In two weeks medyo nakakapag adjust na rin ako sa buhay dito sa Baguio. Maaga na rin akong nagigising lately para makapag workout. Minsan nararating ko ang court at nanonood ako ng mga nagte-tennis doon. Minsan naman mga matatandang nagzu-zumba ang naaabutan ko at ang cute lang nila. May schedule ata sila.Madaming students at turista ang mga pagala gala sa session, kahit nga alas onse na ng gabi marami pa rin ang mga tao sa labas. Wala nga lang akong masyadong nakakasama dito para gumala, hindi ko rin naman masyadong nakikita iyong si Nico dahil masyado siyang busy sa sideline niya at sa law school. Minsan nakakasalubong ko siya ng hapon, papasok pa lang siya ng ganong oras.
Pabalik na ako ng unit, galing ako sa labas dahil kakatapos ko lang mag-workout sa court. Alas otso na rin ng umaga at gutom na ako.
Nang marating ko ang huling hagdan, napatingin sa gawi ko ang babaeng nasa tapat ngayon ng pinto ni Nico. Dumiretso lang ako sa paglalakad pero nakatingin siya sa akin. Papasok na lang dapat ako sa unit ko nang magsalita siya.
"Pwede bang magtanong?"
Nakatingin lang ako sa kanya habang inaantay ang susunod niyang sasabihin. "Itatanong ko lang kung napapansin niyo bang lumalabas yung nakatira dito?"
Nagtaka naman ako sa tanong niya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko. "Madalas din kasing walang tao diyan dahil busy yung nakatira."
"Kung ganun, nakakausap mo ba siya?"
"Minsan lang din e"
"Ganun ba, eh contact number niya, meron ka ba?"
Baka naman stalker ang babaeng 'to? Nagdadalawang isip akong magbigay ng details, baka may mali akong masabi.
"Ah, bestfriend ako ni Nico, deactivated kasi ang accounts niya sa social media, I think blocked din ako sa number niya."
"Yung landlord lang kasi ang may contacts sa kanya, miss. Kung gusto mo, tawagan mo yung landlord, pwede naman."
"Ipapaabot ko nalang siguro ito kung pwede?"
Inangat niya ang paper bag na bitbit niya para ipakita sa akin. "It's okay. Ia-abot ko nalang sa kanya pag uwi niya."
"Wala namang bomba ito?" Dagdag ko na ikinatawa ni ate. "Don't worry, unit lang niya matatamaan"
Naningkit saglit ang mga mata ko pero tumawa din ako. "Dapat daw nasa-fridge yan. Pasuyo nalang ako ha? Pakisabi na rin na contact'n ako agad. Salamat!"
Tumango ako sa kanya. Niyaya ko pa nga siya mag-meryenda sa loob pero may trabaho pa daw siya.
.
Agad kong pinaghiwalay ang wooden chopsticks na disposable. Hinipan ko muna ang noodles. Napakurap ako sa anghang nang magsimula akong kumain.
Saktong sakto sa gabing malamig. Mabuti nalang at hindi na ganun karami ang customer. Ginabi na kasi ako matapos mag grocery, sakto namang may nadaanan akong ramen house.
"Manong, beer po dito." Tinaas ko ang aking kamay para makuha ang attensiyon ng isang crew.
"Dalawa sa'kin, manong" Napalingon ako sa nagsalita. Nagulat ako nang hilain ni Nico ang upuan sa harap ko saka naupo roon.
"Uy, ikaw pala." sambit ko
Matipid siyang ngumiti sa akin. Kinuha niya ang menu na nasa aking tabi para doon ituon ang atensyon.
"Tonkotsu ramen pa dito, tapos dumplings na rin." Aniya sa empleyado pagkabigay ng tatlong beer.
Napansin kong naka-semi formal attire siya ngayon.
"Parang drink now, work later ang style"
"It's the opposite. I worked my ass of for the exam"
"Buti nga at napagsasabay mo pa ang law school at trabaho."
"Well, in order to pursue your desired career, kailangan magsumikap" Aniya bago nilagok ang beer.
"Kaya ba ang sungit mo ngayon?"
Tumawa ito na umiiling iling. "I'm just tired"
Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos naming maubos yung tatlong can ng beer, nag order pa kami.
"Oo nga pala, may naghahanap sayo kanina"
"Yup, I heard. Ni-ref mo ba?"
Tumango ako.
"Daanan mo nalang siguro mamaya. May pupuntahan ka pa ba?"
Napaisip ito. "Ikaw, may pupuntahan ka pa?"
Umiling ako. "Let's go for round 2"
Sa isang resto bar kami huminto ni Nico, may live band na siyang umagaw sa atensyon ko dahil sa lamig ng boses nung vocalist.
"Soju lang iniinom ko." Sambit niya na ikinatawa ko.
"Okay, cool." Sabi ko sabay thumbs up.
Pagdating ng order namin ay ako na ang nag-shake at ginaya ko kung paano buksan ng mga napapanood ko sa kdrama iyon. Natawa pa nga si Nico sa ginawa ko.
"Ayos, may pa-ganun pa."
"Gaya gaya lang sa mga napapanood"
"Tsk." Umiling iling siya. Nilagyan ko ang glasses namin.
We're only getting older baby
Cus' I've been thinking about it lately
Does it ever drive you crazy"Just how fast the night changes" Sinabayan ko ang kanta, nang muli kong ibaling ang atensyon ko sa stage, nagsalubong ang mata namin nung kumakanta.
Hindi ako sigurado, pero para akong matutunaw nang ngumiti siya. Para sa akin ba yun? Napaiwas tuloy ako ng tingin at kay Nico nalang ako tumingin.
"Hindi ka naman nagsisisi na nagpunta ka rito?"
"Mukhang hindi na."
---------
Night Changes | One direction
I just heard heard this song played on my spotify, sakto namang nag iisip ako kung anong magandang scene.
"Does it ever drive you crazy
Just how fast the night changes?"
-- Plu-may
BINABASA MO ANG
BAKA SAKALI
RomansaAgatha thought she will settle a life in Manila. She already have her business growing--bought a house for her parents, she has been so dependent to her family ever since young. But she never thought she could find a life up the hills, she found her...