Prologue

3.1K 70 10
                                    

A/N: Ito na naman ang naisip kong isulat hahaha. Ang dami kong on going na stories wala pa ako natatapos kahit isa 😁. Pero sana suportahan nyo pa din.Pers taym ko magsulat ng ganitong genre. Beware with my grammatical errors!

***
" Ponkan! " naglalakad ako ng may tumawag sa akin habang nasa hall way ako school. Agad naman itong kumapit sa braso ko kaya natawa nalang ako at hinayaan nalang.

" Pauwi ka na ba? " tanong nito habang ako naman ay nakatingin sa daan.

"Oo. Bakit? " Alam ko kase na may hihilingin ito sa akin eh pag ganito sya. Kumalas naman ito sa braso ko kaya napatingin ako sa kanya.

" Samahan mo naman ako sa mall may bibilhin lang...pls? " nag puppy eyes naman ito na parang pusa kaya napairap nalang ako. Wala na sana akong balak pang pumunta kung saan ng hatakin ako nito sa braso ng sakto naman na dumating ang sundo nya. Tsk.

Sya lang naman ang kaibigan kong clingy, walang iba kundi si Briana Cyril Chua. Isa syang half Filipino-Chinese.

Pagdating namin sa mall ay agad naman kaming pumasok sa loob at nagpunta sa bilihan ng mga damit. Tumingin tingin naman ako kaso inabot na kami ng ilang oras ay wala pa din syang napipili tsk. Sasabunutan ko na ito eh.

"Halika ka na nga!" hinatak naman ako nito papuntang counter sabay dampot sa isang tela. Dahil sa kakamadali ng letseng babaeng 'to di sinasadyang may nabangga kaming babae na halos katayin na kami sa titig nito.

"Hell! Nabingi ata ako dahil sa lakas ng pagmura nito ng tignan kami sa mata. Pupunasan ko na sana sya dahil natapon lang naman sa kanya 'yong hawak nyang milktea. Nahihiya naman na pupunasan ko na sana ang basa nyang damit ng bigla nya akong pigilan.

"Next time, tignan nyo muna dinadaan nyo! get lost! " sabay nilampasan naman kaming dalawa at napanganga nalang kami ni Briana Napatingin pa kami kung saan sya dumaan pero wala na sya kaya umuwi nalang kami pagkatapos bayaran Ni Briana ang walang kwentang binili nya.

"ano ba naman 'yan Briana, yan lang binili mo?" Inirapan ko lang ito ay nauna ng maglakad sa kanya. Natatawa naman syang sumunod sa akin habang papalabas na kami ng mall. Kung hindi lang sana ako hinatak ng babaeng ito eh hindi sana kami natarayan ng babaeng 'yon. Mga matang walang emosyon.

Miss Gen ( Profxstudent)  ( GxG) prof Series1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon