Chapter 1

27 2 0
                                    

Here comes the rain!

Pagbaba ko ng bus ay sakto naman ang malakas na pagbuhos ng ulan. Mahigit pitong oras ang biyahe from Manila to Baguio, mabuti nalang tinulungan ako ng kunduktor ibaba ang gamit ko. Mukang nakalimutan ko pa ang payong sa sobrang excited na bumiyahe.

Dahil sa matinding ulan at malamig na klima, nakaramdam ako ng ginaw, idagdag mo pang basa na ang suot kong damit. Pinagpagan ko ang sarili ko, halos hindi mo na makita ang daan dahil sa kapal ng fog, nakakabingi rin ang lakas ng ulan--hindi na halos marinig ang usapan ng mga tao.

Huminto ang taxi sa tapat ko, "Sasakay ka ba?"

Tumango ako. Naka-hazards ang sasakyan nang bumaba ito. He carried my luggage and placed it behind the driver's seat. "Wala akong payong." I mouthed. His forehead creased.

I ran to the taxi without umbrella—leaving myself wet inside the passenger's seat. The door closed when the driver went in.

"Oh my gosh! I feel cold." I locked the car's door.

"Saan ka?"

"Fairview, near elementary school?"

"Sigurado ka?" Tumawa siya ng mahina

"Here, alam mo ba kung saan to?" I showed my phone para ipakita yung restaurant kung saan malapit sa tutuluyan ko.

Tumango ito and started driving.

[Music played]

The music fits with the rain. I suddenly felt being alone. I came here to start a new. I left Manila leaving all the painful memories from yesterday.

Unti-unting lumakas ang ulan at hangin, ganun din ang makapal na fog hanggang sa nagkaroon ng traffic. Ilang minuto na at hindi pa umaandar ang taxi. Bumaba ang driver para silipin ang kalagayan sa labas. Pinanood ko siyang kausap ang ibang driver.

"Stranded tayo." Sabi nung driver nang makabalik ito. Tumingin ako sa kanya ng may pagtatanong.

"Pasensya na, mukhang kailangan pa nating pakalmahin ang bagyo." Aniya

"Madalas bang traffic dito?"

"Madalas sa umaga. Madami siguro ang tao ngayon kaya nagka-traffic, stranded sila dahil sa bagyo."

"Hindi ko alam na may bagyo pala ngayon."

"Yup. Kung nanuod ka ng news."

"Maaraw kasi sa Maynila. Hindi na rin ako nagkaroon ng time para manood ng news nung nakaraang araw."

"Estudyante ka rito?" Tanong niya sa akin na ikinailing ko.

"Planning to work here?" Napatingin ako sa kanya

"H-hindi naman"

"Kung ganun, nasa bakasyon ka?"

"I decided to live here."

"I see."

Hindi na siya umimik pa. Umaandar na din naman ang sasakyan pero pakonti-konti. Tanging ilaw ng sasakyan at ilaw na galing sa mga poste ang nagpapaliwanag para makita namin ang daan na tinatakpan ng makakapal na fog.

Nakikita ko rin ang maraming tao na nag aantay ng taxi. Ang iba ay nakasilong sa mga stablishments para hindi mabasa.

"Kung okay lang sayo mag stop over sa convenient store hanggang sa humina ang ulan?"

Napatango naman ako dahil mukhang wala naman kaming choice dahil sa bagal ng traffic. Nakahanap siya ng space kung saan niya idinaan ang sasakyan. Binusinahan pa nga kami ng ilan dahil muntik ng makabangga. Nakakunot tuloy ang noo ko na tumingin sa kanya.

BAKA SAKALITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon