Pagkatapat ko sa 2 storey na bahay ay agad naman akong nag door bell at nakita ko si Miss Rodriguez na lumabas at binuksan ang gate at pinapasok ako sa loob.
Malawak ang bakuran ng bahay at maging sa loob ay malawak.
" Take a sit. Kukuha lang ako ng maiinom..." Pinagmasdan ko muna ang buong paligid at may mga nakasabit na mga larawan kung saan madaming award si maam at may katabi syang dalawang tao sa gilid nya, marahil ay mga kapatid, kasama nya din dito si Dean.
" Uminom ka muna..." nilapag ni maam ang juice na tinimpla nya at umalis ulit sya at umakyat sa taas. Pagkapasok ko dito sa sala ay nakita ko na ang mga box na may mga laman ng inaayos ko sa office nya baka dinala nya dito lahat.
Inumpisahan ko naman na ayusin 'yong mga papel para matapos ko na dahil halos lahat na ata ng mga hawak nyang subject ay sa akin nya pinapagawa pra check-an. Manual ko pang ginagawa ito.
Napansin ko naman na nakababa na pala si maam at nagpalit lang pala sya ng pambahay at kinuha nya ang kanyang laptop marahil sa kwarto para gawin siguro ang iba nyang trabaho. Ewan ko ba dito kay maam bakit ako pa naisipan nyang utusan para gawin ito lahat, eh madami naman syang hawak na students. Napabuntong hininga na lamang ako.
Tumabi naman ito sa akin dahil nakaupo ako sa mahabang sofa at tamging white sando ng suot nya at naka ponytail ang buhok. Shuta ka naman maam, why naman ganun.
"a-ahh maam, parang ang init... " usal ko kase naman ang aga pa para mag init. Kaso naman ang init view.
" Sorry, nakalimutan ko buksan electric fan..." sabi naman nya kaya tumayo sya at sinaksak electric fan kaya 'yong mga ibang papel ay
nilipad ng hangin shuta naman ugh!Kaya napatapik nalang ako sa aking noo dahil sa stress ugh! Dali-dali ko naman na pinatay ang electric fan at agad na pinulot ang mga papel na nagkalat sa sahig.
" ouch! " napadaing naman ako ng maramdaman ko ang presensya ni maam dahil nagkauntogan pala kami sa pagdampot sa huling papel kaloka naman. Bigla akong napatayo at inayos ang sarili dahil shuta ang init ng view. Mas lalo pa akong napapitlag dahil sa pagkahawak nya sa kamay ko habang dinadampot ang papel.
" Maam, baka naman may aircon ka po dito sa bahay mo? Hehe" nag peace sign nalang ako ng bigla itong nagpameywang.
" I don't have aircon here, Ortega..." nakita ko pa itong nagpupunas ng pawis sa leeg shuta naman maam, ang kinis! --ano ka ba naman Orange ang bastos mo! Proffesor mo yan gaga ka self!
" ahh okay po, " gusto ko sana sabihin sa kanya na magpalit sya ng suot nya kase naaakit ako tse!
" Wait me here, may kukuhanin lang ako sa taas..." medyo nakahinga naman ako ng maluwag ng umalis sya saglit dahil para na akong malalagutan ng hininga dahil sa nakikita ko fvk!
Paano ba naman kase litaw 'yong malaki nyang hinaharap!shuta 'yong inosente kong mga mata! Napatakip ako bigla ng kamay sa mata ko at pumikit ng madiin at pinakalma ang sarili ko. Ano ba itong pinasok mo self
Napainom ako ng tubig sa pitsel kaloka nakalimutan ko gumamit ng baso basta ko nalang tinungga at sya naman pagbaba ni maam ng makita ang itsura ko at kumunot ang noo nya. May hawak syang air cooler at napansin ko din na nagpalit ulit ito ng damit na medyo manipis.
Napamaang nalang ako sa kanya at nagtaas baba ang aking paningin. Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong pitsel ugh!
" Eyes up here Ortega... You might catch a fly..." saka ako inirapan. Maam naman kunti nalang talaga wag kang ganyan.
Binuksan naman nya ang air cooler at ako naman ay huminga ako ng malalim para pakalmahin ulit ang sarili dahil sa atmosphere na namamagitan sa amin kaya inabala ko ulit ang aking sarili sa mga papel sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Miss Gen ( Profxstudent) ( GxG) prof Series1
De TodoGeneses Rodriguez a culinary arts professor...cold , mysterious, doesn't even know how to smile.... Orange Ortega...a culinary arts student .. pressident of student council.. friendly.. reputable person. Can orange make a change ? Mapapatawa nya Ka...