" Uy ponkan!" nagulat naman ako ng biglang sigawan ako ni Brianna kaya bigla ko syang binatukan dahil sobrang sakit sa tenga ng boses nya tinutok ba naman sa tenga ko. Napadaing tuloy sya.
" bakit ka kase nakatulala jan? Kanina pa ako nagsasalita dito, di ka din pala nakikinig... " may himig ng tampo sa boses nito habang hinihimas ang ulo nya.
" Wala naman... " Napatingin ito sa akin bigla at sinisipat ako at hindi sya kumbinsido sa sinabi ko. Brianna is always Brianna yan.
" Talaga ba? Eh itsura mo palang para kang nalugi at namatayan... Char " sinamaan ko sya ng tingin at aakma ko sana ulit syang babatukan ng bigla nyang binawi sinabi nya. Nandito kami ngayon sa may bench habang naghihintay ng susunod na class namin kay Miss Rodriguez at ilang araw ko na din syang hindi nakikita at si Sir Edward ang pumapasok sa klase nya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya bakit sya laging wala at mas ok na din 'yon para di ko sya makita...
At sa pagtuturo nito ay ako palagi ang pinapatuyo nya sa loob ng klase namin. Ewan pero naiinis ako sa kanya, ok naman ang pagtuturo nya pero unfair naman sa iba kong kaklase na nagtataas ng kamay at ako palagi ang tinuturo para sumagot, buti sana kung si maam ok lang sa akin---hayy ano ba naman self erase erase ugh
Nauna na akong magpunta ng canteen dahil si Brianna ay pumunta pa ng comfort room kaya naghanap nalang ako ng mauupuan namin at binati ako ng mga students na kumakain, 'yong iba sa kanila ay inaaya pa akong kumain kasama nila pero tumanggi ako dahil may kasama ako.
Pagkatapos namin maglunch ay nagpaalam muna si Brianna dahil may training daw sya ngayon as a swimmer. Oo, isa syang swimmer athlete hindi lang halata sa kanya.
Ilang minuto din ang tinagal ko sa music room ng maisipan ko ng magpunta klase namin. Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala pa si Sir Edward kaya tumabi muna ako kay Brianna at nagbuklat ng notes ko baka kase patayuin na naman ako mamaya sa klase.
Natahimik naman ang mga kaklase ko at bigla akong siniko ng katabi ko pero hindi ko sya pinansin abala ako sa pagbabasa ng notes ko ng madinig ko ang kanyang tinig na nagpatindig na naman ng balahibo ko,kusang umangat ang aking paningin sa may harapan kung saan nakatayo sya.
" Good afternoon class... " bati nito sa buong klase. Agad naman na binati namin sya pabalik. Ilang araw matapos ang nangyari sa bahay nya ay ngayon ko nalang ulit sya nakita, akala ko ay hindi pa ito papasok.
" Kala ko si Sir Edward pa ang magtuturo sa atin, " bulong ni brianna habang nagsisimula ng maglecture si maam. Nakasuot ito ng salamin ngayon at bagay sa kanya ang suot nya.
Inabala ko nalang muna ang sarili ko para magbasa ng notes ko, total naman ay hindi na si sir ang magtuturo. Hayyy ito na naman ako at balik sa dati kong ginagawa, Iniiwasan ko ulit sya at sana this time wag ka muna maging marupok self
Siguro nga hanggang tingin nalang ako sa malayo, malapit naman sya pero hirap pa din abutin, parang bituin sa langit
Nasa bandang dulo kami nakaupo ngayon ni Brianna nakipag exchange ng upuan sa mga boys sa likod at 'yong isa sa kanila ay may gusto daw sa akin, Si kenneth. Ngumiti lang ako sa kanya at saka na bumaling ang atensyon sa notes ko.
"Ortega..." hindi pinansin kung sino man 'yong tumatawag ng pangalan ko. Wala naman pwede tumawag sa akin dahil may klase pa ako.
Di ko namalayan na sinisiko na pala ako ng katabi ko ng may tunog ng takong ang papalapit sa kinauupuan ko kaya ito na naman ang puso ko na dumadagundong sa kaba.
" You're not listening Ortega..." Sabay halukipkip nito at irap sa akin pag angat ko ng tingin. Kahihiyan na naman ang inabot ko ngayon sa klase. Since di ako nakasagot kung bakit nya ako tinatawag ay sandaling naputol ang tensyon dahil sa pagsagot ng isa kong kaklase sa bandang harapan sa row nila Kenneth.

BINABASA MO ANG
Miss Gen ( Profxstudent) ( GxG) prof Series1
DiversosGeneses Rodriguez a culinary arts professor...cold , mysterious, doesn't even know how to smile.... Orange Ortega...a culinary arts student .. pressident of student council.. friendly.. reputable person. Can orange make a change ? Mapapatawa nya Ka...