Love Hate TWENTY THREE

865 34 2
                                    

𝐓𝐔𝐄𝐒𝐃𝐀𝐘

Nakaupo ako sa aking upuan malapit sa bintana kung saan tanaw ko ang mga puno ng mangga na lumililim sa parke na katabi lang nitong aming bldg. habang inaantay ang aming Propesora para sa first subject.

Nakapangalumbaba ako habang pinanonod ang iilang estudyante na gumagawa ata ng kanilang assignment sa mesa na nakapwesto sa ilalim ng puno ng mangga.

" Good Morning Ms.Fuentebella, Am I interrupting your daydreamin?" malamig na tono ng boses ni Ms.Saavedra ang nagpabalik sa akin sa katinuan. Kaagad akong umayos ng upo at napatingin kay Robin, kanina pa pala ako nito ipinapakalabit sa aking katabi.

" I am sorry Miss, " nakayukong hingi ko ng paumanhin dahil ang aga aga ay napagtawanan ako ng mga kaklase ko. Tss. Talaga ba? Kailangan pang i broadcast na nanaginip ako ng gising. Tss.

When I looked at her, inismiran niya lang ako at saka tinalikuran at inayos ang kanyang mesa sa harap. Binalewala ko na lang ang kanyang ginawa, tss. Sya pa gumaganyan? The Nerve of that woman!

Since bumalik kami sa Manila ay pilit ko na talaga siyang iniiwasan, for the nth time. Hopefully, maging successful ito this time.

Nasa kalagitnaan na kami ng klase, ni tapunan ng tingin ay hindi nito ginagawa. Pake ko? tss.

Habang busy sa pagtuturo ang titser kong masungit ay siya namang sunod sunod na katok ang nagpatigil dito.

" Why?" tanong nito ng pagbuksan ang kumakatok.

" Ms.Fuentebella is being summon to the Presidents Office ma'am" sagot ng isang babae na tingin ko ay estudyante rin. Kinabahan naman ako ng marinig ko ang aking pangalan dahil first time ko ata maipatawag sa Pres.Of.

Tiningnan ako ni Robin ng nagtataka at nagtatanong na sinagot ko naman ng kibit balikat lang.

" Why is she being summon?" mataray na tanong muli nito.

" They dont tell, but the Owner of the Uni. is there. And they want Ms.Fuentebella ASAP." dirediretsong sagot naman ng babae.

Kita ko ang pagtango ni Ms.Saavedra sa sinabi nito.

" Ms.Fuentebella to the Pres.Of. " Mataray na turan nito, akmang bubuhatin ko na ang bag ko ng muli itong magsalita

" Leave your things, I think it will not  take that long" malamig ang boses na saad nito, kaya ura urada akong tumayo at tanging ang aking sarili at kaba sa aking dibdib ang aking bitbit.

Inihatid ako ng estudyanteng tumawag sa akin hanggang sa harap ng pinto ng Pres.Of. Agad rin namang itong nagpaalam at ako naman ay nagpasalamat rito.

Bago kumatok ay huminga muna ako ng pagkalalim lalim dahil hindi ko talaga alam bakit ako ipinatatawag ngayon rito. Sa pagkakaalam ko wala naman akong nilabag na University Rules. Limang minuto rin akong nakatayo sa harap ng pinto ng mapagpasyahan kong kumatok.

• TOK TOK TOK

Agad na bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Ms.Muriel na tila ba nagulat rin ng makita ako.

" What are you doing here Ice? " nagtatakang tanong nito.

" I-thought I was being called by the -- " hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin ay natigilan ako ng tawagin ang pansin namin ng tinig ng isang lalaki na tingin ko ay kasama ni Ms.Muriel sa loob.

" I think you got the wrong lady here." puno ng pagtataka ang boses ni Muriel ng sagutin ang itinatanong ng kasama niya sa loob.

Kita ko naman ang pagtango ni Ms.Muriel sa sinasabi ng kausap, matapos nilang mag usap ay binuksan ni Ms.Muriel ng maluwang ang pinto at agad akong pinapasok.

Love, Hate ( Teacher X Student ) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon