"Baliw ka na keila nasisiraan ka na ng ulo!""Naririnig mo ba yung sinasabi mo ha!? Tanga ka!"
"Ganyan ba talaga utak mo ang bobo bobo mo!"
"Nakakahiya ka!"
"Anak ba talaga kita?!"
" Hindi ka ba nahihiya sa mga kapit-bahay napaka bastos mo!"
Naiiyak nalang ako sa mga naririnig ko haha umagang away napaka gandang almusal. Sobrang naririndi na ako sa paligid hindi ko na alam yung dapat kong gawin. Nabablanko na ako.
Nanghihina na ako. Deserve ko ba to? Ganon ba ako kasama? Napaka sama ko ba talagang anak? Kapatid? Pamangkin at apo? Hindi na ako makapagisip ng ayos.
Andito lang ako sa sulok ng kwarto ko naiyak at magisang niyayakap yung sarili ko. Hindi ko na alam kung ano bang gagawin ko. Sobrang laking disappointment ko.
Gusto ko ng kausap, ng mapagsasabihan pero ayokong abalahin yung mga friends ko kaya wala na akong ibang makausap.
Sa sobrang pagiyak ko ng mahina napaluhod nalang ako sa sahig at lalong nanghihina hindi ko na alam kung kanino ako lalapit. Kanino ako makikipagusap para manlang gumaan yung pakiramdam ko.
Bigla akong napatingin sa taas at naalala si God. Sobrang sama ko ba na kapag may problema lang ako lumalapit sakanya?
Pero hindi ko muna inisip yon di na ako nagdalawang isip pa kinausap ko siya sinabi ko lahat ng nararamdaman ko, lahat ng sama ng loob ko kinuwento ko sakanya lahat. Iniyakan ko lang siya ng iniyakan.
After ko siyang kwentuhan sobrang gaan sa pakiramdam may lungkot pa rin pero gumaan na yung pakiramdam ko dahil nararamdaman ko na may naniniwala sa akin at may nagmamahal na sa akin.
At nung naramdaman ko na kusa ng tumigil yung luha ko sa pagtulo umupo na ako sa kama ko at napatingin sa table ko nakita ko yung family picture namin na lahat kami nakangiti na halatang-halata na lahat ay masaya.
Kelan kaya ulit? Kelan kaya ulit kami magiging masaya araw araw? Kelan kaya ulit papayapa yung buhay at yung bahay namin? Yung katulad ng dati walang away, yung punong-puno ng pagmamahal yung bahay namin. Ngayon kasi punong-puno ng sigawan at awayan e.
Hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako kusa nalang akong napapikit at hinayaan ko nalang na umagos nang umagos yung mga luha ko.

YOU ARE READING
A girl
JugendliteraturThis story is about family and the problems that usually the teenagers have. This days a lot of students and teenagers have a family problem because of their parents are strict, conservative and last they did not listen to their children insights be...