Chapter 13 : {Edited}

7 1 0
                                    

Eloisa POV

Pag katapos ng usapan na iyon, dali-dali kong tinapos ang kinain ko at agad na pinuntahan ko sina Mica.

Halos madapa-dapa nga ako dahil sa pag mamadali, para lang malaman nila ang balita na sasabihin ko sa kanila. Exited na akong malaman nila na ikakasal na siya.

Nag taka nga ako nong sinabi niya na, kay William siya ikakasal.

Napatingin naman ako sa sa hagdang aakyatin ko. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa haba ang aakyatin ko.

Huminga muna ako ng malalim at pumwesto na parang nasa isang paligsahan ng takbo,at umakyat ng mabilis.Tsaya nga pala bagu ako tumakbu,nag bilang ako, hangang tatlo.

Kasi kapag gabi, nag kikita kami sa rooftop don ang lagi naming tambayan. Bagu kami natutulog.Nag mamadali akong tumakbo. Papuntang rooftop,pag dating ko na rinig ko agad ang tawanan nila,habang ako naman ay hingal na hingal dahil sapag mamadali,para lang maka akyat dito.

Bakit ba dito namin na gustohan magkikita kapag gabi.

"Guysss!"Hingal na sigaw ko sa kanila. Napatingin naman sila sa akin at tumawa napa simangut naman ako dahil dito.

"Hahaha!bat ba nag mamadalika? "Natatawang sabi ni Mica. Nainis naman ako at binatukan siya ng malakas.

"Aray!"Galit niyang sigaw kaya napatawa kaming lahat.

Yan kasi pa tawa-tawa pa. Alam naman madali akong mainis.

Kilalang-kilala namin ang isat-isa.Noong una palang ako dito, nakilala kona sila.Sila kasi ang sumondo sa akin sa gate.

Napag pasiyahan din naming maging magkaibigan.

Nong araw na na isip namin na magkikita kami sa isang lugar kong gabi bagu matulog. At nahanap nga namin ang lugar na iyon. Dito sa rooftop,dito lang kami nkakahinga sa lugar na ito. Kapag nag aaway kami sa isang bagay o dikaya namn nag aagawan ng lalake.

"Anyway, may ibabalita ako sa iniyo. "Mahinahong sabi ko ng mawala na ang hingal ko.

"Ano naman yon?"Saad ni Cathleen.

"Ayon, kasi tumawag si Justine, tapos sabi niya ikakasal na siya bukas! "Masayang sabi ko na may kasamang kilig, napatingin naman ako sa kanila at napansing naka tulala lang.

Kagaya ng reaksiyon nong nalaman kong ikakasal na pala si Justine.Napabalik naman sila sa ulirat at napasinghap.

"Anooo! Paano nangyari iyon!"Sigaw ni Mica kaya sinamaan ko naman siya ng tingin kaya ito ay napa tahimik.

"Ok, ganito kasi yon. Sabi niya imbitado tayo sa kasal niya bukas, may susundo at mag aayos satin dahil ready na ang lahat, kaya wala na tayong aalalahanin.Kong tatanongin niyo kong bakit siya kinasal,ayy arrange marriage lang kaya sila mag papakasal, hindi ko nga inexpect na bukas ang kasal nila."Paliwanag ko sa kanila.

Napatangu naman sila, ng biglang nag tanong si, Kathryn.

"Sino naman ang pakakasalan niya.? "Nag sangayon naman ang lahat dahil sa tanong niya.

"Wag sana kayong magugulat pero si William."Mahinahong sabi ko.

"What! Talaga si William!"Sigaw nilang sabay-sabay ,napatakip naman ako ng tainga dahil sa inagy nila, hindi na ako mag tataka kong pagbabawalan na kami dito pumonta kasi ang ingay-ingay namin.

"Pwedi ba wag kayong maingay!"Inis na sigaw koo.

"Sorry, pero totoo na si William talaga ang papakasalan niya."Sasagutin ko nasana ang kaniyang tanong ng may biglang nag salita, kaya napa tingin naman kami kong saan galing iyon.

"Oo, totoong si William ang mapapangasawa niya, kong Tatanongin niyo kong bat ko nalaman, kasi imbitado din kami."Si josh lang pala. Hindi nadin ako mag tataka kong imbitado sila o hindi kasi kaibigan nila si william.

"Bakit, kayo nan dito?"Tanong ko naman.

"Wala lang nag papahangin."Sagut ni Lester.

"So narinig niyo lahat ng sinabi namin?"tanong ni mica.

"Oo, naman sa malayo pa, dinig nanamin kasi ang lalakas ng boses niyo, hindi nadin ako magtataka kong pagbabawalan nang papasokin dito dahil sa ingay niyo."Inis na salita ulit ni Lester.

"Talaga palang ikakasal silang dalawa noo."Sabi ni Cathleen.

"Oo, alam na namin yon tinawagan nadin kami ni william."Sabi nila at lumapit saamin para tumabi.

Napa tahimik naman kami ng ilang minuto, at napag pasiyahan na naming mag paalam para makapag pahinga.


No one POV

Habang nag lalakad ang mga kaibigan ni William, may narinig silang sigawan kaya nag tinginan naman sila at pumonta sa rooftop, habang papalapit sila narinig nila ang usapan.

"Totoo ba talagang Si william ang mapapanga sawa niya?"Tanong naman ng isa sa kanila nina mica.

Lumabas naman sila sa pinatataguan at si Josh naman ang sumagut para sa kanila.

"Oo, totong si William ang kaniyang mapapangasawa, kong tatanongin ko bakit alam namin kasi imbitado kami. "Wika ni Josh napa tingin naman sa kanila ang mga girls.

Pag katapos ang usapan nila nag paalam sa kanila ang mga girls para umalis na, tumangu naman ang mga boys at hinayaan sila.

Napaisip naman si Josh, kong bakit sila nag pakasal Sapagkat sila pa ay nagaaral Ano naman ang dahilan kong bakit sila mag papaksal,dahil ba sa business kaya sila mag papakasal oh inlove na sa isat-isa. Pero impossible namang mag inlove sila sa isat isa dahil kakakita lang nila inlove na kaagad.

Pag katapos nilang mag pahangin agad naman silang nag paalam sa isat-asa,para bumalik na sa sariling silid.

Pag dating ni Josh sa kaniyang sariling silid, may napansin siyang parang may nakatingin sa kaniya kaya napa tingin siya sa binta at napansing bukas ito. Pag lapit niya pinag masdan niya ang paligid at wala namang na pansin ning kahit na sino.

Baka, namalikmata lang dahil gabi narin at ina antok na, sinira niya ang binta ng maayon at ni lock. Para walang maka pasok ng kong sino.

Pag katapos niyang mag palit ng damit agad siyang humiga sa kama para mag pahinga.

Habang ang iba naman niyang mga kaibigan ay my napansin din na may tumitingin sa kanila na para bang pinagmamatsyagan sila ng kong sino.

Pero pag tingin nila sa binta wala namang kahit ning isang tao wala. Pero si Lester gusto niyang maka siguro at inilabas ng sariling baril ay itinagu sa ilalim ng unan.

Ang iba namn niyang kaibigan ay ni lock ng mabuti ang bintana at pintoan at natulog na para makapag pahinga ng maayos dahil maaga pa sila bukas.

Pero ang hindi nila alam masasabak sila sa matinding labanan.


Unknown POV

"Ano na... "Salita ng sakabilang liniya.

"Boss,minamatyagan na namin sila" Sagut naman habang nakahawak sa earpiece.

"Good, ayosin niya ang trabahu niyo kundi lagut kayo sakin. "

"Maghintay lang kayong lahat,mamatay kayo ng sabay-sabay. Pinapangako koyan. "Malidimonyong sabi ng kong sino.

Habang ang lalakeng nag mamasid sa kanilang lahat ay, nangi-nginig sa narinig. Dinig na dinig niya ang sinasabi ng kaniyang amo.

Hindi nito ginusto na magtrabahu sa ganitong bagay, pero kinakailangan ng pamilya niya pera at tuition ng kaniyang anak sa pagaaral.

Dahil sa hirap ng buhay nahantong siya sa ganito.











My Chlidish WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon