Orange's POV
Its been a week matapos mangyari sa amin ni Genesis sa music room at sinimulan ko na din itong iwasan at hindi na din ako nagpupunta pa sa faculty kung saan ang office ng mga proffesors.
Nagkakatagpo lang kaming dalawa dahil sya pa din ang subject namin sa culinary. Hindi na din ako nakikipag participate sa klase nya na hindi katulad dati. Ganun pa din naman pinapakita nyang emosyon sa tuwing magkakasalubong kami sa hall way pero mabilis akong naglalakad para lang umiwas sa kanya.
Sa totoo lang ay pagkatapos ng araw na 'yon ay ang bigat bigat ng pakiramdaman ko feeling ko ay magkakasakit ako. Kaya naapektuhan ang kalusugan ko at hindi ako pumasok ng tatlong araw. Ayaw ko pa sanang pumasok sa school pero napilitan nalang ako bumangon at maligo.
Walang gana na kinuha ko ang bag ko at bumaba ng hagdan at nakita ko si mommy na nasa living room katabi si mama khaelle.
" Hi mom/ma!" bati ko sa kanila at agad naman na humalik ako sa pisnge nilang dalawa.
" Kumain ka muna nak, bago pumasok ng school ha? " saad ni mommy habang pinaghahandaan ako ng makakain sa lamesa si mama naman ay busy naman itong nagbabasa ng magazine at sumisimsim sa kape nya na marahil ay tinimpla ni mom.
"Mom, wala ka pong klase ngayon? Bakit di ka pa nakabihis? "tanong ko habang kumakagat ng sandwich na bigay nya sa akin.
" Meron nak. Pero mamaya pa naman ng 10am. Ihahatid ako ng mama mo" ngiti nyang saad at tumingin pa ito kay mama.
Pagkatapos kong maubos ang pagkain ko ay nagpaalam na ako sa kanila at nagpahatid nalang ako sa family driver namin dahil wala akong ganang mag drive ngayon.
Pagdating ko sa corridor ay natanaw ko anga dean ng school which is ka close ni Miss Genesis, Hindi ko nalang ito pinansin at deretsong naglakad papunta sa room namin at bumungad sa akin ang mga mukha ng mga kaklase ako at nagsi tahimik silang lahat ng maupo ako s amay bandang harapan.
Wala pa si Brianna kaya nag open muna ako ng phone ko at nagsimulang manuod ng gap the series. Sinaksak ko ang headset ko sa tenga at pli nay ang episode 11/1.
Nasa kalagitnaan na ako ng pumasok sya at nilagay ang mga gamit sa ibabaw ng table. Napatingin ito sa akin saglit at humarap sa buong klase. Napansin ko ang mga malalalim nyang mga mata kahit na natatakpan iyon ng concealer.
Pinagmasdan ko lang sya habang nagtuturo, pero panay nakaw naman nya ng tingin sa akin at nahuhuli ko syang napapasulyap.
BINABASA MO ANG
Miss Gen ( Profxstudent) ( GxG) prof Series1
RandomGeneses Rodriguez a culinary arts professor...cold , mysterious, doesn't even know how to smile.... Orange Ortega...a culinary arts student .. pressident of student council.. friendly.. reputable person. Can orange make a change ? Mapapatawa nya Ka...