"Patuloy na kumakalat ang virus saan mang dako ng Pilipinas kaya inaabisuhan namin kayo na manatili nalang sa loob ng bahay kung wala din namang gagawin sa labas"
Sobrang nakakatakot yung virus na pumasok daw dito sa Pilipinas. Kasi nakakahawa daw yun at nakakamatay. May mga nababalitaan na nga na namamatay e kaya natatakot den ako.
Nung una masaya pa ako kasi wala kaming pasok kaso ngayong magisang linggo na kaming walang pasok tapos andami ng nahahawa at namamatay naguumpisa na nga akong matakot e.
Ang sama naman ng pasok ng 2020 nung una nag ashfall dito sa laguna tapos ngayon naman Coronavirus hyst grabe.
Andito nga pala ako sa sala namin nanonood lang ng balita. This days nahihilig na ako manood ng balita dahil nga sa virus para aware ako kung anong mangyayari sa bansa natin.
"Anak tawagin mo na papa at kapatid mo kakain na tayo" sabi ni mama.
Kaya tumayo na ako tapos tinawag na sila papa at si bj, kapatid ko sa kwarto nila ni mama kasi naglalaro sila don ng ml.
After ng mga ilang minuto nakumpleto na kami sa lamesa tapos sabay-sabay na kumain. Kami lang ba pero kada nakain kasi kami nagkukwentuhan kami kung anong nangyari sa buong araw namin ganon.
Masaya kaming nagdinner and after non naghugas na ako ng pinggan. Pagkatapos ko maghugas feel ko ang lagkit-lagkit ko na kaya naglinis ako ng katawan then natulog na kami.
Ganon lang palagi cycle ng buhay ko at buhay namin nila mama. Kada umaga may kaniya-kaniyang gawain pero pagdating ng dinner nagkakasama kami and nagbobonding.
*After 1 month*
Makalipas ng ilang buwan na mas lalong humihigpit ang paglabas sa mga bahay. Kapag nga lalabas kailangan na ng face mask tsaka face shield.
Ang mahal nga ng face shield e 80 pesos kaya dito nalang ako sa bahay. Tapos isa lang yung quarantine pass sa isang pamilya kaya isang tao lang pwede lumabas tapos may pangalan pa don kaya kung sino nakalagay don yun lang lalabas.
Mas pinili naming ilista sa quarantine pass si papa kasi nagwowork sya everyday. Isa kasi sya sa mga frontliners ngayon alam mo yung nakakaproud kasi frontliner yung papa ko it means madami syang matutulungan kaso nakakalungkot den kasi paano kung mahawa si papa diba.
Kaya kada uuwi sya naliligo muna sya sa may gate tapos nagsasanitize bago pumasok sa amin para walang pumasok na virus dito sa loob ng bahay namin.
Ewan ko ba kung oa si mama o nagiingat pero parang halos buong sulok ng bahay namin may alcohol jusko natatawa nalang ako e.
Sobrang boring dito sa bahay sa totoo lang para kaming mga bilanggo wala na ako ginawa kundi kain tulog ganon kaya nag download ako nung tiktok kasi sikat yun ngayon e.
Gumawa lang ako ng acc then nagscroll scroll lang ako. Ganon lang uli yung routine ko everyday gigising kakain, maghuhugas, tutulog, gigising, kakain, hugas, cellphone, kain, hugas, cp tas tulog na ganon lang.
Dati mga 8 tulog na ako dahil nga sa boring pero mula nung nagdl ako ng tiktok 11 na ako na tutulog.
Dahil sa kakatiktok ko andami kong apps na nalalaman so pinagdodownload ko yun kasi sobrang boring nga.
*After 1 month*
Makalipas ulit ng isang buwan at ganon pa rin andito pa rin kami sa loob ng bahay nakakulong at buryong-buryo na kasi walang magawa.
Nga pala april na ngayon malapit na mag june which is malapit na ang pasukan kaso wala pa ding update ang mga schools ngayom kasi mas lalo pa lumalala yung virus ngayon kaya bawal pa rin lumabas.
Naaawa nga ako sa mga napapanood ko sa tv. Kasi andaming nagsaradong mga kumpanya ngayon dahil nga bawal lumabas kaya madaming nawalan ng trabaho na nagsasanhi na wala silang pambili ng makakain. Kahit nga mga artista nasa bahay nakang den at mga walang trabaho.
Kami nga ren malapit na rin ata na mawalan ng pagkain di na nakakapamili sa papa kasi madalas na siyang di makauwi kasi pinagstay daw muna sila don sa trabaho nya. Parang stay in ganon. Isa kasing pulis si papa kaya palagi syang nasa labas.
Dahil nga di nakakaauwi si papa kaya ayun nauubusan na kami ng stock pero okay lang nabalitaan namin mamimigay daw ng ayuda si mayor e kaya naghihintay nalang kami.
Nakakamiss nga kasi hindi kami nakukumpleto tuwing dinner kasi palaging wala si papa. Tapos si mama palaging malungkot kasi namimiss nya si papa yung kapatid ko naman nagmml lang yon magdamag tapos ako? Wala nakikipag virtual chika lang ako sa mga friends ko sa discord mamaya ngang 7pm magchichikahan kami e.
Ngayon pala tinatry ko magbake ng cookies para meryenda namin and para mapangiti si mama kasi favorite nya yon e.
Kaya galak na galak akong gumawa ng cookies tapos naghintay lang ako ng ilang minuto tumaas na ako para punatahan si mama para ibigay yung cookies na binake ko tapos yung coke na dala ko.
Kakatok na sana ako kaso narinig ko yung boses ni mama na naiyak kaya hindi muna ako napasok. Hindi ko masyadong naririnig yung kausap nya ang alam ko lang nahagulgol na sya sa pag-iyak kaya sobrang higpit na ng hawak ko sa tray na hawak ko kasi masakit marinig na naiyak yung mama ko.
Maya-maya lang naririnig ko na nagsisisgaw na si mama naririnig ko den na kung ano-ano na yung nababato nya. Papasok na sana ako ng tuluyan kaya lang may narinig ako na hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba o hindi.
" Bakit? Bakit mo nagawa samin to! Bakit? Bakit mo kami ipinagpalit! Bakit mo ko iniwan haaaaaa!"
Pagkarinig ko nun kusa ng tumulo yung luha ko.
"Bakit mo nagawa to Ricardo pulis ka pa naman! Manloloko ka di ka manlang naawa sa mga anak mo!"
Sa sobrang iyak ni mama di ko na kinaya na makinig nalang pumasok na ako at dali-daling niyakap si mama sa gantong pangayayari yakap lang talaga yung matutulong ko e.
"Arghh wahhhhhhhhh wala kang kwentang ama! *Bugsh* *bugsh*" pagkasigaw ni mama daretcho bato nya ng cellphone nya sa may pader sobrang lakas non kaya sobra yung gulat ko.
" Ma please please kumalma ka na po" pakikiusap ko kay mama kasi naiiyak na den ako e.
"Anak a-anak niloko tayo ng papa mo anaak" pagkasabi nya non umiyak na naman sya nang umiyak. Kaya yakap lang ako nang yakap sakanya pinaparamdam ko talaga na kakampi nya ako at lagi lang akong nasa tabi nya anumang mangyari.
" Ate? Mama? Bat ka po naiyak?" Nagulat kami ni mama nung biglang pumasok si bj 6 years old palang siya kaya ayoko na malaman nya yung about sa ganto lalo na papa's boy sya masasaktan sya ng sobra kaya nagisip agad ako ng dahilan para di nya malaman.
"Wala nanaginip lang si mama masama kasi napanaginipan nya kaya umiiyak sya." Sabi ko ng mahinahon.
" Totoo po ba yon mama? Yayakapin po namin kayo ni ate para di ka na po umiyak" sabi ng kapatid ko napatulo nalang talaga yung luha ko. Pagkatapos nyang sabihin yon nagyakapan na kami.
Siguro kailangan na namin masanay na kaming tatlo nalang yung magkakasama sa bahay. Mahirap pero kailangan naming tanggapin, makakaya rin naman namin to basta lumaban lang kami ng sama sama.
-----------------------------------------------------
Good mornight mga bebs! Thankyouuu po sa mga readers dyan sobra ko po kayong naappreciate. Nga po pala ang pag update ko po ng every chapter ay kada 12 am or bago po mag 12 yon lang thankyou and keep safe.Ps. Hi mga be binura ko yung unang gawa ko dito parang di sya accurate sa chapter 1 hehe yun lang. Sorry sa mga nakabasa na. May nagsuggest kasi sakin na mas maganda kung di ko dun simulan kaya ayun HAHAHA.
Pss. Medyo malelate ako sa pagupload mga bebe mageedit pa kasi ako ng assignment ko para bukas. Pagkatapos saka na ako maguipdate tsaka kakatapos ko lang kasing ayusin yung chapter 1 kaya sana naiintindihan nyo ko HAHAH yun lang goodnightt ingat, stay safe and always smile.
YOU ARE READING
A girl
Teen FictionThis story is about family and the problems that usually the teenagers have. This days a lot of students and teenagers have a family problem because of their parents are strict, conservative and last they did not listen to their children insights be...