Love Hate TEN

995 42 5
                                    

Parang bumagal ang takbo ng orasan ng makita kong papalapit sa mesa namin ang lalaking labis na nagbigay ng sakit sa aking dibdib. Ramdam ko ang panlalamig ng bawat bahagi ng katawan ko habang siya ay matamang nakatingin sa akin habang naglalakad.



" Happy Birthday Muriel. " Bati ni Sir Phillip na kararating lang ng lapitan sila ni Ms.Muriel. At oo, kasama niya ang 'fiance niya', tingin ko matagal na din itong kakilala ng mga co-Professor nila dahil magkakakilala na ito at makikita mong komportable na sila sa bawat isa.



"Av, " ngumiti si Sir Phillip kay Ms.Saavedra.

" Phillip." tipid na ngiti naman ang ibinigay dito ni Ms.Saavedra, ramdam ko pa rin ang tensyon sa kanilang dalawa.


Tiningnan ako ni Sir Phillip at ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Akala ko okay na ako. Akala ko I'm ready to move on, pero bakit masakit pa din? Pakiramdam ko maiiyak nanaman ako, hindi ko alam kung ano nanaman tong pakiramdan na to.



Nauna na kong nag iwas ng tingin dahil hindi ko na alam kung saan pa kukuha ng lakas para tingnan niya. Ramdam ko ang malalamig kong kamay na nagsisimula ng manginig dahil sa inis? sa selos? hindi ko din alam. Kinuyom ko ang aking kamay sa ilalim ng mesa at pilit na inaayos ko ang sarili.




Laking gulat ko ng biglang may mainit na palad ang sumayad sa nakakuyom at malamig kong kamao sa ilalim ng mesa. Pilit niyang kinuha ang mga kamay ko at pinagsalikop ang aming mga palad. Ramdam ko ang lambot ng kanyang palad na tila ba bulak pag iyong hinawakan.



Nagtataka akong tumingin sa kanya ng nakakunot ang noo dahil sa ginawa niya. Pero hindi siya nagsalita at nginitian lang ako. Really? She's smilling at me? She's not even drunk ano kaya nakain ni Ma'am? Hinayaan ko nalang na magkahawak ang aming mga kamay dahil feeling ko ay kailangan ko ito ngayon. Wala namang mawawala sa akin at siya naman ang nag initiate ee.




Umupo sila Sir Phillip sa harap namin nila Ms.Saavedra kaya magkakaharap kami ngayon.  Walang ka idea idea ang iba naming kasama na may tensyon sa pagitan naming tatlo. Kung alam lang ng mga kaibigan ko ang nangyari tiyak na ura urada kaming aalis dito. Nagpapasalamat pa din ako at hindi nila alam.




Tuloy lang tawanan at kwentuhan ng lahat, pero kami ni Ms.Saavedra ay tahimik lang na magkahawak ang kamay ng palihim. Paminsan minsang nakikita ko ang pagsulyap sa akin ni Phillip pero hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin.





Paminsang minsang binibitawan ni Ms.Saavedra ang kamay ko pero madalang lang iyon at pansin ko rin na nakakapanibago siya ngayon dahil mabait ata ito ngayon sa akin. Siguro na guilty lang siya sa ginawa niya sa akin nung nakaraan sa parking. Ewan ko.



Sa paglalim ng gabi ay tuloy din naman ang pag ingay dito sa loob ng Beer and Music. Tila sumasabay sa maingay na tugtugin ang tawanan ng bawat isa. Hindi kami sumabay ng pag inom sa mga kasama naming Professor dahil nakakahiya naman, kaya tamang kain at chika lang ang ganap namin ngayon.


Unti unti ng nagpapaalam ang mga bisita ni Ms.Muriel at kami ng mga kaibigan ko ay nagpaalam na rin dahil may klase pa bukas. Nagpasalamat naman si Ms.Muriel sa pagpunta namin.

Bago pa kami makaalis ay bigla kaming tinawag muli ni Ms.Muriel.



" Guys wait " pigil niya ng patayo na sana ako sumunod kina Robin na nakatayo na. Napalingon kami sa kanya ng nagtataka.



" Yes Miss?" magalang na tanong ni Robin.


" I forgot. This weekend I'll be having a beach party you can come if you're free" nakangiting wika nito sa amin.



Love, Hate ( Teacher X Student ) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon