Chapter 1 : [Edited}

84 2 1
                                    

THIRD PERSON POV

"Anak,gising na." Malambing na wika nang kaniyang ama.

Maagang nagising ang kaniyang ama dahil kailangan nilang lumipat ng bahay, hindi na sila ligtas sa kanilang tinitirahan ngayon, dahil na tagpuan na sila ng kanilang mga kalaban. Lalo nang kailangan niyang protektahan ang kaniyang pamilya at ang nag - iisang anak nila. Ayaw naman sabihin ng kaniyang ama kung bakit sila palipat - lipat ng bahay dahil ayaw niya itong masali sa gulo. Palagi na lamang silang lumilipat ng bahay kung saan sila magiging ligtas. Habang ang kaniyang anak naman ay palaging nag tatanong kung bakit palipat-lipat .

"Hmmm... " Ungol ng kaniyang anak. Napa buntong hininga nalang ang kaniyang ama dahil ang tagal-tagal niya kung magising sa umaga.

Hindi din namalayan ng ama na nakikinig pala ang kaniyang asawa sa pintuan habang nakangiti naman ang kaniyang asawa at malungkot na nakatingin sa kaniyang nag - iisang anak na babae. Hindi nila ginusto na ganito ang kanilang buhay na hahantung sa panganib ang buhay ng kaniyang anak.

"Anak gising na nag luto ako ng agahan para sa atin. " Mahinhin na sabi ng kaniyang ina. Napangiti namang silang dalawa ng bigla nalang itong bumangon ng naka ngiti.

" Mommy!" Sabi nang babae.

Habang ang ama naman ay naka simangot na nakatingan sa kanilang dalawa, hindi niya mapagkakaila na Mommy's girl ang kanilang anak, dahil  siya ay palaging na sa trabaho at nag babantay sa kanila. Napansin naman ng kaniyang asawa ang pagsimangot ng kaniyang mister at mas lalo pa itong sumimangot ng tawanan siya ng dalawa habang masayang nagyayakapan.

"Hi Daddy!Good morning po." masayang wika ng kanilang anak, pero ang atensyon nito ay na sa kaniyang ina pa rin.

"Anak, para ba sa akin ang pagbati mo?o sa iyong ina. " Nag tatampong wika ng kaniyang ama na para bang naiiyak na.
Agad namang naawa ang kanilang anak at saka yumakap sa ama.

"Sorry po, Daddy." Paumanhin ng kanilang anak.

Matapos ang madramang eksena ay agad naman silang bumaba sa kusina upang magsimulang kumain ng agahan. Talagang masiyadong mahal na mahal ng mag-asawa ang kanilang anak lalo pang nag iisa lamang nila itong anak at babae pa.

At ito ang susunod na tagapagmana nang kanilang pamilya. Pagkatapos nilang kumain agad naman nilang inihanda ang kanilang dadalhin sa pag - alis papunta ng Pilipinas. Napagpasiyahan din ng mag - asawa na doon na mamalagi sa Pilipinas at magbagong buhay. Kahit na maraming gustong pumatay sa kanila ay pangangalaagaan nila ang kanilang anak at hindi hahayaang mapahamak ito.

"Daddy, may we buy a dog once we are already in the Philippines?" Nakangusong wika ng kanilang anak. Napatawa naman ang mag - asawa dahil sa sinabi ng kanilang anak.

"Yes, of course naman bibilhan kita kahit na anong gusto mo, basta maging good girl ka lang."Naka ngiti na wika ng kaniyang ama at minadaling inilagay ang kanilang maleta sa kanilang sasakyan dahil baka hindi nila maabutan ang flight nila papuntang Pilipinas.

" Yehey ! Mommy narinig mo, Dad will buy me a dog and I am gonna name him James, my baby."Masayang sabi ng kanilang anak,habang nagtatalon pa.

Habang nagmamaneho ang padre de pamilya ay hindi nila alam na sinusundan sila ng kanilang mga kalaban. Maya - maya ay napansin na nilang may sumusunod sa kanila kaya mas lalo nilang pinabilis ang pagmamaneho. Dahil dito ay bakas ang takot sa kanilang anak dahil may trauma ito sa mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan. Agad naman nilapitan ng kaniyang ina ang bata at saka pinapatahan ito. Pabilis ng pabilis ang pagtakbo ng kanilang sasakyan ng bigla na lang may nagpaputok ng baril mula sa kanilang kalaban.

" F*ck!" Malutong na mura ng ama at nag mamadaling kinuha ang baril na nakatago sa sasakyan at pinaputokan ang katabing sasakyan na laman ang mga kalaban.

My Chlidish WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon