"Anak kumusta na kayo dyan? Alam mo na ba? Mahal mo pa rin ba si Papa?"
Napatawa nalang ako alam nyo yung sarcastic na tawa ganon lang naging reaksyon ko. Bakit ganon sya magchat parang normal lang sakanya lahat.
Hindi ko alam kung ano dapat kung maramdaman sa mga chat niya ni hindi ko nga alam kung anong irereply ko, kung paano ko ba sya makakausap ng maayos kasi hindi ko alam kung pag nag-usap ba kami manabastos ko sya kasi sariwang-sariwa pa yung sakit na ginawa nya samin lalo na kay mama.
Pero naisip ko den na kahit na anong mangyari papa ko pa rin sya kaya kahit nangingig ako nireplyan ko pa rin sya ng may respeto.
"Okay lang po" maikling reply ko sa kanya. Sa sobrang frustration ko pinatay ko na yung phone ko na hindi na hinitay yung reply niya.
Natulog nalang ako kahit di naman ako inaantok.
*Kinabukasan*
"Kei anak gising na" mahinahon na sabi ni mama sakin kaya dahan-dahan akong tumayo. Naghilamos lang ako saglit tapos kinausap ko na ulit si mama.
Sinabi nya na tinawagan daw sya ni tita na sigurafuhin daw namin na bayaran daw yung 6k wala na daw libre sa mundo.
Naawa ako kay mama kasi nakita ko sa mukha nya yung sakit at stress. Kaya sinabi ko sa kanya na ako na bahala sa 6k wag na nyang problemahin.
Kiniss ko lang syang sa noo then bumaba na ako para magluto ng almusal kasi nakaisip na ako ng paraan pano para magkapera kaya binilisan ko na sa kusina para masimulan yon.
Pagkakain naming tatlo naligo na ako tapos sinabi ko na kay mama yung gagawin ko para aware sya. Nung una ayaw nya kasi daw mahihirapan ako pero para sakin okay lang naman.
Inayos ko na yung mga gagamitin ko para sa pagtatrabaho. Kinuha ko yung camera, ring light at last inayos ko na yung background ko.
Ano mga be nahulaan nyo na ba? Comment down below makahula may 100pesos sa gcash.
(HAHHAHAHAMGA BE CHAROT dayain nyo pa ako mga depungal kayo HAHAHAHHAHAHA. NEXT TIME NA PAG MAY MONEY NA AAMBUNAN KO KAYONG ALL.)
Sa mga nagisip dyan opo yes po magvovlog po ako sa ngayon kasing pandemic lahat halos boring kaya papasayhin ko yung mga tao sa pagvvlog ko naisip ko den maglive. Hindi ako madaldal pero eto lang yung nakikita kong paraan na madali akong kumita, maeenjoy ko tapos makakatulong pa ako sa ibang tao na mawala den yung mga stress nila.
I'll try my best na magpasaya ng tao. Naisip ko na ivlog ngayon ay morning routine kaya inayos ko na mga kaeklavuhan ko sa buhay tapos ayun nagvlog vlog na ako.
Nagluto na den pala ako ng extra na ulam sabi ko kasi kay mama na busy ako buong maghapon kasi mavvlog and live ako.
Tapos na ako mavlog then edit ko nalang sya later mga gabi ganon. Ngayon gagawin ko naman live sa fb madami naman ako followers e. Kaya naisip ko na maglive habang naglalaro ng call of duty ganon.
Mga 2 hours lang ako naglaro naka earn naman ako ng star kaya ang saya saya ko. Tsaka ka nga pala naisip ko den mag ukay pero kailangan ko muna matutunan kung paano magtinda ng ganon tsaka san kukuha. Makakaya ko den yon.
Nakakapagod pala tong ginagawa ko pero okay lang naman sakin. Bumaba muna ako para kumuha ng meryenda tsaka titingnan ko na den sila mama 2 pm na pala.
Hinanap ko sila sa mga room nila yun pala nandom sila sa labas natutulog sa tent nagcamping siguro sila . Sayang di ako nakasali sana nakita ko sila nakangiti.
Hays nakakamiss yung saya ng bahay na to pero wala e yung haligi na mismo yung bumitaw at nagloko.
Kumuha lang ako chips tapos nagisip na ako ng ibang gagawin. Tapos naalala ko yung isa na sinuggest ng kaibigan ko na influencer bakit daw di nalang ako magtiktok marunong naman daw ako sumayaw.
Kasi daw sa tiktok pag sumikat ka pwede kang kumita dahil sa mga sponsor kaya dali dali ako nagbihis tas nagtiktok ako tapos pinost ko. Sana lang maging okay ang kalabasan nitong pinasok ko kahit di ko naman sure kubg tama.
Maya maya lang nagulat ako nung tumawag mga friends ko pero sinagot ko den naman.
"Hiiiii" sabi ko.
"Mhieee nakita ko yung mga tiktok mo sobrang ganda mooo bakit mo pala naisipan magtiktok ha?" Sabi ni tricia yung influencer kong friend.
"Oo nga mhie diba tamad na tad ka sa tiktok?" Sabi ni jc gay na friend namin.
"Para sa universe mga te" pabiro pang sabi ko.
"Ay oo nga palaaaa so sinunod mo yung sinuggest ko so kumusta ka naman? Kayo ni tita?" Sabi ni tricia.
"Kinagat ko na rin yung suggest mo mhie alam mo na kwarta den yon naglive nga den ako e di nyo ba nasee natuwa nga ako kasi may nanood sakin may ilan den na nagbigay ng star" masayang sabi ko.
Nagkuwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Tinuruan na nga din nila ako kung paano magtinda nung ukay kaya medyo may idea na ako. Magiipon muna ako tapos saka ko naman idadagdag sa raket yon.
Naniniwala ako sa sarili ko na malalampasan den namin tong problemang to laban lang para sa groceries HAHHAA.
Habang naglilinis ako ng pinaggamitan ko sa vlog at live may biglang tumawag sakin sa skype.
*Calling Christian Ozark*
Napaisip ako sino yon? Pero sinagot ko na rin naman agad para malaman ko kung sino sya.
"Ano ba yan pandak antagal mo namang sagutin gano ka ba kabusy ha?" Sabi nya.
"H-hi?" Akward na bati ko kasi hindi ko talaga siya matandaan e. Hindi ko naman sya kaklase nung highschool, hindi ko kaklase ng elem, lalong di ko sya bestfriend nung kin-
"Hindi mo na ako kilala no? Ako to si Chris bungi yung bestfriend mo nung kinder"
Literal na in shock ako kasi naalala ko na sya kasi childhood bestfriend ko yan wahh grabe namiss ko sya.
"Hala ikaw pala yan bungi ang ganda na ng ngipin mo ah glow up yarn" pangaasar ko sakanya.
Nagusap, nagkwentuhan at nagasaran lang kami hanggang inabot na kami ng ilang oras sobrang namiss namin yung isa't-isa good old days grabe.
Sana magkita na ulit kami.
------------------------------------------------------
Hi mga vebs pasensya na late na yung update naging busy lang talaga. Sana magustuhan ninyo ito at salamat sa pagbabasa.
Hello din pala sa mga silent readers ko dyan sobra ko kayong naappreciate. Tsaka don sa mga nagvovotes naappreciate ko kayo sana di kayo magsawa sa story ko salamattttt.

YOU ARE READING
A girl
Teen FictionThis story is about family and the problems that usually the teenagers have. This days a lot of students and teenagers have a family problem because of their parents are strict, conservative and last they did not listen to their children insights be...