok sa isip ko si Lolo. Alam kong gusto na din talaga ni Lolo magbago ako, hindi lang niya sinasabi kasi ayaw niya na ma-pressure ako.

     Sige, para sa’yo Lolo.

Love Is Greater Than Hate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon