Chapter 2- First betrayal

16 3 0
                                    

Hinayaan ko ng lambingin ni bj si mama nandun na nga pala sila sa kama medyo okay na den si mama kaya naglinis na ako ng mga kalat at ng mga nabasag. Buti yung binake ko na cookies di nadumihan kaya ipapakain ko na lang kila mama.

Nanonood na kasi sila ngayon kaya binigyan ko sila ng cookies at coke. Tapos ako nagwawalis na medyo matatapos na ako sa paglilinis ng kwarto ni mama.

Habang nagwawalis nga ako andaming natakbo sa isip ko. Na paano na kami kung iniwan na kami ni papa? Kailangan ko na ba gumawa ng way? Tapos iniisip ko pa paano ko pasisiyahin si mama at paano ko maipapaliwanag kay bj ng maayos kasi di naman habangbuhay matatago yung issue ni papa.

Sa ngayon wala pa akong idea pero siguro makakaya ko den naman siguro yon bahala nalang talaga si batman.

Habang ang lalim ng iniisip ko nakatulog na pala si mama at si bj kaya dahan dahan ko silang nilapitan dalawa. Kiniss ko sila sa noo nila at bumulong na "Makakaya at malalampasan den natin to basta sama-sama lang tayo"

Tumayo na den ako agad kasi baka magising pa sila kaya dahan-dahan kong pinatay yung tv tapos kinumutan ko sila then lumabas na ako.

Pagkalabas ko bigla nalang ako napaluhod tapos tuluyan ng bumagsak yung mga luhang kanina ko pa pinapatigil. Sobrang sakit as in yung feeling na takot ako magmahal ng lalaki kaya nbsb ako pero yung manloloko pala sa akin sarili kong tatay.

Sobrang sakit na ang akala namin nagtatrabaho talaga sya kaya sya nag stay-in sa work nya yun pala may iba na sya.

Grabe yung iyak ko kasi nagbabalik sa isip ko yung kung gano kasaya yung family namin kada dinner kasi dun lang kami nakukumpleto e tapos may babae naman pala sya.

Ang sakit-sakit, siguro tumagal yung iyak ko ng mga 30 minutes. Sobra kasi akong nanghihina. Pero bigla ko naalala yung kapatid ko and si mama na baka makita nila ako na nagkakaganito at ayaw kong mangyari yon.

Dapat maging malakas ako sa harap nila para lumakas den yung loob nila lalo na si mama. Ayoko ng makitang magkaganon sya.

Kaya di na ako nag-aksaya ng oras nagready na ako ng dinner namin. Nahirapan nga ako magluto kasi kulang na kami sa rekado pero nagawan ko naman ng paraan.

Habang nagluluto nga ako nagiisip na ako ng pwede kong maging trabaho kaso alam ko mahihirapan ako dahil nga may virus ngayon diba kaya bahala na magsesearch nalang ako sa internet ayun yung nasa isip ko.

Nung tapos na ako magluto ng kanin at ulam nagayos na ako plates, spoon, fork and glass of water. Naglagay pa nga ako ng design para matuwa sila.

Tinawag ko sila para kumain sumunod naman sila makikita sa mata ni mama na malungkot sya pero pinipilit naman niyang maging masaya at ipakita samin na okay lang sya.

Nilibang ko lang sila sa pagkain, dinadaldal ko sila at pinapatawa. Ang saya nga na nakikita kong tumatawa sila. Pag masaya sila masaya na den ako.

Pagkakain naghugas lang ako ng pinggan, naglinis sa kusina at nagwalis sa buong bahay. Medyo napapagod na ako pero di ko pinapahalata nasa sala kasi sila mama at bj nanonood sila ng movie.

Pagkatapos ko ngang magwalis tumabi na ako sa kanila na may dalang chips and juice. Nag movie marathon lang kami ng mga 2 hours.

Napagdesisyunan namin na sama-sama na kami sa isang kwarto. Which is sa kwarto ko actually pinilit ko sila ayoko kasi sa kwarto ni bj kasi masyado maliit saming tatlo, lalong ayaw ko sa kwarto nila mama kasi baka maiyak lang si mama don kaya sabi ko kwarto ko nalang.

After ilang minutes mula nung pumunta kami dito sa kwarto nakatulog na din silang dalawa. Napagod kasi kakanood tapos habang nanonood kasi naghaharutan den kami kaya ayun bagsak silang dalawa. Naiwan akong gising obviously diba. Kaya kinuha ko yung phone ko tapos chinat ko yung mga friends ko then nagcall kami.

Kinuwento ko sa kanila lahat ng pinagdaanan ko ngayong araw. Habang nagkukwento nga ako naiyak ako e. Hindi ko kasi maiwasan kasi naging papa's girl den ako kaya sobrang sakit para sakin na tanggapin yung nangyare.

Nagusap-usap lang kami ng mga friends ko then cinocomfort lang nila ako. Natouch nga ako e kasi pinapasaya nila ako hindi nga nila hinahayaan na habang naguusap kami e malungkot ako.

Nagpatulong nga den ako sakanila kung may alam silang hiring ngayon. Kaso sabi nila wala sinabi din nila na wala daw talaga ako mahahanap kasi nga daw may virus daw ngayon. Sarado karamihan ng mga kumpanya or mga establishments.

Pagkasabi nga nila non nalungkot ako pero may sinuggest yung kaibigan ko na bakit hindi daw ako magonline sell yung pinsan nya daw nagtitinda daw ng sako-sako ng mga ukay na pwedeng ionline sell mabenta daw yun ngayon.

Sabi ko naman pag-iisipan ko pa kasi di naman ako ganon kadaldal mostly nga tahimik lang ako. Naingay lang ako kapag may kasama akong kaibigan ganon kaya sabi ko pagiisipan ko muna. Tsaka nakakapagod den kasi ng sobra yon baka di ko na maasikaso sila mama.

Pagkatapos namin mag-usap about don sa ukay nagpaalam na den kami sa isa't-isa kasi mga inaantok na sila kaya pinatay na den namin yung call.

Nung pinatay na yung call nagscroll nalang ako sa tiktok para pangpaantok ganon tapos napapasayaw pa nga ako e.

Pero nagulat ako nung nagchat yung tita ko na kapatid ni Papa.

"Keila pasabi sa mama u ung utang nya dw kay ky mama byarn na tutal hiwalay na nman sila ng kapatid qo" Sabi ni tita.

Pagkabasa ko nun automatic na nainis ako kasi bakit? Bakit ganon yung rason na hiwalay na naman kaya sisingilin na tsaka ano ba yung utang ni mama? Alam ko sila ang may utang samin e. Pero dahil tita ko pa din sya at kapatid pa rin sya ng papa ko nagchat ako ng ayos sakanya.

"Tita anong utang po iyon?" Maayos na sabi ko.

"Sbi ni mama q ginastos nyu dw nng ipinanganak nya si bj ung kulang kamo ung ipambabayad nila sa bill si mama q angnagbayad sabihin mo sa mama u alam nya un." Reply sakin ni Tita.

Nagulat ako ng sobra grabe bakit? Anong pinapalabas nila? Sobra akong nastress sakanila kaya tinanong ko nalang si tita kung magkano ba yun sabi nya 6k daw.

Napahinga nalang ako ng malalim sabi ko babayaran namin next week. Pero di ko yon sasabihin kay mama ayoko na dagdagan yung stress nya at yung galit nya kay papa kasi pamilya nya yung gumagawa ng issue e.

Habang nagiisip ako ng paraan pano ko mababayaran yung 6k next week nagulat ako sa nagtext sa akin.

"Anak kumusta na kayo dyan? Alam mo na ba? Mahal mo pa rin ba si Papa?"

------------------------------------------------------

Hi mga vebs sensya na di ako nakapag update tom eto na bawi ko hope u guys enjoyyy! Sana wag kayo magsawa basahin yung story ko labyu all!❤️

A girlWhere stories live. Discover now