Chapter 12

3 0 0
                                    

 Shaneya's P.O.V

     Kinabukasan, ito ang araw ng pinakahihintay ng lahat, ang araw ng Biyernes. May kaniya-kaniya ng plano ang bawat isa para pagplanuhan kung ano ang mga gagawin nila sa Sabado at Linggo nila. Samantalang ako, ang araw ng Sabado ay araw ng paglalaba namin nina Nanay at Kuya kina Aling Kora.

     Nakasanayan na kasi namin iyon, ang mag tulungan sa paglalabada si Nanay kahit saang bahay. Tuwing Linggo naman, sumasama minsan sina Kuya kay Tatay sa pangingisda habang kami ni Nanay ang maglilinis ng bahay at bakuran.

     “Oh bakit ka nakasimangot d'yan?" tanong ko kay Jasper na sobrang tahimik. Simula sa bahay nila at hanggang ngayong nasa Gate na kami ng school, wala siyang ni isang salita. Wala siyang chismis.

     Bakit kaya? Hindi kasi ako sanay na tahimik siya. Eh samantalang papalabas pa lang siya minsan ng bahay nila, daldal na agad siya.

     “S-Shaneya, nalaman na ni Papa na b-bakla ako. Halos suntukin niya ako kanina. Hindi niya matanggap ang kasarian na pinili ko." For the first time, ngayon ko lang siya nakitang paiyak na.

     Agad ko siyang niyakap sa braso para pakalmahin siya. Akmang magsasalita na ako pero may dalwang babaeng dumaan sa harap namin. Nagbubulungan ang mga ito habang nakatingin sa amin ni Jasper.

    “Alam mo ba, pagdaan ko sa bahay nina Jasper, narinig ko na galit na galit ang tatay niya dahil nalaman na bakla ito. Akala ko pa naman tanggap siya, 'yon pala sa school lang malambot tapos barako na kapag nasa bahay na."

     Dito talaga sa lugar namin, ang bilis kumalat ng chismis. Laging updated sina Marites.

     Mas lalong napasimangot si Jasper habang ako naman ay hindi mapigilan matawa. Sanay na kami eh, sanay na kami mag-asaran kahit ganitong sitwasyon.

    "'Yon! Sa kaka-chismis mo, ikaw na pinagchichismisan ngayon! Ganyan talaga ang napapala mo! Karma is real!" Utas ako sa kakatawa noon habang siya'y gusto ng sumabog sa inis sa akin. Naaawa naman talaga ako sa kaniya kaso ang sarap niya asarin, HAHAHAHA.

     "Karmahin ka din sana. Kainis ka!" HAHAHHA

     Tulad ng ganap araw-araw, klase dito, klase doon. May pagbabago na nga lang ngayon, iyon ay ang mahabang pasensya doon, mahabang pasensya dito para kay Kelvin na 'to.

     "Huy Madrid pagaya ako!" lapit ni Kelvin sa akin. For the first time, nagkusa siyang lumapit sa upuan ko para gumaya. And for the second time, nagkaroon siya ng pake sa acads.

     Pinagmasdan ko muna siya dahil parang may kakaiba sa kaniya sa araw na 'to. Naka-jacket naman siya, tulad noon may suot pa rin siyang mask pero bakit parang may kakaiba sa kaniya?

     Tinitigan ko muna uli siya at pagkatapos ng ilang segundo, alam ko na kung ano ang bago. Nagpagupit siya ng buhok kaya kapansin-pansin ang brown eyes niya.

     “Naks ha. Friend na pala kayo ng bebe ko?" sulpot ni Jasper sa pagitan namin ni Kelvin. Hindi na ako nagsalita bagkus ay kinuha na lang ang aking notebook sa aking bag na sira na ang zipper. Hindi pa kasi mapagawa ni Tatay sa bayan.

    "Oh gumaya ka na. Ingatan mo 'yang notebook ko ha!" paalala ko sabay abot ko kay Kelvin ng notebook bago ako nagpatuloy sa paggawa ng list of names ng group mates ko. Ang bad news pa nga, kagrupo ko ang Kelvin na 'to.

     "Notebook ba 'to? Bakit parang basahan? Bakit gusot na gusot?" reklamo niya. Malapit lang ang mukha niya sa mukha ko kaya amoy na amoy ko ang alak sa kaniya. Hang-over na naman. Buti hindi siya nagkaka sakit. Haysst..

     Napunta ang tingin ko sa notebook kong luma na talaga. Color pink ang notebook ko pero habang tumatagal, kumupas na ang kulay. Gusot-gusot na talaga ito dahil sa katagalan na.

Love Is Greater Than Hate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon