Chapter 2

5 0 0
                                    

"Ha??"

"Halaman. Tara na nga, gala tayo."

"Gala? As if namang papayagan tayo ng guard lumabas. At mabibitin lang tayo sa 1 hour na gala p're." Pagchi-chika ko sa kaniya habang inaayos ang gamit ko sa locker.

"Sabagay.." 'yon lang ang nasagot niya.

"Sa library ako. May babasahin akong novel. Nasimulan ko na kahapon e. Samahan mo 'ko." Aya ko kay Cielo.

"Ay ayoko doon."

"Dalii, magdrawing ka na lang doon."

"Ahh... ayoko." He smirks to tease me.

"Ah ganiyan?" Sabi ko sa kaniya at marahas na sinara ang pinto ng locker ko. Napaatras naman siya sa gulat.

"Oo ganito." Taas-noo niyang apila.

"Talaga?" Ngumisi ako habang naglalakad palapit sa kaniya.

"T-talaga!" Pinilit niyang ngumiti nang mayabang nang mapasandal siya sa pader.

"Weh?" Asar ko kay Cielo at tinitigan siya habang nakangisi pa rin.

"Oo." Mariin niyang sagot at inilapit ang mukha sa 'kin, aba pumapatol sa titig ko ah.

"Sure?" Iginilid ko ang ulo ko ng bahagya habang nakatingin pa rin sa kaniya.

Pero nagulat ako at napasandal sa mga locker nang gumalaw ang mga kamay niya at pina-gitnaan ang ulo ko. Hala!

"Yes."

"H-huy ang lapit mo, maissue-han tayo ha-hay." Sabi ko sa kaniya at umiwas nang tingin.

Lumayo naman siya at nakangiting ginulo ang buhok ko.

"Ay naman!" Inis na sabi ko at inayos ang head band na suot.

"Tara na nga sa library!" Sabi niya at nauna nang naglakad.

"Hala wait!" Sabi ko at hinabol siya.

Tahimik ang hallway papunta sa library kasi may klase pa sa ibang section, sa section lang namin yata walang teacher eh.

As we walk towards the library, may nakita akong nagmamadaling pumasok sa loob. Medyo familiar siya kaya binilisan ko yung lakad ko, nakakasabay naman si Cielo pero feel ko gusto niya magtanong kung bakit.

"Bakit?"

Oh 'di ba haha.

"Wala wala." Sagot ko na lang, ayaw ko mag-explain hehe.

Nagkibit-balikat lang siya at binuksan ang pinto para sa 'kin, I thanked him of course.

I saw the figure walk pass the history books. Papunta rin yata sa sci-fi books.

"Hanap ka na ng pwesto na pwede natin pagtambayan, puntahan ko lang yung libro."

"Gege." At umalis na nga siya.

Tinungo ko sci-fi section, pero wala yung tao sa paningin ko.

Sana tao nga.

Hinayaan ko na lang ito at hinanap ang nobelang gusto ko basahin.

Sabi sa teaser sa likod ng book, about daw ito sa kwento ng dalawang scientist na nag-experiment at bumuo ng time machine. Naging successful naman, pero hindi pa sure kung makakabalik ba yung partner nung lalaki sa panahon nila. Nakaka-excite lang basahin kasi sa book cover pa lang ay napukaw na nito ng atensyon ng marami.

I found the book pero ang problema, nalipat ito ng pwesto. Nasa pinakataas na ito. May nakita akong ladder, pero noong kukuhanin ko na dapat, may isang lalaking kumuha rito. Nakakulay puting T-shirt siya, black maong pants at may earphones siyang itim.

Marvelous MistakeWhere stories live. Discover now